Kabanata 11

201 10 3
                                    

Hinayaan ako ni Adam na sumunod sakanya pero hindi kami sabay maglakad nauuna sya saakin. Himala nga eh hindi nagsungit dahil sumusunod ako sakanya. Habang naglalakad ako nadulas ako dahil may plastic sa daan mabuti nalang hindi ako natumba.

"Ouch..." sabi ko dahil sumakit tagiliran ko dahil siguro napwersa ko para hindi ako matumba.

"Wow...mukhang lahat matalino." sabi ko habang tumitingin sa mga taong nakakasabay namin maglakad papasok.

Huminto si Adam sa paglalakad at nilingon ako. Huminto rin ako.

"Bakit ganyan ka maglakad?" tanong ni Adam.

"Huh?" tanong ko. Anong problema sa paglalakad ko?

"You look sick too." sabi nya ulit. Nilabas ko ang cellphone ko para magsalamin namumutla ang labi ko.

"Kinakabahan lang ako." sabi ko.

"Why are you nervous? I'm the one who's taking the exam." sabi ni Adam at tinalikuran ako. Nagsimula na ulit syang maglakad.

What should I do? I've never had pain in my head like this. But I can't leave him alone, not until I see Adam enter the gate of the UE. I don't want to make him worry.

"Hey, okay ka lang ba talaga?" tanong ni Adam nasa harap na kami ng gate ng UE.

"Oo naman! Good luck sa exam." sabi ko at nginitian sya. Tinignan nya lang ako sandali saka nya ako iniwan para pumasok sa loob ng gate.

Good luck Adam.

Naglakad na ako pabalik sa kanto para makasakay ng jeep pauwi. Pero nahihirapan akong maglakad dahil nahihilo ako. Yung mata ko medyo nanlalabo na, nahihilo talaga ako kaya huminto na muna ako sandali para pumikit muna ng ilang segundo bago dumilat. Huminga ako ng malalim saka ako naglakad ulit pero nakakailang hakbang palang ako....

"Ang tagal naman gumising ni Seriena nag aalala talaga ako."

"Gigising din sya."

Dahan dahan kong idinilat ang mata ko at ang una kong nakita ay iyong kisame. Iginala ko rin ang paningin ko sa paligid at doon ko nakumpirma na nasa hospital ako.

"Papa..." sabi ko ng makita si Papa na nasa gilid ko kasama si Tita at Tito.

"Bakit ako nandito?" tanong ko.

"May lagnat ka sana nagstay ka nalang sa bahay..." sabi ni Tita Cathy. "Pero ang sabi ng doctor pwede kana daw umuwi ngayon."

Kaya pala ang sama ng pakiramdam ko kaninang pagkagising ko pero hindi ko naman na ininda pa dahil uminom naman ako ng...wait hindi pala ako nakainom ng gamot kanina dahil umalis ako kaagad. Hay nako Seriena.

"Si Adam ang nagdala sayo dito." sabi ni Tito na ikinatigil ko.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko...matutuwa ba o malulungkot. Paano kung nagkaroon ng hindi maganda sa pagtatake nya ng exam? Paano kung hindi sya nakapag exam o kaya naman hindi nya natapos sa oras dahil late na sya? Anong gagawin ko? Pangarap ng pamilya ni Adam na makapasok sya sa UE.

"Okay kana ba?" tanong ni Papa saakin. Tumango ako. Wala naman na akong ibang nararamdaman maliban sa mainit ako dala ng lagnat wala ng iba 'yon lang.

"I'm glad you're okay." sabi ni Tito. Doon ko lang narealize na nakaistorbo ako sakanila. Si Papa na dapat nasa restaurant, si Tito na dapat nasa office, si Tita na dapat nasa bahay lang.

Bumangon ako para maupo sa kama. Tinulungan ako ni Tita Cathy sa pag upo.

"Si Adam po?" tanong ko. Sana...sana...sana nag eexam na sya.

Who Would have Known (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon