Kabanata 36

189 5 0
                                    


Dalawang linggo na ang nakalipas nung nagsimula si Adam sa training nya. Binabalitaan ako ni Tita Cathy kung anong ginagawa ni Adam dahil naikukwento ni Tito Arnold sakanya ang mga ginagawa ni Adam doon.

Nagresign na rin si Adam sa trabaho nya pero hindi pa rin ito umuuwi sa bahay. Pinakiusapan nya daw ang mga magulang nya na kahit iyon man lang daw pagbigyan sya.

Ako ito ngayon nasa bahay na at nagpapahinga. Kauuwi ko lang kaninang alasingko galing sa restaurant namin.

Kachat ko ngayon ang mga kaibigan ko sa group chat namin nila Jilliana, Hennesy, Kiko and Terrence.

Kachat ko rin si Rose iyong kaclose ko na kaklase. Nag away kasi sila ni Michael nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan kaya ngayon ito magkausap kami. Nanghihingi sya ng advice kung ano ba yung pwede nyang gawin. Sinabi ko naman na pag usapan nilang dalawa ng maayos at makinig sa isa't isa.

Hindi kasi nila maayos yung problema nila kung yung isa lang ang may gustong makipag ayos habang yung isa eh masyadong mataas ang pride. Gusto ko nga sanang ichat si Michael kaya lang ayoko naman kasing makielam sakanilang dalawa kahit kaibigan ko rin sila. Magbibigay ako ng advice pero nasakanilang pareho pa rin kung paano sila magkakaayos. Sila rin ang makakaayos sa problema nila. The best way talaga yung pag usapan nila sa personal at makinig sa isa't isa. Kung mahal nila ang isa't isa hindi mahirap gawin iyon.

Teka? Wala naman akong love life bakit saakin sila nagtatanong? Hindi naman ako love expert!

Kinabukasan tanghali na akong nagising dahil naengganyo akong makipag usap sa chat nagkukulitan kasi sa messenger sila Jillianan at Hennesy kagabi kaya nakigulo na rin ako sa usapan kaya ayun napuyat ako.

Alauna ng hapon ng makarating ako sa restaurant namin. Pagdating ko doon tumulong kaagad ako.

Kapag kaunti lang ang kumakain nakikipagkulitan ako sa mga empleyado ni Papa. Kaclose ko rin kasi silang lahat dito matagal na kasi silang empleyado ni Papa.

Nandito ako ngayon sa counter na nasa gilid ng pintuan. Nakikigulo ako kay Ate Leah yung nandito sa cashier section.

"Good eve—Uy Adam! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Adam ng makita kong sya ang pumasok sa may pinto.

Binabati ko kasi yung mga pumapasok nagkataon na si Adam ang iniluwa ng pinto kaya nagulat ako. Nakacorporate attire din sya. Nakawhite long sleeve na nakatuck-in sa black pants, nakaneck tie rin na black and black shoes. Nakapamulsa syang pumasok ng pinto.

"Hindi ba restaurant to? Malamang kakain." Sabi ni Adam at saka naglakad papunta sa bakanteng upuan na pang dalawahan.

Napanguso nalang ako. Ang pilosopo!Narinig ko pa ang pagtawa ni Ate Leah! Nakakahiya!

Lumabas ako ng counter at saka lumapit kay Adam na ngayon ay kinukuhanan na ng order ng isa sa mga waiter ni Papa.

Naupo ako sa bakanteng upuan sa harap nya. Nakapwesto sya sa may gilid sa tabi ng glass window.

Hindi naman nya ako pinaalis dahil alam naman nyang hindi nya ako mapapaalis. Nagtataka lang kasi ako kung bakit sya dito kumain eh ang layo nito sa building nila malayo sa lakasyon ng business nila.

"Bakit mag isa ka lang? Buti dito ka kumain?" Tanong ko kay Adam nung nakaalis na yung isang waiter namin.

Nakasandal sya sa upuan at nakahalukipkip. Masama na naman ang tingin saakin dahil matanong na naman ako.

"Hindi ba dapat alam mong sanay akong mag isang kumakain?" tanong ni Adam saakin. Napakamot nalang ako sa ulo dahil tama sya.

Noong high school palang sanay na akong nakikita syang mag isang kumakain kaya hindi na bago ito sakanya. Hay nako Seriena!

Who Would have Known (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon