Mga Bagong Tropa (Binyag)

42 3 0
                                    

Chapter 30

Pasukan..

bagong paaralan..

bagong guro, kamag aral at bagong mukha sa aking paningin..

maganda naman sa eskwelahan na'to..

kahit out siders nakakapasok haha!! aztig..

Paglabas mo ng paaralan laging may shooting.. saksak dito, palo doon, sabog ng molotob, habulan ng mga tulad kong kabataang nag ra riot... wow ang saya lang...

napansin kong lagi akong pinagtitinginan ng mga estudyanting nakatambay sa daanan, siguro napansin nilang bagong mukha ako sa paaralang ito..

Sinamahan lang ako ng asawa ni tito Levy sa school para magpaenrol

pagkatapos kong magpaenrol,

sinabi agad sa'kin ng guro ang section at schedule ko,

nauna namang umuwi ang asawa ni tito Levy dahil may aasikasuhin pa siya..

inalam ko rin kong saan ang room namin..

andami pang estudyante ang nagkakagulo sa pagtingin ng section at schedule nila.

nang makita ko ang room, sumilip ako roon..

"Miss dito ba ang section 3?"

Tanong ko sa isang babaing naandoon sa loob ng room.

"Oo dito nga, bakit dito kaba?"

Tanong ng babae..

pagtango lang ang aking sagot.

at agad akong umalis..

Grabi isip-isip ko mukhang magulo ang mga estudyante sa room na 'yon ah..

....

Kinabukasan.. ...

Maaga pa naka gayak na ako.. handang-handa na sa pagpasok sa bagong eskwelahang papasukan..

handa narin sa pakikipag salamuha sa mga bagong makikita at makikilala.

"O Bato ayos na ba ang lahat? alam muna kung saang section ka?

ui Bato iba dito sa manila ha? kaya lagi kang mag iingat.. umuwi ka agad ng bahay pagkatapos ng klase."

Bilin ni tsang.

"Opo tsang ayos na po ang lahat..

sige po mag iingat akong lagi"

Tugon ko.

   "Syanga pala Bato! hindi mo ba napansin ang suklay ko? nawawala eh.."

Tanong ni tsang..

"Ah tsang 'di ko po napansin..

sige po alis na po ako."

Haha itinapon ko na ang suklay puro dugo na ng snatcher..

Pagdating ko sa eskwelahan kaagad kong napansin ang mga tambay sa gate ng eskwelahan..

mag pa Flag ceremony na ngunit nasa labas pa sila, mukhang hindi a attend ang mga ito ng Flag ceremony..

Sa room...

Nagpapakilala na ang unang guro na aming teacher adviser, hindi na muna siya nag umpisa ng klase dahil marami pa raw siyang inaasikaso, kaya ipinakilala lang muna kami sa isat-isa, lalo na ako na bago nilang kaklase..

Pagkatapos ng unang guro, hinintay naman namin ang susunod na guro..

habang nakaupo ako at nag aayos ng gamit..

Alyas Batong Buhay Ni: Dark_AlasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon