Kabanata 5

244 11 7
                                    

Habang umiinom ako ng hot choco hindi ko maiwasan ang hindi matawa tuwing titingin ako kay Adam. Naaalala ko yung picture na ibinigay saakin ni Tita Cathy kagabi. Di ko inaasahan na minsan na palang akong hinalikan ni Adam sa pisngi!

Nakwento rin kasi saakin ni Tita Cathy na gusto daw ni Papa at sila ni Tito na magkatuluyan kami ni Adam napagkasunduon nila iyon nung mga baby palang kami kaya lang nung nawalan sila ng connection sa isa't isa at naging abala sa kanya kanyang buhay hindi na nila napursue na gawin iyon.

"Bakit ka tumatawa? Okay ka lang ba?" tanong ni Papa saakin. Kaagad akong umiling.

"Maybe she studied too much and went nuts." sabi ni Cyrus. Sinamaan ko sya ng tingin sa sinabi nya. Dinilaan nya lang ako.

Nasa classroom ako at abala sa pagrereview sa history subject namin. Finals na kasi next week kaya ngayon palang nagbabasa basa na ako. Kahit na maingay sa classroom namin ay napagtatyagaan kong magbasa ayoko naman ng umalis ng room at magpunta ng library dahil panigurado aantukin lang ako.

"1867, Civil war. The people were emancipated from cruel slavery. 1869, opening of suez canal."

"Hey, Seriena! Kain tayo." sabi ni Kiko pero hindi ko sya pinapansin ayoko mawala sa concentration ko sa pagbabasa.

"Seriena!"

Kaagad akong napahinto ng marinig ko ang boses ni Adam. Nakatayo sya sa may hamba ng pintuan ng classroom namin. Dahil magkasama lang kami sa iisang bahay tanda ko na ang boses nya. Anong ginagawa nya dito?

Dahil nga sa hindi naman pumupunta ang Class A sa classroom namin nakakabigla talaga na makita si Adam dito.

"Seriena, bring your bag and follow me." sabi ni Adam kaya kinuha ko ang bag ko at naglakad palabas dahil nauna na syang umalis.

Napakamot ako sa ulo dahil panigabong usap usapan na naman to. Ang sabi nya wag ko syang kakausapin sa school pero sya tong unang kumausap saakin nagpunta pa sya sa classroom namin. Kahit na nagtataka ako ay sumunod parin ako.

Sumunod lang ako kay Adam hanggang sa magpunta kami sa likod ng school building namin.

"Bakit?" tanong ko sakanya ng humarap sya saakin.

"This..." sabi ni Adam at saka sya may kinuha sa bag nya."My mother put it in the wrong bag."

Inabot nya saakin ang libro ko na may sticker ni Hello Kitty sa cover ng book.

"Oo nga no." sabi ko at saka tinignan ang loob ng bag ko. Inilabas ko ang libro ko sa english at inabot sakanya.

Namali si Tita ng lagay dahil nung bumaba ako kanina sa sala inilapag ko yung libro ko sa center table kanina. Doon din kasi naglalapag ng gamit sila Cyrus at Adam. Si Tita na ang naglagay dahil siguro baka naisip nya na baka malimutan namin.

"If your slacker classmates saw me doing this, malamang pag uusapan na naman ako." sabi ni Adam. Napanguso nalang ako sa sinabi nya. Hindi ko naman kasalanan na nagkapalit kami ng libro.

"More and more inconvenient things like this are going to happen. Things can get mixed up since we're in the same school." tumango tango ako sa sinasabi nya. Tama naman sya doon dahil pareho kami ng school, parehong libro lang ang gamit namin at malamang sa malamang magkakapalit talaga kami.

"True yan. Baka nga isang araw masuot mo na tong uniform ko ng hindi sinasadya eh." sabi ko. Kitang kita ko ang pagkunot ng noo nya sa sinabi ko.

"Why would I wear your uniform?" tanong nya at humalukipkip. Tinaasan nya pa ako ng kilay.

"Joke lang! Hindi ka naman mabiro!" sabi ko sakanya at saka ako tumawa. Ang sarap nyang asarin!

Bigla kong naalala yung picture na ibinigay ni Tita Cathy saakin. Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa ng palda ko at saka ko inilabas ang picture namin ni Adam.

Who Would have Known (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon