Bagong Tuli

109 5 0
                                    

Chapter5

Matapos akong matuli, si tsang Vicky na ang naglillinis ng sugat sa ari ko... nilalanggasan namin ng pinakulong dahon ng bayabas upang madali raw gumaling.

"Tsang kaya ko naman po.. ako nalang"

Nahihiyang pakiusap..

"Aisus! bakit ka ba nahihiya ha Bato.. natuli ka lang astang binata kana ha! bata ka pa rin Bato tandaan mo 'yan.. 'dimo pa kaya ang lahat.."

Galit na sabi ni tsang..

Kaya 'di nalang ako nagpumilit... gusto naman niya tlaga akong alagaan e..

"Basta Bato alagaan mo ito ha 'wag padudumihan para 'di ma infection.. mahirap na baka mamaga 'yan at lagnatin ka...

itago mo ito, huwag mo rin ipapakita sa babae mangangamatis 'yan..."

Bilin ni tsang..

"Eh tsang pano 'yan nakita niyo na ho babae po kayo...

ahm tsang ano pong mangangamatis?"

Pagtataka kong tanong...

"Loko ka iba naman ako..

basta sa ibang babae 'wag mong ipapakita..

.. Ahm ang nangangamatis Bato..

mamamaga ang ari mo parang kamatis ganon kalaki, tapos lalagnatin ka..

gusto mo ba 'yon ha?

kaya diyan ka muna sa kwarto mo at magpahinga..

tuwing umaga nating lalanggasin 'yan para gumaling agad.."

Pagkukwento ni tsang na parang nananakot..

"Tsang pwede po ba 'wag na ako mag palda? para kasi akong babae nito.. ayaw ko nito tsang ang sagwa tingnan! "

Pakiusap ko.

"Hai... lintik kang Bato ka.. mas mahihirapan ka kapag nakashort ka.. kasi maiipit 'yang uten mo,....

hala ka liliit 'yan baka maputol pa.! basta magpalda ka lang muna para madali kang makakaihi..

mas masagwa naman kasi kung pagdasterin kita.. hahaha gusto mo ba 'yon ha Bato?.."

Pagbibiro ni tsang..

"Haha .... nako tsang palda nalang po.. mas asiwa na po 'yon...

sige po akyat na ako tsang.."

Pailing-iling akong pumasok ng silid.

Buong maghapon lang akong nasa kwarto ..

ang mga bagong tuli, para kaming mga babae, naka palda pa hai nako..

naalala ko ang pagtuli sa'min halos parang mamamatay sa takot ang mga ka tropa ko.. kung makasigaw eh abot sa kabilang baryo.. haha!.. pero sa totoo lang 'di naman talaga masyadong masakit eh..

takot lang kasi ang namamayani sa kanilang isipan...

    Sa pangatlong araw, tinanggal na ni tsang ang saping tela.. may sugat pa pero.. 'di na ganong masakit medyo makati lang ang sarap kamutin..

subalit hindi pa ako pinagsoshort ni tsang...

"Ma merkado la ak ha bato..

ayaw pag gawas dinhi ka la!"

Bilin ni tsang.

(mamalengke daw siya at hindi ako pinalalabas)

Haizt mamamalengke si tsang iiwan ako dito.. akala naman niya makakalabas ako sa itsura kong ito..

Alyas Batong Buhay Ni: Dark_AlasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon