Ang Biringan City

46 2 0
                                    

Chapter 11

Maraming kababalaghan ang mga nanyayari dito sa probinsiya namin.. May mga taong basta nalamang nawawala.. hinihinalang kinuha ng mga engkanto at dinala sa Biringan city... Lost City kung tawagin ito dahil hindi ito nakikita ng pang karaniwang tao..

Wala rin ito sa mapa ng aming lalawigan...

Ayon sa kwento ng mga tambalan (mga taong may agimat)

Mahilig sila kumuha ng mga taong kanilang nagugustuhan at dinadala nila ito sa kanilang kaharian...

Isang babaeng nakaputi, mahaba ang buhok at damit...

siya raw ang reyna ng Biringan City.. karamihan sa mga tambalang namamatay ay hinihinalang nasa biringan na..

Si tsong Centi ay muntik ng makuha ng engkanto.. kaya todo ingat na siya...

pagkalipas ng isang linggo ay babalik na ng manila ang pamilya ni tsang Virgie..

nagkaroon man ng kaunting trahedya, naging masaya naman ang bakasyon ng pamilya... lalo na si Loida na nagpapakasasa sa kahihipo sa akin...hahaha!..

"Bato sana makabakasyon ka rin sa manila ipapasyal kita doon.."

Medyo naluluhang sabi ni Loida.

"Sige pag pinayagan ako nina tsong at tsang.."

Tugon ko.

"Pwede ka magbakasyon 'don Bato padalhan kita ng pamasahe kapag ginusto mo, may utang na loob ako sa'yo eh hahaha! papadala rin ako minsan ng pang baon-baon mo.."

Sabi ni tsong Centi.

"Oo nga Ate Vicky Pasyal naman kayo 'don samin sa manila para makapag ikot-ikot tayo doon.."

"Oo ba sige pag maganda ang katawan at may panahon..

at syempre kapag may pamasahe hihihi"

Tugon ni tsang Vicky..

"Ihahanap ko nga ng mapapasukan doon si Mando para doon na muna kayo.."

Pag aalok ni tsong Centi.

"Hindi na siguro Centi 'di ko rin naman maiwan ang maliit na bukirin at sakahan.. wala pa naman ako mapagkakatiwalaan dito.."

Tugon ni tsong Mando.

... Hahaha!... Hahaha!.. Hahaha!..

Nag tawanan nalang silang lahat.

Nag paalam na sila at nag babay na sa'kin sina Loida at Lira... inihatid na sila ni tsong at tsang sa terminal ng bus...

Pumunta naman ako sa mga katropa ko... sakto nandon ang tatlong alas.

"O mga kakz kumusta kayo.. pasensya na ha 'di ako ganong nakakalabas upang makipaglaro sa inyo.. kasi alam niyo namang may bisita kami.."

Bungad ko.

"Okey lang 'yon kakz.. naintindihan naman namin.."

Tugon ni Rcky.

"Nga pala mga kakz tara sama kayo may puntahan lng tayo saglit"

Yaya ni Jun.

"Bakit Jun san tayo punta? baka naman gabihin tayo at pagalitan ng magulang natin."

Sabat naman ni Dondon na hindi na sipunin...ehehe.

"Saglit lang tayo mga kakz.."

Pilit ni Jun.

"Sige pero sandali lang tayo ha?"

Alyas Batong Buhay Ni: Dark_AlasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon