Ang Paglalayo

37 2 0
                                    

Chapter 15

Ngayon na ang araw ng pag alis ni Ellen..

Sobra akong malulungkot kong makikita ko pa siyang papalayo sa akin...

kaya minabuti ko nalang magmukmok dito sa bahay kaysa pumunta sa kanila... nandon naman ang tropa para mag paalam at babay sa kanya..

Subalit....

"Woi Bato bakit nandito ka lang? Ayaw mo na ba ako makita kahit ngayon nalang?

Aalis na ako mamaya, pero hindi ka manlang nagpapakita.."

Nangingilid ang luha sa mga mata ni Ellen..

Wala ni anumang salita ang gustong lumabas sa aking lalamunan.. Naninikip ito at tuyong-tuyo..

    Tumayo ako at niyakap si Ellen... Kapwa umaagos ang luha sa aming mga mata..

"Bato lumabas ka naman makita manlang kita habang papaalis ako."

Pakiusap ni Ellen.

"Iyon nga ang ayaw kong mangyari Ellen, ang makita kang palayo sa akin.."

Tugon ko.

.. Hahaha ang drama ng ating Bato...

"Bato.. magsulatan tayo ha.. ipapadala ko sa bahay ang sulat ko sa'yo.. kasama ng sulat ko kay la mama at papa.. 'wag mo ako kakalimutan ha Bato.. mag iingat ka lagi.."

Bilin ni Ellen.

"Oo Ellen susulat ako kapag natanggap ko sulat mo.. basta mag iingat ka rin doon ha..

'wag mo rin ako kakalimutan ha.. baka makahanap ka na doon ng ibang tatay mo Ellen.. ehehe biro lang.."

Tawanan kaming dalawa sabay palo sa balikat ko si Ellen...

"Nu kaba!.. Ikaw lang ang tatay ko Bato.. wala ng iba.. 'di ako maghahanap ng ibang tatay doon.. kasi ikaw lang ang mahal ko at ikaw lang ang magiging tatay ko habang buhay.."

Ani Ellen.

....

Hahaha parang nakakasigirado si Ellen ah ehehe..

...

   "Ako rin naman Ellen,.. Ikaw lang ang mahal ko... at ikaw lang din ang nanay ko habang buhay.."

...

Haizt nagbolahan pa ang dalawa... ehehe....

Tumingin ako sa mga mata ni Ellen parang hindi ito nakatulog kaiiyak.. malamlam ang kanyang mga mata.. dama ko ang lungkot na nakatago dito kahit pa may ngiting namumutawi sa kanyang mga labi..

    Hinagkan ko ang mga labi ni Ellen masyado iyong mariin.. umagos muli ang mga luhang pilit na ngang pinipigilan...

"Paalam Ellen.."

Sambit ko..

"Paalam din muna Bato... huhuhu.."

Tugon ni Ellen habang umiiyak.

Kung maari lang hindi na sana kami makahiwalay..

Kung sana ay malaki na kami... maaring hindi ko na papayagang malayo siya sa akin.. subalit isa lang kaming mga bata na kailangan pa ng kalinga ng mga magulang upang lumaking may kakayahan at magkaroon ng magandang kinabukasan...

Kay Ellen batid kong may magandang bukas sa kanya... pero ako hindi ko pa alam..

"Ehem!.....

Ehemmmm!..."

Igham ni tsang Vicky.

Si tsang Vicky nakita pala kaming naghahalikan ni Ellen..

Naghiwalay kaming bigla ni Ellen at bumitiw sa pagkakayakap..

Alyas Batong Buhay Ni: Dark_AlasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon