Chapter 8
Umaga pagpasok ko sa aming silid aralan..
alam kong nagbubulungan ang mag kakabarkada at ako ang kanilang pinag-uusapan..
tumatawa-tawa si Arnel habang papalapit sa'kin..
"Wow nandito na pala ang takbuhing Bato...hahaha"
Nakita tawa rin ang mga barkada niya..
Hahaha!... Hahaha!... Haha.!..
"Wala naman palang binatbat itong Bato..
sarap lang pagulungin sa labasan hahaha"
Pangasar ni Banoy..
isa sa barkada ni Arnel..
pero 'di ko siya kaklase..
nakikitambay lang sa silid namin.
"Kela Greg lang pala 'dina 'to ubra si Bato, sa'tin pa kaya na mas marami tayo kela Greg.. Hahaha" Pagyayabang ni Arnel...
Ako nama'y nakayuko lang at 'di kumikibo..
lumapit ang isa at pinalo ako sa likod sabay pina urong ng upo..
"isdug nga Bato!.. isdug!"
Ginigitgit ako nong isa...
Halos wala nakong maupuan sa kapapaurong..
kaya tumayo nalang ako at lumayo..
pero naasar ang isa at sinipa ako sa likod mabuti nalang at mabilis akong nakailag kaya hindi tumama ang sipa niya..
"Hoy bakit ba ninyo inaaway si Bato! 'di naman niya kayo ina ano ha! isusumbong ko kayo kay mam!" Pagtatanggol ng kaklase kong babae na si Anna.
"Wehhh.. sumbungera!.. blehh!.."
Pangasar ni alfred na isa sa pinaka mayabang sa grupo ni Greg.
Nang reses na namin, pumunta si Ellen sa silid namin upang yayain akong kumain..
subalit tumanggi ako dahil nahihiya ako kay Ellen.
pumunta ako sa likod ng eskwelahan at doon kumain..
ngunit nakita ko sila Greg na papalapit...
kung kaya't mabilis akong umalis kahit hindi pa ako tapos kumain..
pilit nalang iiwas para walang gulo..
Hapon...
Uwian na ...
tiningnan ko muna ang paligid.. wala namang nagaabang... kaya bilis ang lakad ko para 'di ako makita ng grupo ni Greg...
Pssssst! ...pssssst....
May sumisitsit pero 'di ako lumilingon tuloy lang ang lakad.
"Bato!... woi teka naman..
sabay na tayo sa pag uwi!"
nang nabosesan ko si Ellen, agad ko siyang nilingon,
siya pala ang sumisitsit.
"Ai ikaw pala Ellen pasensya na"
Paumanhin ko.
"Bakit ba ang bilis-bilis mong maglakad?
eto oh may biscuit ako tara kain tayo..
oh sa'yo isa.."
Alok ni Ellen habang iniaabot ang isa sa'kin..
"Sige lang Ellen salamat...
BINABASA MO ANG
Alyas Batong Buhay Ni: Dark_Alas
Romance_Dark Ace Heart_ Ano ang nasa dako pa roon, Bunga ng malilikot na pagiisip Likha ng balintataw O halaw sa isang daigdig ng kababalaghan Di kayang ipaliwanag Ngunit alam mong.... May nagaganap.... wahahaha!!!! Ang Alyas Batong Buhay ay naglalaman ng...