Chapter 10
Bakasyon na nasa ikaanin na baitang na si Bato sa pasukan.. si Ellen naman ay sa manila na mag aaral...
maiiwan nalang ang apat na alas..
Sa tapat ng tindahan nila Ellen.. nagkukumpulan ang mga matatanda na may nakakakilabot na kwento...
Isang matanda raw ang nakikita nilang palagi sa kabilang purok... Kapag umaga ay mahinang mahina itong maglakad...
Ngunit pagsapit ng hapon at nag-aagaw na ang dilim at liwanag, nakikita nila itong malakas at mabilis ng mag lakad.. halos paliyad pa itong maglakad...
Kaya mayroong haka-haka na itoy may lahing aswang..
Ngunit sa panahong ito ay tahimik pa ang mga aswang walang balitang may nagagambala sila...
Ang Matandang ito ay may anak na babae, ang pangalan ay Laura..
Itong si Laura ay nakitang may bitbit na sanggol ngunit wala naman itong asawa..
kaya't nagtaka ang nakakita kung bakit siya may dalang bata..
"Oy ang ganda naman ng bata na 'yan.. ang puti"
Bati ng aleng nakakita..
Subalit nag kunwaring nagulat si aling Laura.
"Ha!!!!! Sinong bata!! Alin!!..."
Sabay bitaw sa dala-dala niyang akalang bata ng nakakita.. Pagkabagsak sa lupa ay naging katawan ito ng saging na balot ng lampin.
"Ay!!! akala ko kanina ay isang sanggol.. pasensiya na.."
Paghingi ng paumanhim ng ale.
Ngunit tila masama ang tingin ni Laura..
kinilabutan ang aling matanda kung kaya't mabilis na umalis... sinusundan pa siya ng tingin ni aling Laura..
Napaisip naman ang matandang nakakita, dahil kitang-kita niya na sanggol ang bit-bit ni aling Laura...
Kinilabutan din sa kwento ang mga matandang nagkukwentuhan.
Nagkwento naman ang isang matandang lalaki...
Nong panahong buntis daw ang asawa niya ay palagi itong balisa sapagkat parang may kung ano sa labas ng bahay nila..
Ang ginawa niya ay hiniram niya baril ng kanyang pinsan ...
Kinagabihan ng makatulog na ang asawa niya..
Tahimik siyang lumabas ng kwarto at ikinasa ang kalibre 45 na nahiram niya.. 'di siya natulog, hinintay niyang maghating gabi... hindi nga siya nabigo, dahil dumating ang isang bisita,..
Isang napakalaking baboy... kumakaluskos sa dingding ng kwarto nila... sumilip siya sa kabilang bintana,
Mula roon nakita niya ang malaking baboy na nakasampa sa kanilang ding-ding at bumubula pa ang nguso nito...
Dahan-dahan niyang inilabas sa bintana ang baril sabay paputok...
Bang!!... Bang!! Bang!!
Tatlong putok ang umalingaw ngaw... takbo ang malaking baboy.
Oink!...oink!!...
Ang aswang ay mabilis na umuwi sa kanila, upang gamutin ang kanyang sugat..
....
Ang mga aswang ay may kakayanang hilumin ang sugat nila sa katawan.. subalit ito'y sa labas lamang.. ngunit sa loob masama na ang lagay...
Yung pinaghihinalaang aswang na sumugod sa kanila ay ang nanay ni Laura... na ngayonn ay nakaratay na sa banig.. halos 'di na makatayo dahil masakit ang tiyan.. iyon ata ang mga balang tumama sa kanya at hindi na nakalabas...
BINABASA MO ANG
Alyas Batong Buhay Ni: Dark_Alas
Romance_Dark Ace Heart_ Ano ang nasa dako pa roon, Bunga ng malilikot na pagiisip Likha ng balintataw O halaw sa isang daigdig ng kababalaghan Di kayang ipaliwanag Ngunit alam mong.... May nagaganap.... wahahaha!!!! Ang Alyas Batong Buhay ay naglalaman ng...