Lihim Na Pagpalag

35 2 0
                                    

Chapter 17

    Maaga akong bumangon ngunit nahuli parin ako sa flag ceremony... hai nako!..

Hindi pa nagsisimula ang klase kaya nakatambay ang ibang mga studyante sa hagdan.. halos wala ka ng madaanan..

Nakatambay doon ang grupong makukulit..

Grupo ni Jason.. alyas burok..

ewan bat tinawag na burok 'yon.. bukbukin kasi mukha hahaha!..

Nang paakyat na ako napansin kong sinadya nilang harangan ang hagdan upang kikilan ng palihim ang mga estudyanteng takot sa grupo nila..

Si burok ay nakatayo at nakasandal lang sa pader..

Hinahayaan niya ang mga barkada ang gumawa ng kagaguhan..

    Sa araw-araw ay halos ito nalang ang makikita mo sa kanila..

Parang 'di na nag aaral puros kabulastugan nalang ang ginagawa.. Sabagay sa mga lower section..

doon nagtambak ang mga gago at tamad na estudyante, parang empyerno..

pati mga babaing pok2× kung tawagin ay nandon..

ang babata pa e puro kahunghangan na ang nalalaman..

Si alyas Burok ay hindi naman talaga lubos na tarantadong binatilyo..

Lumaki lang siya sa amang lasenggo at kapag nasumpungan siya, siguradong bugbog ang aabutin..

kaya sa barkada niya nakita ang kalayaan at kasiyahan..

Dapat tapos na itong si Burok eh sa edad niyang dese sais, eh siya na ang pinaka matanda sa batch nila..

ang mga barkada niya rin ay nasa edad katorse na,

pabalik-balik nalang sila sa 2nd year.. haha! parang ayaw umalis..

"Makikiraan po brad.."

Pasintabi ko..

"Ui makikiraan daw brad!.. hahaha!" Nagtawan ang ilan..

"Teka ngayon lang kita natsambahan ha! palagi kang nakakaiwas sa'min brad.. baka 'di mo alam ,si burok ang siga dito sa eskwelahan..."

Pagyayabang ng barkada ni burok.

Tinapik-tapik ako sa tiyan

pero 'di nalang ako umiimik para wala nalang gulo..

Bahagya ko silang tinitingnan ,

iniisa-isa ko upang mamukhaan ko kung sinu-sino sila,

Bumulong sa'kin ang isa..

   "Brad baka may sobra ka diyan.. paamot naman.."

Umiling ako..

"Wala brad.. ala nga akong baon.. hindi ako binibigyan ng baon ng tsang ko.. pamasahe ko lang ito.." Tugon ko..

"Oh e akin nalang 'yan.. bahala kana mamaya..

Hala ka baka magalit ang lider naming si burok..

Ayon oh.."

Sabay turo kay burok..

"Wala talaga brad. .pasensiya na.." Tumingin ang lalaki kay burok at tinanguan siya..

Hinayaan na nila akong makadaan..

ngunit pinatid ako ng isang barkada nilang nakaupo..

muntik na akong madapa kaya nagtawanan sila..

Sa loob ng room..

Habang nakaupo ako iniisip ko kung ano ba ang dapat kong gawin.. iiwas nalang ba ako o lalabanan ko sila..

Alyas Batong Buhay Ni: Dark_AlasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon