Angelika

41 2 0
                                    

Chapter 18

Kinabukasan. ..

Pag pasok ko sa room namin, tampulan ng kwento ang pambubugbog sa grupo ni Ben..

Binugbog daw sila ng isang grupo kaya 'di sila nakapalag.. marami daw ang kalaban nila...

haha maraming suntok at sipa ata.. ehehe..

Galit na galit si Burok at nagbabantang gaganti sila sa grupong bumugbog sa grupo ni Ben..

hahaha sino kaya gagantihan niya..

maya-maya'y...

Biglang lumapit sa akin si Angel..

"Agui! nabalitaan mo ba ang nang yari sa grupo ni Ben?."

Tanong ni Angel..

"Yan nga ang naririnig kong usap- usapan sa labas,

hanggang dito nga sa loob ng room.."

Mahinahon kong tugon..

"Alam mo bang, basag-basag ang mukha ng tatlo...

'di makakain at 'di makalakad..

pilay-pilay daw ang tagiliran.."

Pag kukwento ni Angel..

"Talaga? Eh sino naman nag kwento niyan sa'yo?."

Tanong ko..

"Akoh! Darna.. tsugoghzzzz hahaha.. Nasagap ko yahn sa mga ka amiga koh..haha. ..

At sabi pa nila 'di daw makaka pasok ng ilang linggo o buwan ang tatlo dahil sa tinamong pinsala sa katawan.. ikaw ba naman mabalian.. agiiiiw!!... buti nga sa kanila"

Pagpapatuloy na kwento ni Mel bayot..

Tumango-tango lang si Angel..

"Siguro Agui.. pinag papalo 'yon ng ibang grupong bumugbog sa kanila..

grabe eh.."

Ani Angel..

"Haizt..mabhuti nga dapat lang 'yon  sah kanilah.. nabawasan bahagya ang sigah dito sa eskwelahan.. papasalamatan koh pah ang grupong bumugbog sa kanilah!!!.."

Galit na sabi ni Mel bayot..

"Woi.. Mel..!..

Magdahan-dahan ka nga sa mga sinasabi mo..

Baka marinig ka ng grupo nila Burok lagot ka..

Baka ikaw pa ang pagdiskitahan at balingan ng galit ng mga 'yon, bahala ka"

Sita ni Angel ni Angel kay Mel.

biglang tahimik naman si Mel at tinakpan ang bibig..

"Oh ikaw Agui.. ayos ka lang ba?

'Di na ba masakit tiyan mo? "

Pag-aalalang tanong ni Angel...

"Hindi na.. okey na ako Angel.."

Tugon ko..

"Hahaha....

Nakaganti ka narin sa mga 'yon Agui.. Hahaha!!"

Tawa ni Mel..

napangiti nalang ako..

Maaga kaming pinauwi ng aming guro, dahil mayroon daw silang meeting..

"Agui.. pwede kabang pumunta sa bahay?

May mga ipapakita lang ako sa'yo.. tsaka kwentuhan narin tayo"

Alyas Batong Buhay Ni: Dark_AlasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon