Ang Gintong Barko

58 3 0
                                    

Chapter 13

         Hapon noon ng isama ako ni tsong sa kalapit na Baryo na malapit sa dagat..

Pupunta kami sa kumpare niyang mangingisda..

Nais ni tsong bumili ng sugpo, alimango, at malaking isda.. ihahanda iyon sa kaarawan ni tsang Vicky...

Kaya sasabihan na ni tsong ang kumpare niya na wag nang ipagbili ang huli niya, at siya nalang ang bibili...

Nang makarating na kami sa bahay ng kumpare ni tsong, nagkayayaan silang mag inom.. habang nag iinuman ay nasabi na ni tsong ang pakay at nagkasundo naman sila sa presyo.

Sa kabilang dako....

Nagulat ang mga taga baryo ng makitang may dumaong na malaking Barko...

Bumaba mula roon ang isang tao.. siya ang checker ng kargamento..

"Magandang hapon po..

Dito po ba ang Biringan City?"..

Pagtatanong ng checker...

Tiningnan naman ng isang tanod na nakatambay doon.

"Ay hindi po dito 'yan.. tsaka 'di po namin alam kung saan 'yang lugar na 'yan.. pero teka itatanong lang namin sa Barangay opisyal dito..."

Nagmadali ang tanod at hinanap ang opisyales ng Barangay..

Nakita niya ang isa.

"Kagawad alam niyo po ba kung saan itong lugar na ito?"

Tiningnan ng kagawad ang address ng resibo..

Deliver to Biringan City Ang kargamento..

Mga bakal at semento,

napakarami nito galing pang ibang bansa...

Dahil walang ganong address doon kaya inangkin nalang ng opisyal at pinag interesan ang kargamentong idedeliver sana sa naturang lugar.

   "Ah dito ito... order ito ng Barangay para ipagawa ng mga paaralan at palaruan ng mga bata...

sige ipababa mo dito"

Sumunod naman ang tanod...

Kaya ibinaba ng mga tauhan ng Barko ang mga kargamento...

Nang matapos ng mag inuman si tsong at kumpare niya... binigyan kami ng isang malaking isda.. Tambakol kung tawagin...

Nagpasalamat at nagpaalam narin si tsong sa kumpare niya...

Habang kami'y naglalakad pauwi... sa 'di kalayuan napansin naming may nagkakagulo sa paghahakot ng bakal at semento..

Nakita 'din namin ang napakalaking Barko na kulay ginto...

Naalala ko tuloy na ganyan 'din kalaki ang Barkong nakita kong pumasok sa may ilog..

kulay ginto din iyon...

       Bulong-bulungan na naligaw ang Barko at doon dumaong...

sabi ko sa saliri ko kung gabi dumating ang Barko siguradong makikita nila ang kanilang hinahanap at di sila maliligaw...

Pinag tatakahan namin ni tsong kung bakit dito sa barangay na'to ibinaba ang kargamento..

Mga ilang araw ipinagawa ang naturang kargamento ng eskwelahan... basketball court... at ibat iba pang pwedeng pag gamitan nito...

Ang punong Barangay at mga kagawad ang namahala nito...

Pagkalipas ng ilang linggo .. sumama' ang pakiramdam ng kagawad... dinala ito sa ospital ngunit doon na ito binawian ng buhay...

Alyas Batong Buhay Ni: Dark_AlasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon