Isang Masamang Panaginip

33 2 0
                                    

Chapter 19

Napakadilim ng gubat na ito..

halos wala akong makita..

lakad ako ng lakad..

ni hindi ko alam kung saang dako ako pupunta...

tanging sinag ng buwan lamang ang nagsisilbing liwanag sa daan...

'Haa... haaaaa... haaaa...

hingal, pagod at uhaw na ako..

nasan ba ako bakit hindi ko makita ang lagusan palabas sa gubat na ito..' Bulong ko sa sarili...

   Animoy wala ng katapusan ang paglakad takbo ko..

ngunit hindi dapat ako tumigil,

kailangang makalabas ako sa lugar na ito...

    Sa sobrang pagod ay nagpahinga muna ako panandali...

Hindi ko namalayang akoy naka idlip...

Sa aking pagkakaidlip...

isang tinig ang aking narinig...

   "Saan ka ba pupunta ha!?..

akala mo ba makakalabas ka pa dito aking Batong Buhay!?."

Wika ng tinig..

"Ayaw ko dito...

napakadilim dito!..

halos wala na akong ibang makita..

maliban sa malamlam at malungkot na liwanag ng buwan..!." 

Tugon ko sa tinig na aking naririnig..

     "Hahaha..!!...

Hindi mo ba alam na dito galing ang mutya ng Batong Buhay mo!?..

Tingnan mo ang munting sapa sa harapan mo... Bato!?"

Utos ng boses na aking naririnig, ngunit 'di ko siya nakikita.

Biglang.. ... ...

isa isang nagliwanag ang mga mumunting Batong buhay...

ang gaganda nilang tingnan.. Nakakapanghalina,

nakakaakit..

Tila ba nais ko silang kuning lahat..

Napaisip ako at nagsalita..

"Ngunit...

hindi ko ito kinuha dito...

bagkos ibinigay sa akin ito,

ngunit hindi ko lang alam kung sino,

basta ang alam ko ay kusa nalang itong napunta sa akin.."

Pagpapaliwanag ko.

"Hahaha!!..

Napunta sa'yo 'yan dahil may nagnakaw niyan sa'kin dito..

hindi mapapasayo 'yan kong walang nakialam, pagaari ko ang mga Batong Buhay na 'yan!.. "

Galit na sigaw ng tinig.

   "Pero nasa akin na'to!...

akin na ito.. ... at pag aari ko na ito!.. marami ka pa naman diyan!!"

Giit ko.

"Ibalik mo lang sa akin ang Batong Buhay na 'yan! at malaya kitang palalabasin dito!.."

Alok ng tinig..

"Ngunit malaki ang naitutulong nito sa akin sa mundo namin..

Dito ko nakukuha ang natatangi kong lakas at bilis sa pakikipag laban..

Alyas Batong Buhay Ni: Dark_AlasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon