Ang Aking Elena

39 2 0
                                    

Chapter 22

Buwan ng Mayo..

malapit na ang Fiesta dito samin, kung kaya't sabik ako sa pagdating ni Ellen..

ang lahat naman ay abala sa gawaing bahay...

nililinis ang buong bahay, bakuran.. at buong kapaligiran..

naglalagay naman ng dekorasyon at bandaritas ang mga opisyal ng Barangay...

   

Hapon na ng ako ay naka uwi galing sa bukid..

tumulong kasi ako kay tsong sa gawaing bukid...

pagdating ko sa amin ay may kakaiba akong nararamdaman, tila may magandang mangyayari...

sa labas palang natanaw ko na ang isang pamilyar na katawan ng babae..

ngunit hindi ko kaagad ito nakikilala dahil nakatalikod sa pintuan namin..

Kausap nito ang tsang at

tawanan sila ng tawanan..

pagkalapag ko ng kahoy sa labas, dumeretso ako sa poso upang maghugas ng paa..

maputik kasi ang mga kamay at paa ko..

     Nag hubad ako ng damit upang mahugasan narin ang aking katawan ang baho ko na kasi sa labis na pawis..

sa mura kong edad ay nahubog ng kaunti ang aking katawan..

dahil narin sa batak ako sa trabaho at sa araw-araw na ensayo..

ngunit hindi ko napansing

pinagmamasdan na pala ako ng babaeng nasa loob ng bahay, hangang-hanga siya sa magandang pangangatawan ko..

Nag palit ako ng damit galing sa sampayan...

Pag pasok ko bumungad sa akin ang isang maganda, maputi at sexing babae... nakatayo ito at nakangiti sa akin..

     Natulala ako sa aking nakita..

'Si Ellen!.. si Ellen nga!'

sabi ko sa sarili ko.

bahagya siyang tumangkad at nagkalaman, ang ganda ng ayos niya manila girl na talaga.. ehehe..

Maging si Ellen ay 'di makapagsalita.. Nag tititigan lang kami,

nangingilid ang mga luha sa'ming mga mata na animoy bubulwak nalang basta..

Nasabik ako kay Ellen at alam kong nasabik  din siya sa'kin.

"Hoy!... kayong dalawa magtititigan nalang ba kayo!?."

Basag ni tsang Vicky sa katahimikan.

Biglang lumapit sa'kin si Ellen at yumakap,

nag yakapan kami ng mahigpit.. Wala parin ni isang katagang namutawi sa aming mga labi..

basta ang nais lang namin ay mayakap ang isat-isa...

todo tulo naman ng luha saming mga mata..

Lumuluha kami dahil sa sobrang kagalakan..

     "Ehherrrrmmm!..."

Parinig nanaman si tsang..

"Nasasabik akong makita kang muli Ellen?"

Unang bati ko habang magkayakap.

"Ako rin Bato..

Nasasabik akong makitang muli ang mahal kong Bato?."

Balik na bati ni Ellen..

Alyas Batong Buhay Ni: Dark_AlasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon