Chapter 23
Bisperas..
pagsapit ng hapon ang mga kabinataan, kadalagahan, ay naghahanda na para sa gaganaping sayawan,
haizt kaso kami hindi pa naman pinapayagan sa ganon..
Kaya hanggang panonood lang kami..
nakaka inggit man eh wala naman kaming magagawa..
Habang nakatambay ako at nanunuod ng volleyball...
Naramdaman kong may tumakip sa mga mata ko..
naamoy ko ang baby cologne ni Ellen kaya nakilala ko kaagad kung sino ang nasa likod ko..
"Haizt Ellen.. alam ko ikaw 'yan.."
Ani ko..
Bumitiw siya sa pagtakip sa mata ko..
"Sabi ko na ikaw e.."
Patuloy ko..
"Grabi ka Bato, masyado kang seryoso sa pinapanood mo..
'di muna ako pinapansin.. hmmmp!.." Tampururot si Ellen..
"Hahaha...
pasensiya na Ellen..
kung 'di kita kagad napansin.."
Tugon ko.
Ngumiti nalang si Ellen.
"Bato..
Bakit wala ang tropa ngayon..?." Pagtataka ni Ellen.
"Ahm.. baka marami pa silang ginagawa sa kanila..
alam muna patron na, kaya abala sila ngayon.."
Tugon ko.
"Eh.. Bakit ikaw Bato wala kabang gagawin?."
Muling tanong ni Ellen.
"Hahaha... tapos na po kanina pang umaga, nagawa ko na ang gawain ko, ang pag-iigib..
ngayon ay nagluluto na sila tsang.. may ilang kamag anak ang nandon sa'min na tumutulong sa kanya,
kaya sumaglit muna ako dito.. nagpaalam naman ako kay tsang.."
Paliwanag ko.
"Ah ganon pala.. gaya 'din don sa bahay..
maraming kamag anak ang naandoon ngayon..
pati mga pinsan ko sa kwarto ko nakitulog.. hihihi..
kaya ang sikip nga ng kwarto ko kagabi.."
Pagkukwento ni Ellen.
"Hahaha parehas lang tayo...
ang mga pinsan ni tsang nandon sa kwarto ko natulog..
Pati nga sa sala may natutulog na.. ehehe..
ako nga doon na sa kwarto nila tsong at tsang pinatulog eh. "
Dagdag ko..
"Hihihi... ganyan naman talaga dito pag patron.. 'di na tayo nasanay.. hihihi"
Ani Ellen..
Nagtawanan nalang kami..
Malapit ng mag dilim kaya nag pasya na kaming umuwi ni Ellen..
"Bato... pupunta ka ba ng sayawan mamaya?."
Tanong ni Ellen.
"Ahm.. 'di ko lang alam kong papayagan ako ni tsang..
BINABASA MO ANG
Alyas Batong Buhay Ni: Dark_Alas
Romance_Dark Ace Heart_ Ano ang nasa dako pa roon, Bunga ng malilikot na pagiisip Likha ng balintataw O halaw sa isang daigdig ng kababalaghan Di kayang ipaliwanag Ngunit alam mong.... May nagaganap.... wahahaha!!!! Ang Alyas Batong Buhay ay naglalaman ng...