Chapter 27
Mga ilang buwan ang lumipas..
naging maayos naman ang sulatan namin ni Ellen..
At parang wala ring nangyari samin ni Bb. Paniaga..
'Di naman siya nabuntis noong may nangyari sa amin...
naging madalas ang aming pagniniig, kapag napupunta ako sa kanila,
hindi na kami nagkakailangan pa, para ko na siyang nobya, kahit wala kaming usapang ganoon..
alam niya kasing may nobya na ako at ayaw niyang agawin ako kay Ellen, gusto niya lang na maging malapit kami sa isat-isa..
nag iingat naman kaming dalawa..
Minsan ay bumibisita din ako sa Faculty nila.. lalot may dahilan na kunwari'y may ipinapagawa si Mam Chelle sa'kin..
Nililibre niya ako ng meryenda,
kapalit ng mga ipinapagawa niyang proyekto na gamit niya para sa pagtuturo..
kaya hindi pansin ng ibang guro na may kakaiba kaming relasyon..
minsan palihim niya akong hinahagkan lalot kami lang dalawa.. May panahon namang bihira kaming magkita..
Nauulit ang aming pagniniig, kapag inihahatid ko sa kanila ang mga proyektong ipinagawa niya sa akin..
Isang gabi...
Tahimik at masinsinan ang usapan nina tsaong Mando at tsang Vicky...
nakikinig lang ako sa kanilang usapan..
"Vic.. na ibenta na ang kalabaw..
iiwan ko ang kalahati ng pinagbilhan..
para sa gastusin niyo dito at sa pag aaral ni Bato..
Inihabilin ko narin sa pinsan mong si Miguel ang bukid at sakahan,
paki tingnan-tingnan mo nalang.." Bilin ni tsong..
"Mando huhuhu.. hindi ba pweding sumama na kami ni Bato sa'yo don sa manila..
wala kang kasama pa'no ka..?" Pagaalala ni tsang sa asawa..
"Hindi pa pwede Vic.
hindi pa natin alam kong anong magiging palad natin doon..
gusto ko lang munang subukang muli... pag naramdaman kong wala paring asenso eh..
babalik nalang ako dito...
ngunit kapag sinuwerte ako doon,
agad ko kayong pasusunurin...
Sa ngayon ako muna,
padadalhan ko nalang kayo ng pera buwan-buwan..
maghahanap ako ng matitirahan doon kapag maganda ang trabaho at sweldo ay doon na muna tayo manirahan.."
Paliwanag ni tsong.
"Huhuhu.. basta Mando magiingat ka doon ha?..
Doon ka muna kayla Virgie manirahan okey naman doon.." Suwestyon ni tsang...
"Haizt kaya ko nga ibinenta ang kalabaw para may panggastos ako doon.. tsaka malayo ang bahay nila Virgie sa pagtatrabahuan ko..
kaya mag hahanap nalang ako ng maliit na bahay na pwede kong upahan.."
Yumakap si tsang kay tsong Mando at todo sa pag iyak..
"Mag iingat ka 'don Mando ha?.. Huhuhu.."
BINABASA MO ANG
Alyas Batong Buhay Ni: Dark_Alas
Roman d'amour_Dark Ace Heart_ Ano ang nasa dako pa roon, Bunga ng malilikot na pagiisip Likha ng balintataw O halaw sa isang daigdig ng kababalaghan Di kayang ipaliwanag Ngunit alam mong.... May nagaganap.... wahahaha!!!! Ang Alyas Batong Buhay ay naglalaman ng...