Chapter 26
..
Tulad ng sabi ni tsang Vicky...
na dapat ilibre ko rin si Ellen...
Pumunta kami sa Bayan at dooy paikot-ikot kami...
lahat ng pagkaing kakanin na magustuhan ni Ellen, ako na kaagad ang bumibili..
Huling mga araw na kasi ng bakasyon nila Ellen kaya sinusulit na namin..
bago kami umuwi ay tumambay muna kami doon sa parke na malapit sa dagat...
Ang sarap ng simoy ng hanging habagat na mula sa karagatan..
"Bato ang saya-saya ko, dahil nakasama kita sa pamamasyal dito sa City..
sulit ang bakasyon ko..
hindi ko alam kung kailan nanaman kami makakapag bakasyon ni tita Lerma"
Masayang sabi ni Ellen..
"Ako rin Ellen.. masaya ako nakasama kita dito..
Buti nalang nagawan ng paraan ni tita Lerma na papuntahin ka dito at ako pa ang pinasama...
paki sabi kay tita Lerma salamat.."
Masaya kong tugon.
Nasa likod ako ni Ellen at niyakap ko siya mula roon..
Niyakap din niya ang aking mga bisig..
Ang lambot ng katawan ni Ellen..
ang sarap lang yakapin at ang katamtamang haba ng buhok niya ay tumatama sa mukha ko kapag hinahangin, ang sarap lang amuyin ng buhok ni Ellen, ang bango-bango kasi nito...
"Bato.. pag yakap mo ako pakiramdam ko, safe na safe ako.. ang sarap yumakap ng mga bisig mo Bato."
Ani Ellen..
Halos walang pagsidlan ang kaligayahang nadarama sa mga sandaling iyon..
nangangarap kami sa harap ng napakalawak na karagatan..
sinisiim ang malamig na samyo ng hanging dumadampi sa aming mga pisngi...
"Ellen.. mag magdadapit hapon na..
kailangan na nating umuwi..
baka mag alala na si mama mo at tita Lerma.."
Bulong ko sa malamig na tainga ni Ellen..
sabay halik..
nakiliti naman si Ellen at napangiti..
"Sige Bato.. tara na..
bilin kasi ni tita 'wag tayong magtatagal..
Nabili narin naman natin ang pinabibili niya.."
Hinawakan ni Ellen ang kamay ko.. Tinungo namin ang sakayan..
nang may tumawag sa akin..
"Aguinaldo!!! Saglit!."
Nilingon ko kung sinong tumatawag sa akin..
Si Bb. Paniaga pala..
"Mam Paniaga..
kayo po pala..
magandang hapon po"
Sambit ko..
"Galing akong pamilihan..
kaarawan ko kasi bukas..
punta ka ha? kayo ng kasintahan mo.."
Imbita ni Bb. Paniaga..
![](https://img.wattpad.com/cover/121721931-288-k612318.jpg)
BINABASA MO ANG
Alyas Batong Buhay Ni: Dark_Alas
Romance_Dark Ace Heart_ Ano ang nasa dako pa roon, Bunga ng malilikot na pagiisip Likha ng balintataw O halaw sa isang daigdig ng kababalaghan Di kayang ipaliwanag Ngunit alam mong.... May nagaganap.... wahahaha!!!! Ang Alyas Batong Buhay ay naglalaman ng...