Chapter 21
(Tagapagsalaysay muna haha)
Sa eskwelahan....
bulong-bulungan ang nangyaring bakbakan ng grupo ni Burok at ng tropa ni Bato..
ang lahat ay tikom ang bibig sa takot na baka sila ang balikan ng grupo ni Burok...
Ngunit sa pangyayaring iyon..
walang ibang saksi kundi si Angel at Mel ..
ang grupo ni Burok at tropa ni Bato ang siya lamang ang naandoon sa mga oras na iyon..
hapon narin non at nakauwi na ang iba..
at sa bakanteng lote sila nag laban.. kaya walang ibang nakakita.
.....
Dumaan ang ilang linggo at buwan.. Nagtanda na ang grupo ni burok,
hindi na nila ginagawa ang dating maling gawain...
naroon parin ang pagiging aztig nila
subalit tumitiklop na sila sa tuwing kami ay daraan..
Pero 'di ko naman sila pinagyayabangan bagkos nais ko silang kausapin upang mag ayos na sila sa pag aaral at maka graduate narin sa paaralang iyon..
Si Ben tumigil narin ng panliligaw kay Angel sa pag aakalang kasintahan ko na si Angel dinarin sila nambabastos ng babae o maging sa mga binabae..
Okey narin kami ni Angelika hindi na naulit pa ang nangyari sa amin..
natatakot din naman kami baka nga magbuntis ng maaga si Angel at 'di makatapos ng highschool...
Napakalaking kahihiyan at problema pa sa mga tao at sa mga magulang niya. ..
ako na mismo ang umiiwas, dahil lagi kong naalala ang aking panaginip, na mahuhumaling sa'kin ang babaing makakapansin sa'kin..
alam kong hirap akong maiwasan 'yon..
ngunit hanggat makakaiwas pa ako, ay dapat ng umiwas upang mapigilan ang mga mangyayari sa amin..
...
Bakasyon...
Sa panahon ng mahal na araw,
lahat ng mga may taglay na agimat ay pumupunta sa bundok upang doon sanayin ang kanilang kakayahan..
subukan ang taglay na galing ng kanilang agimat..
Kaya ang mga tao ay nananatili nalang sa bahay baka sila pa ang tamaan ng naturang itim na maheka..
Minsan may mga nagkakatipon tipong matatanda...
naandon din kami, nakiki usyoso.. pero 'di kami pinapalapit napakalakas daw ng kapangyarihang ginagamit..
baka 'di kayanin ng batang katawan namin..
Pero nakikita naman namin kahit nasa malayo kami...
May nagpakita ng maheka,
tatlong stick ng sigarilyo isinawsaw sa isang basong tubig..
nang maisubo na lahat ang tatlong stick ng sigarilyo..
uminom ng tubig at dahan-dahang inilabas ang perang papel (50) limampung piso..
Ang isa naman ay tumungga ng isang kwatro kantos na Gin..
Nang maubos,
ginawang pulutan ang bote..
nginuya ng husto hangang maging pino ni wala manlang sugat ang dila at ang bibig..
BINABASA MO ANG
Alyas Batong Buhay Ni: Dark_Alas
Romance_Dark Ace Heart_ Ano ang nasa dako pa roon, Bunga ng malilikot na pagiisip Likha ng balintataw O halaw sa isang daigdig ng kababalaghan Di kayang ipaliwanag Ngunit alam mong.... May nagaganap.... wahahaha!!!! Ang Alyas Batong Buhay ay naglalaman ng...