Patron (Fiesta)

39 2 0
                                    

Chapter.24

   Maaga akong nagising...

Una kong tinungo ang mga lagayan ng tubig..

tiyak ubos nanaman sapagkat andaming gumagamit...

lalot maaga ang misa kaya maagang naligo at nag gayak ang iba..

"Noy.. waray na tubig sa lagayan..

alayon la pag alog"

Pakiusap ni lola, tiyahin ni tsang.

"Ai Opo lola..

saglit po at magsasalok na ako ng tubig sa poso.."

Dali-dali akong pumunta sa poso... Nagising naman ang isang pinsan ni tsang..

"Ui.. ang sipag naman ng batang ito.. Pasensiya ka na ang dami kasi naming gumagamit ng tubig.."

Sabay haplos sa ulo ko..

Tapos pinang gising niya ang mga anak niya at inutusang tulungan ako..

Pero ayaw pang magsibangon dahil napuyat sa sayawan kagabi..

    "Hoy! kayo.. gising na nga..

bangon na..

'yong bata tuloy gising na at nag iigib para pampaligo ng bisita.. kayo dito nakahilata pa...

hoy! hoy! Bangon! Bangon na!.. Tulungan niyo ang Bata mag igib... dali.."

Pinag papalo niya mga binatang anak ..

"Hai.! Nanay naman eh.. inaantok pa nga..!"

Masama man ang loob, napilitan paring sumunod..

Tumungo ang mga pinsan ko sa poso upang tumulong mag igib ng tubig.

"Bato.. aztig ka kagabi ah! kahusay san chick nimo.. taga manila ba 'yon?."

Tanong ni kuya Bong.

"Ahm.. kuya taga dito din siya..

pero sa manila na nag aaral.."

Tugon ko..

"Daming magagandang chikaz dito Bro.."

Sabat ni kuya Joel..

"Oo naman grabe.. dami ko ngang nakilala..

Pero itong kay Bato ang aztig eh...

yagid na ba' nimo adto Bato..?."

Tanong ni kuya Bong..

Habang patuloy naman akong nag bobomba sa poso at sila naman ang tagahakot..

   "Ahm.. parang ganon na nga po kuya Bong.."

Nakangiti kong tugon.

"Wahaha.. ...

aztig ka talaga Bro..

Buti nalang kasintahan muna...

type ko pa naman... hahaha"

Tawanan kaming tatlo..

Sabay batok ni kuya Joel sa kapatid niya..

Poook!!!..

"Agoyyy!!"

"Tarantado!..

Mukhang gusto mo pang sulutin kay Bato 'yong chick niya ah...

Kahit pa nililigawan palang niya 'yon.. eh parang kanya na 'yon..

hindi na dapat pang pakialaman.."

Alyas Batong Buhay Ni: Dark_AlasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon