Kabanata 20

176 6 0
                                    

Simula nung nagkausap kami ni Terrence last week napapadalas ang pag uusap namin at pagkikita.

Inadd nya ako sa facebook at kinuha rin nya ang number ko. Syempre binigay ko nalang dahil wala naman masama. Mabait naman si Terrence at isa ring palabiro.

Minsan sya ang kasama kong kumakain ng miryenda sa hapon kapag hindi available ang mga kaibigan ko. Kilala na rin naman sya nila Hennesy at Jilliana.

Kilala na rin sya ni Kiko nagkasama na sila ng tatlong beses last week. Nagseselos nga si Kiko dahil may bago akong kaibigan na lalaki. Kung ano ano nga ang naiisip na baka daw may gusto saakin si Terrence kaya nakikipagkaibigan ganon. Sabi ko naman kay Kiko parang sya lang rin yon kaibigan na lalaki ganon.

Kagaya ngayong hapon kasama ko si Terrence na naglalakad sa campus hanggang sa makita namin sila Adam at Angela na magkasama.

Hinila ko si Terrence papunta sa likod ng malaking puno para magtago. Ayokong makita nila kami.

"... Yayayain sana kitang manuod ng sine bukas ng hapon?" Rinig kong sabi ni Angela kay Adam.

Aba! Niyaya nya si Adam ng date? 

"Bakit tayo nagtatago?" Tanong ni Terrence saakin tinakpan ko ang bibig nya dahil baka marinig sya pero kaagad nyang tinggal ang kamay ko na nakatakip sa bibig nya at saka nya hinila ang kamay ko dahilan para humarang kami sa dadaanan dapat nila Adam at Angela.

Nagulat si Angela ng makita nya kaming dalawa na magkasama. Habang si Adam naman walang reaction. Blank face as always. Ito ang unang beses na nakita kami ni Angela na magkasama kami ni Terrence lalo na ex boyfriend nya pa tong lalaking kasama ko ngayon.

"So it's true? There is something going on between you and her?" Tanong ni Angela kay Terrence.

Kaharap ko si Angela at kaharap naman ni Terrence si Adam. Napansin ko ang pagtingin ni Adam sa kamay ni Terrence na nakahawak sa kamay ko kaya kaagad kong hinila ang kamay ko para kumawala kay Terrence. Hindi naman nya napansin iyon dahil kausap nya si Angela na ex nya.

"Don't say something like that without basis. Hindi naman ako yung tipo ng tao na manloloko." Sabi ni Terrence. Bigla kong naramdaman ang tensyon sa pagitan nila dahil alam ko ang ginawa ni Angela kay Terrence. Umirap lang si Angela sa sinabi ng ex nya pakatapos ay tumingin naman saakin dahil ako ang kaharap nya.

Bakit ba ganon tumingin si Angela? Kinabahan tuloy ako. Para kasing matalas ang bibig nito eh.

"You told everyone that you will give up on Adam then the reason behind it is because of Terrence? Kumakalat kasi yung issue na yun sa department namin kaya alam ko." Sabi ni Angela na ikinagulat ko. Nanlaki pa ang mata ko sa gulat ng malaman na may issue na pala ako hindi ko pa alam!

Pati ba naman sa college napapag usapan pa ako? Hindi talaga ako tinitigilan ng issue ha? Sumisikat ako sa school hindi dahil sa magandang performance ko eh kundi dahil sa mga issue ko tungkol kay Adam. Isama pa ngayon si Terrence.

"Hindi yon totoo..." sabi ko. Lately ko nga lang nakilala si Terrence tapos dahil sakanya kaya ako nagmomove on?

Sino naman ang makating dila ang magkakalat ng ganon sa department nila?

"Uy Adam promise hindi ganon yun." Sabi ko pa kay Adam. Ayokong isipin nya na dahil sa ibang lalaki kaya ako nagmomove. Loyal kaya ako sakanya!

"Wala akong pakielam."  Sabi ni Adam at saka sya dumaan sa gitna namin ni Terrence. Ayan na naman sya sa pag wawalk out nya! Ang hilig nitong mang iwan!

Ang sakit pala na marinig kay Adam na wala syang pakielam sa kung anong meron saakin. Wala talaga syang interest.

"Angela..." sabi ni Adam. Huminto pa sya sa paglalakad at nilingon si Angela na nandito pa rin.

Who Would have Known (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon