Kabanata 46

179 7 0
                                    

Niyaya ako ni Adam na magpunta kami sa mall at manuod ng sine kaya ito kami ngayon nasa loob ng sinehan at nanunuod ng romcom na palabas. Sya pa ang namili ng panunuorin namin. Hindi ko alam na mahilig rin pala syang manuod ng ganyang genre akala ko kasi puro action or adventure movies lang ang hilig nya.

Nakasimpleng off shoulder dress ako na kulay pastel blue. Iniregalo saakin ni Cyrus to last christmas. Nakadoll shoes rin ako na white. Nag ipit na din ako ng buhok.

Si Adam naman nakabutton down polo shirt na color blue naman and black pants and nakaconverse sya na white.

Habang nanunuod kami sa screen nakahawak ang kamay ni Adam sa kamay ko. Sinusubuan ko rin sya ng pop corn at inumin na binili namin.

Napapatingin rin ako kay Adam kapag natatawa sya sa pinapanuod. Ang sarap talaga sa mata at tenga kapag nakikita at naririnig ko syang tumatawa.

Pagkatapos namin manuod ng sine niyaya nya akong kumain sa isang paborito kong fast food chain.

Pagkatapos namin kumain nagpunta kami sa arcade at naglaro ng kung ano ano. Pati yung claw crane na nilaro namin noon ni Terrence nilalaro ngayon ni Adam. Kagaya ni Terrence hindi rin sya nakakuha at bumili nalang rin ng teddy bear para ibigay saakin. Hindi nya alam na ganyan rin ang ginawa namin noon nagkataon na pareho sila ng ginawa kaya natatawa ako. Hay nako mga lalaki oo hindi rin talaga kinakaya ng pride nila na wala syang naiibibigay sa babae kapag nanggagaling sila sa arcade? Nature na ba talaga nila yung ganon?

Pagkatapos namin sa arcade niyaya ko si Adam na bumili ng damit. Nakakita kami ng damit na pwede namin isuot as couple pareho kasi ng design na polo shirt at pareho ng kulay. Tuwang tuwa ako ng makita ko yun kaya niyaya ko si Adam na bumili. Wala naman na syang nagawa kundi ang sundin ang gusto ko. Hindi sya mareklamo ngayon kaya natutuwa ako kay Adam.

Gabi na ng makauwi kami sa bahay at tuwang tuwa si Tita Cathy sa kinwento ko sakanya sa mga nangyari ngayong araw. Alam nyo naman na noon pa man isa ng die hard fan si Tita Cathy. Actually bata pa nga kami diba gusto na nilang magkatuluyan kami ni Adam.

Dumaan ang mga ilang araw na at naging ilang buwan saamin ni Adam. Nung mga unang buwan namin ni Adam as expected okay okay kami wala kaming nagiging problema pero nung nagsimula ang OJT ko this second sem dahil graduationg student na ako nagkakaroon kami ng mga hindi pagkakaunawaan ni Adam. Mainitin kasi ang ulo nya lalo na 4th year na din sya at mahirap talaga sa kurso nyang engineering kaya nagiging abala rin sya sa academics nya.

Kahit na nasa iisang bahay lang kami ni Adam napapadalas na hindi namin naabutan ang isa't isa sa bahay dahil pareho kaming abala sa kanya kanya naming ginagawa sa school. Si Adam whole day ang pasok everyday at may training pa ito palagi sa hapon hanggang gabi. Habang ako naman may OJT ako araw araw at sa gabi may pasok kami sa isang major subject dahil kailangan namin mag report everyday. Gabi na ako nakakauwi at ganon rin si Adam madalang nalang kaming sabay umuwi. Kapag maaga akong natatapos sa OJT ko at sa pasok ko pinapauwi naman na ako ni Adam para makapagpahinga at ganon rin ako sakanya.

Isa akong intern sa isang elementary school na medyo malayo sa bahay. 45 minutes ang binabyahe ko araw araw para sa OJT ko kaya sa umaga kailangan kong umalis ng bahay ng alasais dahil magbabyahe pa ako. 7 AM dapat nasa school na ako dahil iyon ang oras ng pasok ng mga bata.

Kahit na nagiging abala kami sa kanya kanya naming ginagawa may oras pa rin naman kami ni Adam kahit paano sa isa't isa. Minsan nagsasacrifice kaming magpuyat para makapag usap kaming dalawa at magkasama ng matagal. O kaya naman kapag linggo oras lang namin dalawa iyon dahil kapag sabado may OJT parin ako kaya hindi ko nakakasama ng matagal si Adam.

Kagaya ngayon pauwi na ako sa bahay alas nuebe na naging gabi. Nauna ng umuwi si Adam saakin dahil magrereview pa sya sa dalawang major subject nya para bukas nasabi nya kasi saakin na may quiz sila. Hindi pa graduating si Adam isang taon pa dahil limang taon ang bubunuin ng engineering student para gumraduate.

Masakit na rin ang paa ko dahil nakaheels ako buong araw! Maliit lang ako kaya kailangan ko talagang nakaheels kahit na intern ako sa elementary school. Nakakapagod rin magturo sa mga bata dahil makukulit sila pero enjoy pa rin kasi ang cucute nila!

Pagpasok ko sa pinto nadatnan ko si Adam na nasa sala at doon nagrereview. Sya lang naman ang nandoon kaya makakareview sya ng maayos.

"Kumain kana?" Tanong ni Adam saakin. Tumayo sya sa pagkakaupo at nilapitan ako.

Kinuha nya saakin ang bag ko at yung bag ng laptop na dala dala ko saka nya inilapag sa maliit na sofa.

"Hindi pa." Sagot ko naman at pabagsak na naupo sa sofa at saka sumandal. Pumikit ako sandali para makapagpahinga. Nakakapagod pero malapit na rin naman akong matapos sa OJT ko kaya kaya ko to!

"Ipag iinit kita ng pagkain." Sabi ni Adam. Tumango nalang ako habang nakapikit.

Ilang minuto lang bumalik na si Adam dito sa sala at inilapag ang plato na may pagkain at baso na may laman na tubig sa center table. Umupo ako sa carpet para makakain. Habang si Adam naman nakaupo sa sofa na nasa likod ko. Maya maya naramdaman kong iniipon nya ang buhok ko para ipitan ulit ako. Humaba na kasi ang buhok ko.

"Akin na yung ipit mo...." sabi ni Adam saakin inangat ko naman ang kaliwang kamay ko para makuha nya yung itim na ipit ko na nasuot doon kaya lang ilang segundo ng nakaangat ang kamay ko hindi nya pa kinukuha yung ipit kaya tumigil ako sa pagkain at nilingon sya.

"Nasaan yung bracelet mo?" Tanong ni Adam saakin at nakatingin sa kamay ko. Kaagad akong tumingin doon at biglang kinabahan ng makitang wala sa kamay ko ang bracelet na binigay ni Adam!

"Oo nga no..."

Kaagad kong inabot ang bag ko na nasa maliit na sofa at kinalkal ang bulsa ng bag ko pati sa loob pero wala yung bracelet. Abot abot ang kaba ko dahil hindi pwedeng mawala yun! Siguradong magagalit si Adam. Gusto nya kasing nakikita na palagi ko iyong suot. Lagi nya kasing tinitignan ang kamay ko kung suot ko ba yun!

Biglang bumagsak ang balikat ko ng makalkal ko ang bag ko at wala talaga sa loob. Pati sa bag ng laptop wala rin.

"Nawawala Adam nawawala yung bracelet. Wala dito sa bag ko. Suot ko lang yun kanina..."  sabi ko kay Adam na nakatingin lang saakin. Wala na badtrip na naman sya.

"Hindi ka kasi marunong mag ingat." Sabi ni Adam saka kinuha ang notebook nya na nasa center table at saka sya umalis.

Nakasunod lang ang tingin ko sakanya hanggang sa makaakyat sya ng hagdanan.

Napabuntong hininga nalang ako. May ganyan talaga syang ugali at sa tingin ko mahihirapan akong baguhin iyon sakanya dahil noon pa man ganyan na sya saakin. Bigla bigla nalang syang magwawalk out. Kung noon na hindi kami magkasinthan ayos lang na bigla bigla nya akong iniiwan kapag nag uusap kami dahil wala naman akong karapatan noon na mag inarte pero ngayon na girlfriend na nya ako syempre kahit paano masakit para saakin na basta basta nya akong iniiwan kapag ganitong nag uusap kami lalo na pagod pa kami pareho.

Madalas ako ang sumusuyo sakanya kapag ganyan sya. Hindi ko kasi sya matiis pero sya nakakaya nyang hindi ako kausapin at pansinin kapag hindi kami okay.

Kahit na marami akong nagustuhan kay Adam may isang ugali nya ako na hindi ko nagustuhan noon pa man pero tanggap ko sya. Pero may pagkakataon talaga na hindi ko kinakaya yung taas ng pride ni Adam.

Napabuntong hininga nalang ako dahil hindi na naman kami okay ngayon at malamang galit yon saakin dahil pangalawang beses ko ng hindi naingatan ang bracelet na yun. This time nawawala na talaga. Nung unang beses nalaglag ko iyon dito sa bahay mabuti nalang nakita ko kaagad pero nalaman ni Adam na nailaglag ko kaya napagsabihan nya ako.

Hindi naman na dapat ako magtaka na hindi magagalit si Adam saakin. Madalas syang naiinis sa kaclumsy-han ko at sa pagkaburara ko.

Sa mga ganitong pangyayari kahit na maraming magandang katangian ang isang tao may mga pagkakataon talaga na masasabi mong hindi talaga perfect ang isang tao at kailangan mong tanggapin ito kasi mahal mo yung tao.

Nagstay nalang ako sa sala at tinapos ang kinakain ko. Pagkatapos umakyat na ako sa taas para gumawa ng activity na pasasagutan ko sa mga bata bukas.

Hindi ko na sinundan pa si Adam dahil ayoko na munang ako yung manunuyo sakanya. Aminado naman ako na kasalanan ko kung bakit nawala yung bracelet kaya wala akong karapatan magalit at hindi ako galit sa ginawa nyang pagwawalk out. Nagtatampo lang ako sakanya dahil madalas nyang ginagawa yung ganong bagay saakin.

Kahit na nasaktan ako sa ginawa nya huwag syang mag alala...mahal ko pa rin sya.

Who Would have Known (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon