Kabanata 17

174 8 0
                                    

"So lumipat na nga talaga kayo ng bahay." Sabi ni Hennesy saakin habang nakapila kami sa counter dito sa school canteen.

Nasabi ko kasi sakanila kahapon na nakalipat na kami ng bahay at umalis na kila Adam.

"Akala ko ba naman forever na kayong nakatira kila Adam." Sabi naman ni Jilliana.

"Ganon rin ang akala ko pero dahil lumipat na kayo edi wala na kayong connection nyan ni Adam?" Tanong ni Hennesy saakin pagkatapos nyang iabot ang bayad nya sa cashier.

"Okay na yun na wala na. I gave up on Adam." Sabi ko at ako naman ngayon ang magbabayad sa cashier.

"Weh?/Ows?" Sabay na sabi ng dalawa kong kaibigan. Hindi ba kapani paniwala yung sinasabi ko?

"Ni hindi ka nga naggigive up kaagad kahit na masyado na syang mean sayo tapos sasabihin mong give up kana? Huwag mo nga kaming niloloko." Sabi ni Jillian habang naglalakad kami at hawak ang tray na may laman na pagkain.

"Napapansin ko kasi masyado na akong nagbago. I'm not going to chase Adam anymore. Hindi na ako pupunta sa building nila para hintayin sya." Sabi ko. Seryoso naman ako sa sinasabi kong iyon. 

Nakahanap na kami ng bakanteng lamesa at inilapag ang mga tray na dala namin at nagsimula ng kumain.

"What in the world happend to you? Sa wakas! Natauhan ka na. Congrats!" Sabi ni Hennesy bago sumubo ng pagkain nya.

"Kinausap kasi ako ni Papa kaya narealize kong tama sya. Sinabi nyang pag isipan kong mabuti yung pinapasok ng nararamdaman ko. Alam naman natin pare pareho na walang interest si Adam saakin diba. So starting today kakalimutan ko na si Adam. Ieenjoy ko nalang ang college life ko at may darating rin naman na lalaki na para saakin talaga." Sabi ko. Kailangan ko rin palayain ang sarili ko para maappreciate ko yung ibang bagay na noon eh nakulong ako kay Adam.

"Tama!" Sabi ni Kiko at naupo sya sa bakanteng upuan na nasa harap ko. Katabi ko naman si Hennesy at si Jilliana ang katabi ni Kiko.

"Para kay Seriena lang yan?" Tanong ni Jilliana at itinuro ang dala ni Kiko na isang box ng donut na nakalapag sa lamesa na nasa harap ko. Nakasulat pa ang pangalan ko sa card na nakalagay sa may hawakan ng box.

"I can help you forget about Adam. So cheer up, okay?" Sabi ni Kiko saakin at nginitian ako. Mabuti nalang may kaibigan ako na handang pagaanin ang loob ko. Nginitian ko sya pabalik at saka tumango.

Pagdating ko sa bahay namin na medyo may kalayuan sa school kaya kinailangan ko pang sumakay ng jeep kanina at bumaba sa kanto para maglakad papunta dito sa bahay.

Pagpasok ko sa loob ng bahay nalungkot ako dahil mag isa lang ako at walang tao na madadatnan dahil si Papa nasa restaurant namin.

Noon sa bahay nila Adam tuwing uuwi ako laging may madadatnan na tao. Maingay ang bahay dahil naroon si Tita na ang cheerful cheerful. Pero ngayon...napakahatimik ng bahay at madilim.

Napabuntong hininga nalang ako. Masasanay rin ulit ako sa ganitong set up. Hindi naman na dapat bago saakin to dahil noon naman na nasa dating bahay kami ganito rin ang pangyayari noon. Uuwi ako sa bahay ng walang madadatnan at madilim dahil nasa restaurant namin si Papa.

Mag isa lang ako kakain ng lunch ngayon dahil si Hennesy nag extend sila ng class and si Jilliana naman hindi pumasok dahil nilalagnat.

Ilalapag ko na sana ang tray na dala ko sa lamesa ng mapansin ko si Kiko na nakaupo hindi kalayuan sa pwesto ko. Nakita nya naman ako kaya kinawayan nya ako at sumenyas na doon ako maupo.

Lumakad ako papunta sa direksyon nya at doon inilapag ang tray na dala ko saka ako naupo katapat nya.

"Diba wala kang pasok? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Kiko. Nasabi nya kasi saakin na tuwing thursday wala syang pasok.

"Dinala ko yung project ng kapatid ko saka alam kong nandito ka kaya pinuntahan kita." Sabi naman ni Kiko. May kapatid syang babae at high school naman ito dito rin nag aaral sa school namin at kaklase yon ni Cyrus.

"Naglunch ka na?" Tanong ko kay Kiko. Tumango naman sya bilang sagot.

"Kamusta sa bagong bahay nyo? Nakakatulog ka naman ng maayos?" Tanong ni Kiko saakin habang kumakain ako. Isang linggo na kaming nakatira sa bagong bahay namin unti unti nag aadjust ako na tahimik lang sa bahay at walang ibang taong kasama.

"Oo." Sagot ko pagkatapos ay sumubo na ng pagkain.

"Kamusta naman yung feelings mo kay Adam?" Tanong ni Kiko kaya natigilan ako sandali pero nakabawi rin naman ako.

"Hindi pala ganon kadaling magmove on. Hinahanap hanap ko pa rin sya." Sabi ko.

May mga oras na gusto kong malaman kung nasaan ba si Adam at ano ba ang ginagawa nito, may times pa na nanunuod ako ng training nila sa hapon mula sa malayo dahil ayokong makita nya akong pinapanuod sya. Nagstalk pa rin ako sa mga social media accounts nya. Binabalitaan rin ako ni Tita Cathy about kay Adam.

Hinahayaan ko na ganon ang set up ko. Pinagsasabihan nga ako nila Hennesy at Jilliana na paano daw ako makakapagmove on kung ganon daw ang ginagawa ko. Sabi ko naman sakanila hindi naman ganon kadaling mag move on. Hindi basta basta mawawala ang nararamdaman mo sa isang tao basta sinabi mo lang na ayaw mo na. May proseso pa akong pagdadaanan bago ko tuluyuan makalimutan ang nararamdaman ko para kay Adam.

Madalas ko rin nakikita na magkasama si Adam at Angela lalo na sumali pala si Angela sa volleyball team.

"Huwag kang mag aalala makakaget over ka rin sa yelong lalaking yun. Tutulungan kita." Sabi ni Kiko at nginitian ako.

Mabait si Kiko at gentleman. Kung tutuusin ideal boyfriend nga sya. Marunong mag alaga ng babae, magaling magluto, maeeffort at talagang ipaparamdam sayong mahalaga ka.

Kahit na tinitignan kong biro at hinahayaan ko lang si Kiko sa mga ginagawa at sinasabi nya para saakin. Aware naman ako na may nararamdaman talaga sya para saakin. Bulgar naman sya sa parte na iyon at halata naman. Hindi ko lang inaacknowledge dahil kay Adam nakatuon ang atensyon ko.

Kinabukasan ng hapon pagkatapos ng klase ko dumiretso ako sa may library para gumawa ng assignment. Wala kasing wifi sa bahay namin kaya sa libro ako maghahanap ng sagot sa assignment namin sa isang minor subject. Kasama ko ang dalawa sa mga kaklase ko at sabay sabay kaming gumagawa ng assignment. Magkasintahan kasi yung dalawa. Kaclose ko naman yung dalawa na yun kaya hindi gaanong awkward kahit mukha akong thirdwheel sakanila.

"Mauna na ako ha?" Sabi ko kila Michael at Rose habang nagliligpit ng gamit ko. Tapos na ako sa pagsagot.

"Sige. Ingat sa pag uwi." Sabi ni Rose at nginitian ako. Si Michael naman tinanguan ako.

Sinukbit ko na ang bag ko at kinuha ang dalawang libro na ginamit ko saka ako umalis. Ibinalik ko muna yung mga libro saka ako lumabas ng library.

Dadaan muna ako sa may CR na malapit sa field. Papasok na sana ako sa loob ng makasalubong ko si Angela na naka jersey uniform at nakarubber shoes. May dala rin itong bola ng volleyball. Natigil ako sa pagpasok dahil huminto sya sa paglabas. Tinignan nya lang ako sandali at nagpatuloy na sa paglabas ng CR. Anong problema non? Lagi nya akong tinitignan ng wala man lang sinasabi.

Pumasok na ako sa loob para mag CR at pagkatapos ay lumabas na rin ako para dumiretso sa field. Titingin lang ako saglit sa training nila Adam pagkatapos uuwi na rin ako.

Nakatayo lang ako sa hindi kalayuan malapit rito sa field at nakatingin kay Adam na nakaupo sa bleachers at katabi si Angela. Nag uusap silang dalawa.

Ang gwapo ni Adam hindi mapapagkaila ng kahit na sino iyon. Lalo na sa suot nya ngayon na kulay asul na jersey na may nakalagay sa likod na 04 Buenaventura. Isa sa pangarap ko yun. Ang magkaroon ng jersey ni Adam pero malabo ng mangyari iyon dahil hindi na kami nagkikita at nagkakausap dalawa.

Nalaglag ang balikat ko ng makitang bagay nga talaga si Adam at Angela. Pareho silang matangkad, matalino at hilig sa sports.

Hindi na ako nagtagal pa doon at napagpasyahan kong umuwi na. Hindi ko na dapat ipamukha sa sarili ko iyon at saktan ang sarili sa nakikita.

Pag uwi ko sa bahay dumiretso ako sa maliit kong kwarto at nahiga. Bakit ganon? Ang lungkot lungkot ng pakiramdan ko.

Bakit feeling ko ang tagal ko ng hindi masaya?

Who Would have Known (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon