Kabanata 21

171 7 0
                                    

Akalain mo yon! Nakapag ayos ako ng sarili sa loob 30 minutes? Grabe yung epekto ni Adam ha.

Nagpatulong akong magblower ng buhok kay Tita Cathy habang nag aayos ako ng mukha kanina. Naglagay lang ako ng blush on at liptint plus powder sa mukha. Hindi na ako nagmake up dahil hindi naman talaga ako naggaganon. Okay na saakin yung simpleng kolorete sa mukha.

Nakasuot ako ng simpleng mint green pastel color na long sleeve dress na may white colar and doll shoes. Dala dala ko rin ang maliit na white sling bag ko na iniregalo naman ni Papa saakin nung graduation nung high school.

I wanted to go on a date with Adam pero may nauna na saakin. Seeing a move and going shopping and then have a dinner with him is my dream.

Teka? Bakit nga ba ako nakaayos ngayon eh hindi naman ako yung makikipagdate kay Adam? Jusko Seriena Mae! Malala kana talaga.

"Ayun sila!" Sabi ko ng makita sila Adam na papasok sa loob ng cinema dito sa mall.

Nagpaalam na rin ako kay Papa sa call kanina para sabihin na pupunta ako dito sa mall. Nung una ayaw pa akong payagan dahil anong oras na rin pero sa huli pinayagan narin naman nya ako.

Tinignan ko ang oras ng showing. Napangiti ako ng malapad dahil naabutan namin sila. Mabuti nalang hindi pa sila nakapasok kanina nung umalis si Adam kung hindi baka hindi namin nalaman kung ano ba ang panunuorin nila.

Syempre dahil ako nga si Seriena na makulit sinundan namin sila kung saan cinema sila manunuod at nakuha pa namin bumili ng popcorn and drinks.

Yung kasama ko naman na si Terrence parang stress na stress dahil pinagmadali ko sya kanina. Tinawagan ko pa sya sa messenger para magmadali sya. Ni hindi pa nga sya nakapag ayos ng buhok.

Hawak hawak ni Terrence ang pagkain namin dalawa habang naglalakad dito sa loob ng cinema na madilim at wala ng nakabukas na ilaw. Hindi pa naman nagsisimula dahil puro patalastas pa naman ang ipinapakita sa screen.

Nang makita ko kung saan pumwesto sila Adam kaagad kong inaya si Terrence na maupo sa likuran nila Adam. Hindi naman sa mismong likod ng inuupuan nila. Dalawang row ang pagitan namin sa pwesto nila Adam. Masyado na kaming halata kung doon kami pupwesto.

Medyo kaunti lang ang mga manunuod dito kaya maraming bakanteng pwesto.

Yung feeling na horror yung palabas pero yung attention ko nakay Adam at Angela. Nakikita ko kasi si Angela na parang dumadamoves kay Adam!

Yung isinasandal nya yung ulo nya sa balikat ni Adam habang nanunuod, yung pasimpleng kunwari kukuhanin nya yung iniinom nya pero alam kong gusto nyang mahawakan si Adam sa kamay, yung hinahaplos nya ang braso nya para iparamdan kay Adam na nilalamig sya habang si Adam busy sa panunuod. Napapansin ko pa yon ha kahit madilim. Matalas ang mata ko basta si Adam ang involve.

"Alam mo...manuod ka nalang sa screen huwag kay Adam. Nag aaksaya ka ng moment." Bulong saakin ni Terrence. Hindi ko sya pinansin sa sinabing nyang iyon basta kay Adam ako titingin. Hindi ko magawang matakot sa palabas dahil busy ako kay Adam na tignan sya kahit nadilim.

Pagkatapos ng palabas sinundan rin namin sila Adam sa dinner nila. Kumain sila sa jollibee kaya doon rin kami nagpunta ni Terrence. Feeling ko sumusunod nalang sya sa gusto ko at mabuti nalang hindi na sya kumokontra. Mareklamo lang sya dahil kailangan pa namin sundan sila Adam.

Pagkaorder namin umupo kami sa pwesto na malapit kila Adam pero alam namin na hindi nila kami makikita dahil may poste sa pagitan namin pero maririnig namin sila.

"Anong gusto mo sa babae?" Rinig kong tanong ni Angela kay Adam. Mahinang natawa si Terrence ng marinig iyon mula kay Angela habang ako naman halos idikit ko na ang tenga ko sa gilid ko para lalo ko silang marinig.

Who Would have Known (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon