Panibugho

26 2 0
                                    

Chapter 33

Isang umaga....  ...

sumabay akong mag igib ng tubig kay Lando..

pagdating namin sa igiban..

"Oi mga brad, walang sisingit ha! paunahin lang muna natin si Bato at si Lando"

Sabi ng isang nakapila..

"Ah.. hindi okey lang kami, pipila kami ni Lando,"

Sambit ko..

Sasabat pa sana si Lando pero tinapakan ko ang paa niya kaya 'di siya nakapagsalita..

"Hindi Bato.. inilalaan talaga namin sa'yo 'tong kabilang pila, sige na mauna na kayo"

Sabat ng isa..

"Aray! buzit ka Bato, ang lakas ng pagkakatapak mo...

tsaka 'yon naman pala Bato eh.. 'di naman tayo sumisingit.. tara na!, 'di ba may lakad kapa? sige ka baka mahuli ka, mga brad pasensiya na ha? kasi may lakad lang si Bato"

Sambit ni Lando..

Agad namang lumabas si Sharra ng marinig ang pangalang Bato.

 "Ui.! Ui.! anong kaguluhan 'yan!?" Sigaw ni Sharra..

"Wala Sharra, pinapauna lang namin sila Bato.."

Paliwanag ng isang nakapila..

"Ganon ba?.. okey basta hindi sila sumingit ha? at hindi kayo tinatakot.."

Nakangising sabi ni Sharra..

"Oi Sharra hindi kami sumisingit at nananakot ha?.. itong si Bato inarte pa eh.. ayaw pang mauna.."

Sabat ni Lando..

Hahaha!!!...

nagkatawanan nalang sila..

"Hihihi!! haizt.. oo nga inarte 'yang kaibigan mong Bato! hmmmp!"

Biro ni Sharra.

"Nga pala Sharra, ito palang bayad ko at pasensiya na nong nakaraan ha?."

Sabi ko..

"Hmmmp!! ewan ko sa'yo!!...

palay ng lumalapit ayaw pang tukain..

Tsaka 'wag kana magbayad libre na 'yang sa'yo.."

Ani Sharra..

"Hala.. 'wag ganon Sharra.. negosyo niyo 'yan eh.."

Giit ko..

"Haizt.. grabi talaga 'tong Bato na to!, kanina pinapauna na siyang magsahod ng tubig aayaw-ayaw pa,.. tapos palay na palang lumalapit ayaw pang tukain..

ngayon linilibre na sa tubig ayaw parin..

hai nako Bato ano ba ang gusto mo ha!? puro ka ayaw Bato.. ehehe..

Ahm Sharra, 'yong kay Bato lang ba ang libre? baka pwede sa'kin din, hahaha"

Biro ni Lando..

"Hai nako.. Lando hindi pwede ang dami kaya niyan!, 'yon kay Bato apat lang.. ahm sige bigyan nalang kita ng discount... hihihi... basta ilakad mo ako dito sa kaibigan mong Bato na puro ayaw ha!? hihihi"

Pabirong sagot ni Sharra.

Hahaha!!! ...

tawanan nalang ang lahat habang nagsasalok ng tubig, mukhang kinikilig pa nga.. ehehe..

"Mas mabuti pa siguro kung si Bato ang maging siga dito sa'tin, masaya pa siguro at puro kilig"

Sabat ng isang nag iigib..

Alyas Batong Buhay Ni: Dark_AlasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon