Unti-unting pagkawala ng bisa ng Mutya

53 2 0
                                    

Capter 32

(Maraming salamat po sa lahat sumubaybay nitong kwento ni Batong buhay.. The wonder boy..)

     Nakalabas na ng hospital si Celine.. at samasama ang tropang Sikat sa pakikipag libing...

Sa 'di kalayuan namataan ko si Troy na kumakaway, tila ito'y nagpapaalam...

"Celine pakisabi sa tropa, nandito si Troy at nagpapaalam sa atin.."

Bulong ko kay Celine..

"Nasan Agui?."

Tanong ni Celine..

"Ayon sa may puno tara puntahan natin.."

Tinawag ni Celine ang tropa at tinungo namin ang malaking puno..

"Mga ka tropa.. nandito ngayon si Troy.. maari na kayong magpaalam sa kanya, naririnig niya kayo."

Sabi ko..

Umiyak ang buong tropa at isa isang nagpaalam..

"Troy... bro. paalam... sana maging masaya kana rin kung nasan ka man ngayon, huhuhu!!."

Ani Bogz.

"Troy... dito lang kami para sa'yo, ipagdarasal namin ang iyong kaluluwa, huhuhu!!."

Ani Jess.

"Kuya Troy.. 'wag ka nang mag alala sa'min kakayanin namin ang lahat ng pagsubok.. tsaka may gumanti na para sa'yo kuya Troy, kaya sana matahimik na ang 'yong kaluluwa.. huhuhu!!."

Ani May.

"Troy alam namin na nasa maganda ka nang kinalalagyan ngayon..

'Wag kang mag alala sa amin ayos lang kami..

patawad kung hindi kaman namin natulungan..

at pangako Troy buo parin ang binuo mong grupo..

pero gaya ng sabi ni Agui..

itutuwid namin ang mali at gagawin ang tama, magbabago na kami Troy.. hindi na namin ilalagay ang isat-isa sa kapahamakan..

kung hindi kaman namin kasama sa pagbabagong iyon.. inaalay naman namin sa'yo ang sisimulang pagbabago.. huhuhu.."

Umiiyak na sabi ni Celine.

"Troy.. salamat sa'yo kahit papaano ay nagkaroon ako ng kakaibang tropa dito, gayon pama'y naging masaya rin naman ako sa company niyo kahit sa sandaling panahon pa lamang, kaya 'wag kang mag alala bro. tutulungan ko silang makapagbago, gagawin naming kapaki-pakinabang ang kaalaman ng tropang Sikat...

hindi ko sila iiwanan pangako."

Ani ko.

Tumahimik ang lahat nagdasal, nag iyakan at nagyakapan...

biglang humangin ng malakas...

"Napangiti si Troy sa lahat ng mga sinabi niyo... masaya siyang lilisan, baon ang masasayang alaala ng tropang Sikat...

nagpaalam na s'ya.."

Sambit ko..

"Paalam Troy!!!!....."

Sigaw ng tropang sikat.

Malungkot ang lahat sa pagpanaw ng isang kaibigan, ka tropa.. subalit hindi pa huli ang lahat para sa pagbabago ng iba...

Lumipas ang ilang buwan at nalalapit na ang graduation..

excited na ang lahat..

tinupad naman ng tropang Sikat ang pangako nila..

Alyas Batong Buhay Ni: Dark_AlasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon