Tropa

101 3 0
                                    

Chapter 7

(Paalala po may mga salita na medyo brutal na nakaka puslit.. pagpasensyahan na po...

wag nalang po gaanong pansinin hehe salamat po..)

         Ibat-ibang mutya o agimat ang nakukuha ng mga taong nasa probinsya, nakukuha nila ito sa ilog, kagubatan o kabundukan.. minsan nama'y turo nalang din ng mga mayroon nito, isinasalin sa kanila ang angking kaalaman o kapangyarihan ng agimat.

May mutya ng ahas o anumang hayop na gala sa kagubatan.

Mutya ng lintang dagat o mga kakaibang hayop sa tubig maging tabang man o alat.

Mutya ng mga puno ng saging  punongkahoy o maging mutya ng Bato.

at ibat iba pang mutya..

ang iba nama'y agimat mula sa libretra o maliit na libro, inaaral nila ang mga dasal dito..

pinaniniwalaan nila itong isang maganda at matinding agimat...

ibinibigay daw ang mga agimat o mutya ng mga engkanto na nagiging kaibigan nila.

Ang Mutya ng Batong buhay na napulot ko sa sapa ay kakaibang bato.. 'di ko alam kung anong bisa mayroon ito...

Pagkatapos ng klase nagmamadali na akong umuwi, mag iigib pa kasi ako ng tubig sa poso..

pauwi na ako ng makita kong may pinagtetripan nanaman ang grupong mayayabang..

sina Greg at ang tropa niya..

lumihis ako ng daan upang makaiwas sa kanila...

subalit may narinig akong umiiyak kilala ko ang boses na 'yon..

si Dondon 'yon hindi ako nagkakamali..

"Huhuhu kuligay kamo.. anyayabang niyo porke marami kayo..

aray ko..  huhuhu..aray..."

Tulo ang sipon ni Dondon na nagkalat na sa kanyang mukha..

Duguan pa ang kanyang nguso, sinapok siya ng isa sa tropa ni Greg..

lalaban sana siya ngunit marami ang tropa ni Greg.. 'di niya kakayanin. ..

kung kaya ng mabosesan ko si Dondon ay agad akong lumapit...

"Ui kakz anong nangyari bakit ka umiiyak? binugbog ka ba nila?"

Pagtataka kong tanong.

"Pilit nila inaagaw ang pagkain ko kakz huhuhu!"

Tugon ni Dondon habang umiiyak..

Iniabot ko ang dala kong bimpo kay Don upang punasan ang sipon at dugo sa nguso niya..

Tumayo ako at hinarap ang grupo ni Greg..

"Bakit naman niyo inaagaw ang pagkain ni Don? bakit wala ba kayong baong pagkain!?"

Pasigaw kong tanong.

"Aba pumapalag ang ka tropa ng uhugin na 'yan ah...

bakit Bato matigas ka ba talaga!?" Asar na sabi ni Dave isa sa mayabang na tropa ni Greg..

 

Lumapit si Balot at tinulak tulak ako..

"Hoy Bato..!! lalaban ka ha! ha!"

Inaambahan ako ng suntok.. ngunit pinakikiramdaman ko lang kung itutuloy niya..

"Wala naman akong sinabing lalaban ah!"

Pasigaw kong sagot..

"Hahaha.!!!.. hahaha!!! niyahaha!!!..."

Tawanan ng magkakatropa..

Alyas Batong Buhay Ni: Dark_AlasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon