Chapter:1
Ako si Alexander Aguinaldo...
Alyas Batong Buhay, 'yan ang tawag nila sa akin sa probinsyang kinamulatan ko...
mahilig kasi akong manguha ng mga batong buhay sa tabing ilog, napagkakatuwaan ko kasi ang mga ito...
at dahil salat sa yaman.. kaya itong batong buhay nalang ang tangi kong laruan . ..
Isang araw may nalunod na kapwa ko bata sa ilog.. itinakbo nila ito sa tambalan...
( manggagamot dito samin)
sila ang unang malalapitan kapag may nagkakasakit, napaglalaruan sa ilog o sa bukirin...
may mga engkanto kasing namamalagi sa mga ilog...
kaya't bilin ng matatanda ay mag iingat baka mapaglaruan ...
Ang batang nalunod ay ang kababata kong si Tonio... napaglaruan daw s'ya ng engkanto sa ilog.. kaya ayon, nalunod kahit pa marunong s'yang lumangoy...
nakakaawa si Tonio dahil maaga s'yang pumanaw..
Pinagsabihan ako ni tsang Vicky na 'wag munang magpunta o maglaro sa ilog.. sa poso nalang daw muna ako maliligo...
Si tsang Vicky at tsong Mando nalang ang nag-alaga sa'kin ng maghiwalay ang aking mga magulang...
Sa sobrang lungkot ng aking ama ay nalulong ng husto ito sa paginom ng alak... halos walang araw na 'di ito lasing.. kung kaya't sa batang edad ay pumanaw na ito..
'di ko naman alam kung saang lupalop napadpad ang aking ina...
Gayon pa man maganda naman ang trato sa'kin nina tsong at tsang..
pinag aaral nila ako kahit hindi nila ako tunay na anak..
kapag sabado at linggo isinasama ako ni tsong sa koprahan.. ( kopra .. 'yon ang ginagawang langis pag naibenta)
Sa mura kong edad ay nasasabak na ako sa mga trabaho na kaya ko.. anim na taong gulang palang ako subalit batak na ako sa trabaho...
ako ang inuutusan ni tsong na taga kuha ng mga niyog na gumugulong sa mga damuhan..
Buhat-buhat ko ang dalawang niyog papuntang Lun-An..( 'yon ang tawag sa lutuan ng niyog para maging kopra)
Kapag maipon na namin , binabalatan ni Tsong ang niyog at tsaka bibiakin, tumutulong naman ako sa pagpatong patong ng maige para maluto agad..
" O Bato pagharing na kay mag udto na..."
Utos ni tsong.
Sindihan ko na raw ang mga kahoy..
Agad naman akong tumalima...
nang masindihan na ang mga tuyong kahoy, si tsong na ang nagpatuloy upang bumilis ang pagliyab... pumunta naman ako sa kubo upang iayos naman ang aming pagkakainan..
matapos mapaliyab ni tsong Mando ang mga kahoy, pumunta na siya ng kubo upang ilabas ang baon naming pagkain.
Habang kumakain kami ni tsong...
"Ui bato pinag aaralan mo ba ang mga karateng itinuro ko sa'yo?" Tanong ni tsong.
"Opo tsong kabisado ko na nga ang kata"
Pagmamayabang kong tugon..
Si tsong Mando ay marunong sa self defense.. naturuan s'ya ng Judo karate ng isa niyang kaibigan..
kaya kapag may kaaway s'ya siguradong bugbog sarado...
ngayon itinuturo naman niya sa'kin upang maipagtanggol ko ang aking sarili..
BINABASA MO ANG
Alyas Batong Buhay Ni: Dark_Alas
Romance_Dark Ace Heart_ Ano ang nasa dako pa roon, Bunga ng malilikot na pagiisip Likha ng balintataw O halaw sa isang daigdig ng kababalaghan Di kayang ipaliwanag Ngunit alam mong.... May nagaganap.... wahahaha!!!! Ang Alyas Batong Buhay ay naglalaman ng...