Mga Matang Nanlilisik (Aswang)

69 2 0
                                    

Chapter 16

Hapon noon...

pauwi ako galing pangangahoy, namataan ko ang isang ale na nasa gitna ng daan..

Gumilid ako ng daan kahit mabigat ang aking dala,

ngunit lumipat din ang ale kung saan ako dadaan..

mabilis din naman akong lumipat ng daan dahil mababangga ko siya kung magtutuloy-tuloy ako, pag daan ko sa ale nilingon ko siya ng bahagya..

ngunit may kakaiba akong napansin..

Nanlilisik ang mga mata nito at mukhang matalim ang tingin sa'kin na animoy galit na galit, hindi ko naman alam kung bakit..

Nang makalayo na ako sa ale ay muli ko siyang nilingon..

ngunit wala na siya sa kanyang kinatatayuan...

nagulat nalang ako ng bigla ko siyang mabangga, kung kaya't nabitiwan ko tuloy ang mga dala kong kahoy..

.. Blaaagg!!!!....

"Araaay!! (Sigaw ko)...

Ay pasensya po hindi ko kayo napansin.."

Sambit ko.

Ngunit hindi umiimik ang ale at nakatingin lang sa akin, nagtataka naman ako kung paanong napunta sa harap ko ang ale at ang bilis niya nauna pa s'ya sa akin..

ngunit mukhang may masamang balak ang ale.. umiiba na ang awra ng kanyang mukha..

bigla niya akong sinugod at sinakal, grabi napakalakas niya..

"Aarraay!!! kuligay..!

bakit po ba!!!.. sino ba kayo!!?"

Sigaw ko.

.. Ubo!.. ubo!.. ubo!..  ..

Inubo ako sa lakas ng pagsakal niya sa'kin..

pero nakawala ako sa pagkakasakal nya..

nahawakan ko ang mukha niya na basa ng laway..

ngunit kahit kadiri pinagsasapok ko siya sa mukha..

Pak! Pak! Pak!! Pog!!....

Sa lakas ng pag sapok ko ay napabitaw ang aleng aswang sa akin, takot ako pero kailangan kong lakasan ang loob ko dahil siguradong tatalunin niya ako..

   Hinugot ko ang aking itak at itunutok sa kanya..

"Sige aleng aswang lumapit ka.. tatag pasin ko ang leeg mo!.."

Banta ko.

Nagbago na ang mukha ng ale at lalo itong pumangit...

Grrrr!!... Harrrr!!...wararrr!!!

"Bata... matapang ka..

subalit hindi ka uubra sa'kin.. harrrr.!!! garrrr..."

Sabi ng aleng aswang.

Bigla niya akong sinugod..

subalit mabilis akong nakailag...

.. Wassssshhhh!... issshhh!.... blaaaggg...

Nagpagulong ako pababa sabay bangon..

"Hindi po ako natatakot sa inyo...

ang takot ay kailangang paglabanan upang matalo ko ang isang tulad niyo.!!!"

Matapang kong sabi.

Kapag nakitaan ka kasi ng kahinaan lalong lumalakas ang loob ng aswang, lalo't naunahan ka ng gulat at takot tiyak magagapi ka niya.

Alyas Batong Buhay Ni: Dark_AlasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon