Ang Muling Pagniniig

34 2 0
                                    

Chapter 25

   Maaga kaming gumising ni tsang Vicky upang maglinis at mag ligpit ng mga ginamit sa paghahanda..

   Halos tanghali na kaming natapos, may mga natira pa namang pagkain kaya ininit namin at 'yon narin ang naging tanghalian namin...

"Bato susunod ako kay tsong Mando mo sa bukid.. ikaw na muna bahala dito..

'wag mong iiwan ang bahay ha?."

Bilin ni tsang.

"Opo tsang hindi po ako lalabas..

mag papahinga po ako.."

Tugon ko.

   "Ah.. s'ya nga pala 'yong pera mo itinabi kong maige at ang iba mo pang ipon.. kung kailangan mo Bato magsabi ka lang para may pang gastos ka pag magkasama kayo ni Ellen..

hindi 'yong ikaw lang lagi nililibre nong isa.. hihihi"

Biro ni tsang..

  "Haha.. Grabi naman po kayo tsang.. Hindi naman po ako nagpapalibre eh.. siya itong mapilit.. ehehe"

Katwiran ko.

"Yon na nga eh.. syempre bilang lalaki, e ikaw naman minsan ang taya.. nakakahiya naman kung si Ellen lang lagi ang taya..

May ipon ka naman diyan..

bawasan mo naman minsan..

para sa mga gusto mong bilhin para sa'yo o para kay Ellen"

Suhistiyon ni tsang.

"Sabagay ehehe...

Sige po.. sa susunod ehehe..

pahingi nalang ng singkwenta pesos tsang.."

Natatawa kong tugon..

Umalis si tsang at sumunod kay tsong sa bukid... naiwan akong magisa

kaya isinara ko ang pinto at naligo.. pagkatapos kong maligo,

umakyak ako ng kwarto, nagbihis at nahiga..

Naka short lang ako.. walang damit dahil kahit bagong ligo ay maalinsangan parin..

biglang dumungaw si Ellen sa bintana..

  "Maupay!!!.... Bato!... Bato!! Maupay!!!.. tsang Vicky!!?"

Sigaw ni Ellen.

Bigla akong napabalikwas..

"Saglit Ellen.."

Tugon ko sabay baba at tinungo ang pinto..

"O Ellen.. tara pasok ka....

May sadya ka ba?."

Tanong ko.

"Wala naman..

Kasi napansin kong 'di ka lumalabas eh..

Nakakabagot sa bahay,

umalis si tita Lerma pumunta sa mga kaibigan niya.."

Ani Ellen.

  "Ah ganon ba?..

Ganon din dito Ellen..

umalis sila tita at tito pumunta sa farm.. hahaha!.."

Biro ko..

Natawa nalang si Ellen sa sinabi kong tita at tito at farm hahaha!!..

"Kaya bilin ni tsang ay 'wag daw akong aalis, kaya dito nalang muna ako nagkukulong ehehe...

Alyas Batong Buhay Ni: Dark_AlasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon