Mapagbirong Tadhana

26 2 0
                                    

Chapter 34

...

Sa hindi sinasadyang pagkakataon nagbanggaan ang Bato at Rex Gymboy..

nagkasubukan ng galing sa karate ang dalawa.

Pumunta ako sa bahay nila Ellen..

ngunit nakita ko si Ellen kasama si Rex.. kaya biglang lumabas ang selos ko..

bigla kong nahila ang kamay ni Ellen nagulat ito sa ginawa ko.

"Ellen!! ano ba!? 'di ba sinabi ko na sa'yo na iwasan muna ang taong 'to? 'di ka naman nakikinig eh!"

Singhal  ko..

"Ano ba! bitiwan mo nga ako Bato!! nasasaktan ako!."

Sigaw ni Ellen..

"Brad bitiwan mo si Ellen...

nasasaktan siya"

Sabat ni Rex..

"Teka nga! bakit ka ba nang gagalaiti diyan!? wala naman kaming ginagawang masama ah!"

Singhal ni Ellen..

"Ano!? hihintayin ko pang may gawin kayong masama bago ako gumalaw! ganon ba Ellen!?"

Sigaw ko..

"Tarantado ka brad! bakit ganyan ka makasigaw kay Ellen?."

Sabat ni Rex..

lumapit si Ellen kay Rex.

"Tama na Rex 'wag munang patulan.."

Pigil ni Ellen.

Lalo akong nag init ng si Rex pa ang ina alo ni Ellen..

"Eh tarantado karin pala eh!"

Sigaw ko.

Bigla kong sinapak sa mukha si Rex.

Poooggg!!!.... ...

"Aahh!!. aray gago 'to ah!!."

Hawak sa panga si Rex.

susugod sana siya upang gumanti..

"Wag Rex!!."

Awat ni Ellen at hinarap ako na may galit sa mga mata.

"Pwede ba Bato!? tumigil kana! huwag kang gumawa ng gulo dito!!"

Sigaw ni Ellen..

Hinawi ni Rex si Ellen..

"Tumabi ka muna Ellen, pagbibigyan ko lang 'tong gagong 'to.."

Galit na sabi ni Rex..

Tumabi naman si Ellen.. hindi ko alam kung kanino siya kampi, pero ang alam ko ako ang nagmumukhang masama sa paningin ni Ellen.

Pumorma ng back stand si Rex..

girian kami sa gitna, akala niya isa lang akong pipitsuging nobyo ni Ellen..

sumugod si Rex at gustong makaganti..

Yeah! Sswsssssst!!.. Pakk!!. Pakk!!.. Pakk!!..

Sunod-sunod na sipa at suntok ang binitiwan ni Rex, sapol ako sa katawan.. matataas at malalakas ang sipa ni Rex, mahahaba kasi ang mga hita at binti niya, kung kaya't kahit malayo ako tiyak aabutin ng roundhouse kick niya.

Aaahh!!.... booog ..

Bagsak ako.. ..

sadyang humina na ang bisa ng mutya ng Bato, kaya bumagal ang ilag at galaw ko..

Alyas Batong Buhay Ni: Dark_AlasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon