Chapter 35
( Nakalulungkot man dahil magtatapos na po ang kwento ng Alyas Batong Buhay, the wonder boy, masaya naman po ang inyong lingkod dahil tinangkilik po ninyo ang kwentong ito....
Special thanks to MsZedlove,
Myst salamat sa pangungulit mong i publish ko 'to dito sa wattpad.Salamat po sa inyong lahat.. Godbless... )
...Pilit isinasakay ang mag kakaibigan sa itim na sasakyan..
"Walang sisigaw!! sakay!!...
papatayin namin ang mag ingay.!," Singhal ng kidnaper..
"Teka sino ba kayo ha!?..
mga walang hiya!!"
Pumalag si Cindy..
pinagpapalo niya ng bag ang mga lalaki,
subalit sinikmurahan siya ng isa..
"Arghh.. Array ko huhuhu..."
Pilipit sa sakit si Cindy.
"Cindy!!!! "
Sigaw ni Ellen..
Mangiyak ngiyak si Cindy, halos mapaupo ito at hindi makahinga dahil sa sakit ng sikmura,
mukhang malakas ang pagkakasuntok ng kidnaper..
"Aray!! nasasaktan ako!! tulong tulong"
Sigaw ni Apple..
Tumakbo si apple subalit naabutan siya ng isang kidnaper, natulala at nanginginig naman sa takot si Ellen dahil nakatutok sa kanya ang baril ng isa pang kidnaper..
"Sige tumakbo ka pa at sumigaw!,
babarilin na kitang gaga ka!
naasar na ko sa'yo ha? sige pasok sa kotse!"
Galit na sabi ng kidnaper..
"Hoy!! ano 'yan!?"
Sigaw ng isang resedenteng nakakita.
"Bakit makikialam ka!!?"
Sigaw ng kidnaper sabay tutok ng baril..
"Hindi po! hindi po!"
Takot na sabi ng lalaki, sabay takbo.
Wala ng nagawa pa ang tatlo kundi ang sumama nalang upang hindi na masaktan pa, nag akapan nalang sila sa loob ng sasakyan..
tahimik namang nagdarasal si Ellen na sanay may magligtas sa kanila..
"Saan niyo ba kami dadalhin ha! sino ba kayo!"
Singhal ni Cindy..
"Put*ng na pre paki takpan nga mga bibig niyan, ang iingay eh.."
Sigaw ng pinaka lider na kidnaper..
Tahimik na nagmamasid si Apple sa mga dinadaanan ng sasakyan mukhang papunta ng Cavite ang takbo ng sasakyan..
pag dating ng safe house kinaladkad sila ng mga kidnaper pababa ng sasakyan at pinaakyat sa lumang bahay,
may ilan pang kidnaper ang naghihintay doon,
"Oh! sila na ba ?"
Salubong ng isa..
"Oo sila na nga, sige ipasok na mga 'yan.."
Sabi ng lider..
..
Ibinukod si Ellen ng kwartong pagkukulungan..
"Bespren Ellen!!.. hoy!! saan niyo dadalhin si Ellen?."
BINABASA MO ANG
Alyas Batong Buhay Ni: Dark_Alas
Romansa_Dark Ace Heart_ Ano ang nasa dako pa roon, Bunga ng malilikot na pagiisip Likha ng balintataw O halaw sa isang daigdig ng kababalaghan Di kayang ipaliwanag Ngunit alam mong.... May nagaganap.... wahahaha!!!! Ang Alyas Batong Buhay ay naglalaman ng...