Napagtulungan ang Bato

43 3 0
                                    

Chapter 29

      Gabi habang naghahapunan..

"Mando gusto ko sanang pumasyal kayla Virgie bukas...

gusto ko lang ibalita sa kanya na dito narin muna tayo maninirahan.."

Paalam ni tsang Vicky..

"Ah o sige.. sama mo na rin si Bato para makapasyal siya don sa tita niya at mga pinsan..

malalaki na rin iyon tiyak.."

Pagpayag ni tsong Mando..

"Okey sige salamat..

Mando.. baka don muna kami matulog mga isang gabi lang.. kinabukasan na kami uuwi.."

Ani tsang Vicky.

"Oo naman.. siyempre dami pa kayong paguusapan.. kaya't kulang ang maghapong.. tsismisan... hahaha!"

Pangasar ni tsong..

"Hmmmp.. ikaw talaga Mando..

syempre matagal din naman kasi kaming hindi nagkita..

natural umaatikabong kumustahan at hagik hikan 'yon hihihi.."

Banat ni tsang.

Napangiti nalang ako sa asaran ng dalawa..

..

Kinabukasan...

bago kami tumungo sa lugar nila tita Virgie..

inayos ko na ang dadalhing bag namay iilang gamit na pampalit...

"Bato ingatan mo 'yang tsang mo baka mawala.. hahaha!!"

Biro ni tsong..

Kinurot ni tsang ang tsong sa tagiliran..

"Ako pa mawawala..

eh napunta na ako dito noon...

'yang si Bato ang poproblemahin ko.. kung saan-saan tumitingin.."

Sabi ni tsang..

..

Bumiyahe kami patungo sa lugar ni tita Virgie..

bumaba kami sa isang palengke at sasakay pa ng tricycle papasok sa looban kung saan naroon ang bahay ni tita Virgie...

Ngunit...

"Ai.! ang bag ko Bato!..

hinablot ng lalaki!!."

Sigaw ni tsang Vicky.

"Tsang hawakan niyo po itong bag ko,!!"

Sigaw ko.

Agad kong hinabol ang lalaki patungo siya sa likod ng palengke..

"Tulong.. p0!!! Pulis!!... Pulis... manang san po may pulis dito!"

Tanong ni tsang sa tindera.. sinamahan naman si tsang ng isang ale..

Samantala...

Habang hinahabol ko ang snatcher patungong likod ng palengke....

"Hoy!!, kuligay ka ibalik mo 'yan!!."

Sigaw ko..

Nahawakan ko siya sa damit, ngunit napunit ito..

pero tumigil ang lalaki at hinampas ako ng bag..

nasalag ko ang kamay niya at nahawakan..

sinuntok ko ang panga at sabay siko sa gitna ng kanyang braso..

Alyas Batong Buhay Ni: Dark_AlasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon