Bontai ( Malaparaisong Bundok)

47 2 0
                                    

Chapter 14

Hapon ng inutusan ako ni tsang Vicky na maglipat ng kalabaw..

Sa umaaga kasi inilalagay ito sa damuhan para manginain at sa hapon inililipat ito sa kanyang tutulugan...

Wala kasi si tsong nasa kabilang baryo at si kuya Eloy naman ay mayroong pinuntahan.. gagabihin ng uwi kaya 'di niya maililipat ang kalabaw..

  Namataan naman ako ni Ellen habang nag gagayak papunta ng bukid..

"Bato!!! saan ka pupunta?"

Sigaw ni Ellen.

"Sa bukid magbalhin san karabaw!!"

Tugon ko.

Sabay lapit naman si Ellen.

"Teka Bato pwede bang sumama.. mamimiz ko kasi ang bukid eh.."

Ani Ellen.

"Nako Ellen hindi pwede kasi madudumihan ka maputik doon eh hintayin mo nalang ako dito"

Sabi ko.

"Ayaw ko nga!.. gusto ko ngang sumama eh!"

Giit ni Ellen.

"Hai nako!.. Pagagalitan ka ng mama mo Ellen!"

Naririnig pala kami ni tsang.

"Isama muna kasi 'yan Bato para makapasyal si Ellen sa bukid natin.. ikuha mo siya ng prutas."

Ani tsang Vicky.

"Oh pumayag na si tsang Bato hihihi..."

Masayang wika ni Ellen.

Napakamot ulo nalang ako sa sinabi ni tsang.

"Pero magpaalam ka muna sa mama mo Ellen baka hanapin ka non dito!" Paalala ni tsang.

"Sige po tsang salamat!...

Woy Bato!! wagkang aalis diyan ha hintayin mo ako..!"

Sabay takbo pauwi..

Tumawa nalang si tsang..

Haizt ...

ayaw ko nga pasamahin si Ellen kasi nga nagmamadali ako.. ambagal pa naman maglakad non..

Pinayagan si Ellen ng mama niya kasi nga spoiled siya sa mama't papa niya..

"Oh Bato eto na ako!"

Nagulat ako dahil naka short lang siya..

"Hai nako! sa bukid po tayo pupunta hindi sa pasyalan!"

Pagbibiro ko.

"Bakit hindi ba pwede toh Bato!?"

Tanong ni Ellen.

Hahaha natawa nalang ako at nailing..

si tsang naman umiiling-iling nalang sa kulitan sa amin..

"Teka iwan mo nalang tsenelas mo diyan ito nalang botas ko ang suutin mo.."

Alok ko kay Ellen.

(botas.. ito 'yong rubber boots na sinusuot ng magbubukid)

Isinuot ko 'to kay Ellen kasi siguradong kawawa ang paa niya sa putik, hindi siya sanay sa ganoon... Pero ako okey lang sanay na ako kaya nag tsenelas nalang ako.

    Habang naglalakad kami todo alalay ako kay Ellen dahil hindi siya gaanong sanay sa pilapil na daanan.. nadudulas at nahuhulog siya dito..

"Sinasabi ko na nga saiyo kanina na 'wag kana sumama ayan tuloy.. parang ayaw muna.. gusto mo na bang bumalik Ellen?"

Alyas Batong Buhay Ni: Dark_AlasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon