Bahay Bahayan

59 4 0
                                    

Chapter 3

Kinabukasan...

napasarap ang tulog ko.. at sa kalagitnaan ng panaginip na 'yon..

"Kakz simulan muna ang misyon mo" Sabi ni Tonio.

Bigla akong naalimpungatan...

hala maliwanag na..

napabalikwas akong bigla at sabay takbo palabas ng kwarto,

deretso sa banyo...

mabilis akong naghilamos at Nangingiyak-ngiyak akong lumabas ng banyo...

nakita ko si tsang na nagluluto ng agahan...

"Tsang anong oras napo? "

Tanong ko.

"Alas syete na ng umaga.. bakit Bato?"

Tanong ni tsang sa'kin...

May napansin lang ako..

mukhang iba ang trato sa'kin ni tsang ngayong umaga.

kung dati sinisigawan ako, kapag tulog pa ako ng ganitong oras..

pero ngayon pinabayaan niya akong mahimbing ang tulog..

"Tsang naman eh.. alam niyong may utos ang tsong sa'kin ngayon...

lagot ako nito mamaya ..huhuhu..

bakit 'di niyo manlang ako ginising,

huhuhu. Huhuhu..."

Iyak ako ng iyak.

nasanay din kasi akong sumisigaw na ang tsang sa umaga upang ako'y gisingin.

"Siguradong galit si tsong pag uwi dahil 'di ko nasunod ang utos niya.. bugbog ako nito... Huhuhu.....huhuhu..."

"Eh bakit ba kasi 'di ka gumising ng maaga ha Bato?"

Tanong ni tsang na natatawa.

'Di na ako sumagot..

bagkos inihahanda ko na sarili ko...

malamang bugbog nanaman ako kay tsong nito..

nakayuko nalang ako at sinisisi ang aswang...

lumapit si tsang Vicky sa'kin at inakap ako... hinaplos ang ulo ko...

"Bato 'wag ka nang umiyak..

sinabihan ko si kuya Eloy mo na 'wag kanang isama, kasi gabi pa baka punteryahin ka ng aswang na gumagala ngayon..

pinasabi ko nalang kay mando, na 'di kita pinapunta ngayon at

tsaka marami akong iuutos sa'yo dito.."

Pinapagaan ni tsang ang loob ko.

"Alam ko napuyat ka kababantay sa aswang"

Bulong ni tsang.

Hahaha kahit umiiyak ako eh bigla akong natawa sa bulong ni tsang.. naisip ko kasing ibang aswang ang nakasagupa ko kagabi...

"O s'ya bato ..

hala Manga-on na kit kay damo pa aton trabahuon"

Pagyaya ni tsang...

kain na raw kami madami pang gagawin o trabahuin..

Habang kumakain..

"Bato total hindi ka nakapunta sa sakahan..

para matuwa naman ang tsong mo..

eh punuin mo ang mga lagyanan ng tubig at inuman...

linisan mo nalang maigi itong bahay at bakuran..

Alyas Batong Buhay Ni: Dark_AlasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon