Chapter 12
Biringan mean, Bilingan sa salitang waray.. sa tagalog hanapan..
Hanapan ng nawawala...
Kasi dito dinadala ng mga engkanto ang mga taong gusto nilang kunin...
kapag naligaw o napunta ka sa lugar na ito, maaring hindi kana makabalik pa...
Naalala ko ang kwento ni tsong Mando sa mga taong nawawala.. ang ibay nakakabalik pa ngunit ang ibay hindi na...
-IGAng..-
Igang ang tawag sa magubat na bundok..
maraming mga malalaking puno at bato dito, matatalim na bato ang nasa lugar na ito.. ang ilalim nito ay kweba na kung saan-saan ang tagos..
Maraming nakakarinig dito ng ibat ibang ingay na akalain mong may ginagawang gusali...
magugulat ka nalang bigla kung ikay nasa ilog at naliligo.. bigla nalang may humaharurot na sasakyan samantalang noong araw ay wala pang mga sasakyan dito..
wala paring kalsada na pweding daanan.
May minsan pa'y nakakarinig sila rito ng malakas na tugtugan, animoy may nagsasayawan, ngunit hindi naman Fiesta sa karatig baryo. natatsambahan namang may lamay ng patay dito sa'min, at mismong pangalan ng patay ang binigkas ng tagapagsalita na iyon ang susunod na sasayaw,
kinilabutan ang mga nakarinig, hindi lang 'yon minsang nangyari, sa tuwing may patay sa lugar, tiyak may tugtugan nanamang maririnig, hinala nila na nagsasaya ang mga engkanto kapag may namamatay at alam nila kasama na ng engkanto ang namayapa...
Naikwento rin ni tsong Mando ang nangyari sa kumpareng Patron niya..
..Si mang Patron ay mahilig manguha ng kahoy doon sa gubat..
isang araw...
nalingat lang siya sandali..
"Hala nasaan ako bakit ang gaganda ng bahay dito?
At grabe ang lalaki ng mga gusali at ang gagara ng sasakyan...
may mga ginagawa pa silang bahay at mataas na gusali.. bakit mayroon nito dito sa gitna ng gubat?" Pagtataka ni mang Patron..
Lalo siyang nagtaka, dahil nakikita niya roon ang mga nawalang tao sa Baryo, pati na ang mga taong namayapa na,
ngunit hindi na siya nito kilala.
Patuloy siya sa paglakad, ngunit tinitingnan lang siya ng mga kakaibang tao roon..
"Brad nasan ba ako bakit ngayon ko lang nakita ang lugar na'to?" Paguusisa ni mang Patron sa lalaking lumapit sa kanya at binigyan siya ng kende..
Tinanggap niya iyon pero 'di niya kinain..
'Di umimik ang lalaking napag tanungan niya..
pero isinama siya nito sa isang magarang bahay.
"Dito ka nalang maraming pagkain dito.. masaya dito, ayan oh kumain ka.."
Pag aalok ng lalaki.
"Hindi sige busog ako eh.. gusto ko ng umuwi, saan ba ang daan pauwi?" Tanong ni mang Patron.
"Mamaya kana umuwi.. maaga pa naman..
magpahinga ka muna.."
Isinama si mang Patron sa isang silid..
Namangha siya sa laki at ganda nito... naupo siya sa kama at inantok, kung kaya't siya'y nakaidlip..
subalit sa saglit lang na pagkakaidlip ay napanaginipan niya ang kanyang pamilya...
BINABASA MO ANG
Alyas Batong Buhay Ni: Dark_Alas
Romance_Dark Ace Heart_ Ano ang nasa dako pa roon, Bunga ng malilikot na pagiisip Likha ng balintataw O halaw sa isang daigdig ng kababalaghan Di kayang ipaliwanag Ngunit alam mong.... May nagaganap.... wahahaha!!!! Ang Alyas Batong Buhay ay naglalaman ng...