Simula

847 19 9
                                    

Simula

Nakatayo ako sa may gilid ng gate ng school namin at nakatingin sa lalaking kanina ko pa hinihintay na pumasok. Sya si Adam Charles Buenaventura.

My name is Seriena Mae Alvañez of Class E He probably don't know me, but I know him. Since I had no hope of being in the same class with him, I worked up my courage and wrote my feelings for him in this letter. Ever since the first time I saw him, I started having special feelings for him.

Nang makita ko na syang papasok ng gate kaagad akong huminga ng malalim. This is it!

Nakapamulsa syang naglalakad habang ang bag nya ay nakasabit sa kanyang kanang balikat.

Naglakad ako palapit sakanya habang mahigpit na hawak ang papel na ibibigay ko sakanya. Huminga ulit ako ng malalim at saka ako huminto sa harapan nya.

Makapigil hininga itong gagawin ko lalo na't unang beses ko itong gagawin. Hindi madali sa isang babae ang magconfess ng nararamdaman nya sa isang lalaki. Ilang beses akong nakipagtalo sa sarili ko nitong mga nakaraang araw para lang makapagdesisyon sa gagawin kong ito.

Nagbabakasakali akong kukuhanin nya itong liham na ginawa ko para sakanya kahit na alam kong hindi sya magiging interesado.

Nang huminto ako sa harap nya huminto rin sya. Nakatingin lang sya saakin at para bang tamad na tamad syang tignan ako. There's no turning back now.

"Hi I'm Seriena. Please...read this." nakayukong sabi ko sakanya habang inaabot ang liham na ginawa ko.

"No thank's." at nilagpasan nya ako.

Naiwan sa ere ang kamay ko at literal na napaawang ang labi ko sa ginawa nya. Kahit na expected ko na ang mangyayari hindi ko parin maiwasan na mabigla at masaktan sa ginawa nya. Ramdam na ramdam ko ang pagkapahiya lalo na't nakatingin saakin ang ibang pumapasok na studyante.

Mabilis akong tumakbo paalis doon at pumunta sa school building.

I can't take back and eat and swallow those words again. I regret doing that. I hate myself for doing it.

WHY DID I CONFESS? What the hell are you thinking Seriena?

A/N

Lahat po ng nakasulat sa storyang ito ay isang kathang isip lamang. Maaaring hindi katulad sa realidad. Ang mga pangalan ng karakter, lugar at pangyayari ay isa lamang imahinasyon ng may gawa.

Panibagong storya na naman po tayo! Nawa'y subaybay ninyo.

Huwag pong kakalimutan na magvote and magcomment for more suggestions!
Thank you! :)

Who Would have Known (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon