Resbak ng Bato

39 2 0
                                    

Chapter 31

Ang sulat ni Bato kay Ellen..

       Aking Ellen... kumusta ka na diyan sa Manila... Sana lagi kang nasa mabuting kalagayan.. Ako ayos lang ako dito.. huwag mo akong alalahanin..

Ellen.. inaalay ko sa'yo itong munting tula na ginawa ko para sa'yo..

Isang mapang aliping pag-ibig

Ang siyang sa aki'y kumakabig

Mga 'di maiwasang tinig

Palagi kong naririnig

Sa panahong sayo'y nananabik

Dungawin mo lamang puso ko'y pumipitik

Sa tamis ng 'yong mga halik

Agad akong natatahimik

Ano ito at halos 'di makagalaw

Gapos ako ng mata mong mapapanglaw

Bagamat maaliwalas ang araw

Mukha namang mayroong papanaw

Labis ang lungkot sa iyong mukha

Dasal ko sana ito'y mapara

Daang libo man ang nilikha

Pag-ibig ko sayo'y hindi mawawala.

Mahal kita Ellen...

Alexander 'Bato' Aguinaldo

...

"Magandang umaga po tita Lem..

si Ellen po?"

Tanong ni Apple..

"Ah.. ikaw pala Appz.. ahm nasa taas nagbibihis na ata..

sige na pasok ka puntahan mo nalang"

Tugon ni tita Lerma habang nagdidilig ng kanyang mga halaman..

"Ui.. Ui... Appz san ka pupunta?"

Sigaw ni Cindy..

"Sa itaas pupuntahan c Bezpren Ellen.. bakit?."

Tugon ni Apple..

"Hala! pupuntahan si Bezpren Ellen o makiki basa ka na naman sa sulat ng may sulat?."

Ani Cindy..

"Hihihi.. eh ano naman?."

Sabay takbo si Apple paakyat sa kwarto ni Ellen..

"Ai loka! Uunahan pa akong magbasa! Haizt."

Ani Cindy.

Takbo ang dalawa,

naguunahang magbasa ng sulat ni Bato..

Si Apple at Cindy ang naging Bezpren ni Ellen sa kanilang compound..

silang dalawa ang tagabantay ni Ellen sa kanilang compound at maging sa school ayaw nilang paligawan sa iba ang bezpren, para sa kanila si Ellen ay para kay Bato lamang..

"Ui kayong dalawa, hinay sa pagtakbo.. baka mahulog kayo sa hagdan!."

Sigaw ni tita Lorna..

"Yaan muna mga bata ate.. tara na baka matrapik tayo.."

Ani tita Lyka..

Dahan-dahang sumilip ang dalawa sa kwarto ni Ellen..

nakita nilang nakatulala si Ellen at nangingilid ang luha..

"Bezpren.. Okey ka lang ba?"

Tanong ni Apple..

Marahang lumapit ang dalawa..

Alyas Batong Buhay Ni: Dark_AlasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon