Nagtaxi na ako pauwi dahil inabot ako ng alas kuatro ng hapon sa mall dahil masyado akong pumila ng matagal sa bawat store na binilhan ko ng pagkain dahil maraming tao. Alas dos ng tanghali ako umalis kanina at hapon na ako nakauwi.
Inilapag ko sa center table ang mga binili kong pagkain. Binaba ko naman sa sofa ang dala kong sling bag.
Binuksan ko ang TV at ngsearch ng pwedeng panuorin pero bigla akong napatigil sa paghahanap ng mapapanuod ng marinig kong nakabukas ang tubig ng shower.
Hindi ko ba pinatay yung shower? Sa pagkakatanda ko pinatay ko yun!
Bigla akong kinilabutan. Hindi kaya...may multo!? Whaaaaa! Wait ang OA Seriena.
Dahan dahan akong lumapit sa CR at idinikit ang tenga sa pinto. Doon ko nakumpirma na nakabukas talaga yung tubig sa shower at parang may tao sa loob dahil biglang nawala ang tunog at mukhang pinatay ang shower.
Wait sino yung tao sa loob? Hindi kaya magnanakaw!?
Wait Seriena mag isip ka. Huwag kang mataranta. Pero natatakot ako!! Nakuha pang maligo ng magnanakaw?
"Sino—-"
Biglang bumukas ang pinto dahilan para matumba ako dahil nakasandal ako doon para pakinggan ang taong nasa loob.
May malamig na kamay ang sumalo saakin at nanlaki ang mata ko ng makita kung sino.
"Adam!?" Mabilis akong umayos sa pagtayo ng makita sya.
Basa pa ang buhok nya pero nakabihis na sya. Masama na naman ang tingin nya saakin.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya. Nilagpasan nya ako at nauna ng lumabas ng CR.
Sinundan ko sya hanggang sa sala. Nakakagulat dahil nandito sya. Diba dapat nandoon rin sya kasama nila Tita Cathy? Bakit nandito sya ngayon?
"Hindi na ako sumunod dahil pinag over time ako sa trabaho." Sabi ni Adam napatango tango naman ako.
Naupo sya sa sofa at sya na ang nagmanipulate ng TV. May sinelect lang syang isang palabas at nagplay na ito.
"Ikaw bakit ka nandito? Akala ko ba may lakad kayo ng mga kaibigan mo?" Tanong ni Adam ng hindi nakatingin saakin. Nakahalukipkip sya at nakasandal sa sofa.
Naupo ako sa tabi nya pero syempre medyo malayo sakanya ng kaunti.
"May biglaang lakad sila." Sabi ko nalang.
Napansin ko ang palihim nyang pag ngisi. Siguro kasi natatawa sya saakin ngayon. Para akong nahiya sa tanong ni Adam na iyon. Syempre pinanindigan ko sakanila na pinili ko yung mga kaibigan ko tapos malalaman ni Adam na hindi pala ako sinipot ng mga kaibigan ko.
Naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko. Nagugutom na ako.
"Kumain kana. Mukhang gutom na gutom ka." Sabi ni Adam habang nakatingin sa harap ng TV.
Narinig nya siguro yung tyan ko. Hindi pa kasi ako nag aalmusal at nagtatanghalian dahil sa marami akong nakain kaninang madaling araw kaya di na ako nakapag almusal tapos kanina umalis pa ako.
Tumayo ako sa pagkakaupo at pumunta sa kusin para kumuha ng baso, plato, mangkok, kutsa at tinidor. Pagkatapos inilipat ko yung mga pagkain na binili ko. Mabuti nalang marami akong binili kaya makakapagshare kami ni Adam.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko kay Adam ng bigla itong tumayo.
Hindi sya sumagot kaya sinundan ko nalang sya ng tingin. Pumasok sya sa loob ng dining. Maya maya may dala na syang...
"Ice cream!" Napatakip kaagad ako ng bibig dahil masyado akong naexcite ng makita ko ang isang galon na chocolate ice cream.
Hawak hawak iyon ni Adam at inilapag sa center table. May dala rin syang wine. Umiinom rin pala kahit paano si Adam ng ganon? Pero yung ice cream talaga yung gusto ko.
"Dala mo?" Tanong ko sakanya at itinuro ang ice cream. Tumango lang sya bilang sagot. Buti bumili sya ng isang galon kung sa tingin nya naman kanina mag isa lang sya dito sa bahay kung sakaling wala ako? Pero okay na rin ito dahil makakatikim ako! Hihi.
"Pwedeng makahingi? Promise bibigyan kita ng mga pagkain kahit alin dyan." Sabi ko kay Adam at tinuro ko pa yung mga pagkain sa center table.
"Ang takaw mo." Sabi nalang ni Adam. Napangiti nalang ako at humarap sa mga pagkain na nasa lamesa. Gaganahan na akong kumain nito lalo't nandito si Adam at may ice cream!
I'm having early dinner with Adam on christmas day. Hindi man ganon kaengrande ang pagcecelebrate namin okay na rin ito basta kasama ko sya.
Nuod lang ng movie habang kumakain plus inom ng wine. Ang romantic na nito para saakin. Lalo na ang romantic ng ambiance dito sa bahay. Dumidilim na rin kasi at nakasarado ang mga bintana at nakababa ang mga kurtina dahil sinara ko kanina nung umalis ako. Ang nakabukas lang na ilaw yung nasa may hagdanan at yung sa christmas tree na may iba't ibang kulay ang pailaw. Nasa gilid iyon ng pinto dito sa sala.
Tahimik lang kaming nanunuod at kumakain. Halos nakalahati na rin namin yung wine. Syempre isang baso lang ang saakin dahil hindi naman talaga ako umiinom ng ganon pero masarap ang lasa. Si Adam halos ang umiinom noon.
Even if this is a coincidence I get to spend my first christmas day with Adam, just the two of us.
"Oh..."
Napatingin ako kay Adam ng bigla nalang syang may inaabot saaking maliit na box at nakabalot pa ito ng christmas design na gift wrapper.
Napangiti ako at kinuha sakanya ang inaabot nya saakin. May regalo si Adam saakin!! Kaagad kong binuksan ang regalo nya at napanganga ako ng makitang bracelet ito. Manipis na bracelet na may mga maliliit na heart heart na nakaasabit at kulay silver ito.
Akala ko ba wala akong regalo?!"Whaaa! Thank you!" Sa sobrang saya ko niyakap ko si Adam. Masyado akong natutuwa dahil first time kong makatanggap ng ganitong regalo mula sa lalaki at kay Adam pa!
Nagtaka ako dahil hindi sya nagreklamo sa ginawa kong pagyakap sakanya kaya humiwalay ako sa pagkakayakap at tinignan sya.
"Lasing kana yata? Namumula ka." Sabi ko sakanya. Hahawakan ko na sana sya sa mukha ng bigla nyang hinawi ang kamay ko.
"Hindi." Maikling sagot nya at saka sya tumayo.
Sinundan ko sya ng tingin at nakita kong umakyat sya sa kwarto nya.
Ibinaling ko nalang ang tingin ko dito sa bracelet na ibinigay nya saakin. Nakangiti akong pinagmamasdan ito. Isususot ko to palagi for sure!
Pagkatapos kong ubusin ang mga pagkain iniligpit ko na ang mga kalat sa center table. Pinatay ko na rin ang TV. Inilock ko na rin ang gate at pinto ng bahay saka ako umakyat sa itaas pero bago ako dumiretso sa kwarto ko huminto ako sa tapat ng kwarto ni Adam at kumatok.
"Adam..." tawag ko mula dito sa labas ng pinto.
Hindi na kasi sya bumaba kanina. Alas nuebe na ng gabi malamang tulog na yun. Pagod rin yun galing sa trabaho.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ni Adam saka pumasok. Hindi naman nakalock ang pinto nya kaya pumasok na ako.
Madilim na sa kwarto nya at naaninag kong tulog na sya. May nakabukas lang na lamp shade sa gilid ng kama nya.
Dahan dahan akong lumapit sa kama nya para kumutan sya. Nakabukas rin kasi ang aircon dito sa kwarto nya malamang binuksan nya kanina.
Kinuha ko ang kumot na nasa paanan na nya at inaangat para mabalutan sya. Nakapamaluktot na kasi syang nakahiga at nakaside.
Akmang aalis na ako ng bigla nalang akong hinila ni Adam sa kamay kaya napahiga ako sa kama.
"Hoy! Adam!" nahampas ko sya sa pagkagulat ko. Nakahiga ako sa braso nya at nakakulong sa yakap nya. Magkaharap kami sa isa't isa habang sya yakap yakap ako.
"Shhhh..." mahinang sabi nya habang nakapikit.
Laglag ang panga ko sa ginagawa nya. Literal na hindi ako makahinga dahil sa napakalapit naming dalawa at sa bilis ng tibok ng puso ko!
Hoy teka hindi ako prepared!!
Anong nangyayari kay Adam?
BINABASA MO ANG
Who Would have Known (COMPLETED)
Teen Fiction"Hi I'm Seriena. Please...read this." nakayukong sabi ko sakanya habang inaabot ang liham na ginawa ko. "No thank's." at nilagpasan nya ako. Naiwan sa ere ang kamay ko at literal na napaawang ang labi ko sa ginawa nya. Kahit na expected ko na ang m...