Kabanata 31

167 5 0
                                    


Dumating ngayon dito sa bahay si Adam at kausap ito ngayon doon sa may maliit na office ni Tito Arnold. Nandoon si rin si Tita Cathy. Mukhang may mahalaga silang pag uusapang tatlo.

Pagdating ko kasi nalaman ko lang kay Cyrus na nandito si Adam dahil sinabi nya saakin. Kahit paano close na kami ni Cyrus kahit na cold rin ito saakin.

"Tss. Kain ka ng kain hindi ka naman tumataba." Sabi ni Cyrus na nandito sa sofa katabi ko.

Pareho kaming nanunuod ng movie at kumakain ng snacks pero mas marami akong kinakain kay Cyrus.

"Advantage yun no!" Sabi ko naman sakanya at sumubo ng chichirya.

Biglang nagvibrate ang cellphone ko na nasa center table kaya kaagad ko iyon kinuha at binasa ang text message.

Nag text saakin si Tita na ipag akyat ko sila ng kape.

Tumayo ako sa pagkakaupo at dumiretso sa kusina para ipagtimpla sila ng kape. Kumuha ang ng tray sa ilalim ng lababo kung saan naroon yung mga gamit.

Pagkalagay ko ng mga kape sa may tray dumiretso na ako sa office ni Tito Arnold.

Nang makarating ako sa pinto napatigil ako sa dapat na pagkatok dahil naririnig ko sila sa loob na parang nagsisigawan.

Bigla akong kinabahan dahil hindi ko alam kung papasok ba ako para ihatid itong kape o huwag nalang dahil makakaistorbo ako?

Anong gagawin ko?!

"Adam, makinig ka saakin!"

Sigaw ni Tita Cathy nabigla ako dahil mukhang nagkakainitan na sa loob? Ito yung unang pagkakataon na naririnig ko silang nagsisigawan.

"Ayokong dinidiktahan nyo ko sa mga bagay na gusto kong gawin. Ngayon palang dinidiktahan nyo na ako para sa buhay ko. Papa, gusto nyong magmanage ako ng kumpanya? Mama, gusto mong ikasal saakin si Seriena? Isipin nyo rin naman sana yung mararamdaman ko. Kaya nga ako umalis ng bahay na to para hindi nya ako makontrol. Huwag nyo na akong diktahan. May sarili na akong buhay!"

Rinig kong sabi ni Adam. Sa kaba ko ipinatong ko ang tray sa maliit na lamesa na nandito sa kaliwang pintuan. Baka kasi maitapon ko to sa kaba! Natataranta kasi ako parang gusto ko silang awatin!

Hindi na rin naman ako nasaktan sa sinabi ni Adam tungkol saakin. Masyado na akong nasanay sa ganong bagay. Nakakaba lang dahil nag aaway na sila sa loob!

"Adam, anak huminahon ka. Pinayagan ka namin umalis ng bahay dahil iyon ang gusto mo."

Rinig kong sabi ni Tito Arnold. Masyadong mabait si Tito kaya hindi iyon magagalit talaga.

"Paano mo nagagawang sabihin saamin yan?! Ha?!"

Sigaw ni Tita Cathy. Narinig ko ang malakas na pag sampal. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Hindi na ako mapakali! Mukhang nasa tapat lang sila ng pintuan.

Kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at nagmamadaling lumabas si Adam. Ni hindi sya nagulat na nandito ako sa labas. Kaagad ko syang sinundan hanggang sa makalabas kami ng bahay. Nagtaka si Cyrus dahil dinaanan lang sya ng Kuya nya at hindi na nakapagpaalam.

Hindi sya nagsasalita at hindi rin sya nagtanong kung bakit ko sya sinundan. Sa itsura nya ngayon masasabi ko talagang galit sya lalo na nakakuyom na ang kamao nya at nakakunot ang noo.

Hindi tuloy alam kung kakausapin ko ba sya o hindi baka kasi mamaya saakin lumabas lahat ng galit nito at masigawan ako.

"Sorry you had to hear that." Sabi ni Adam habang naglalakad kami palabas ng subdivision.

Mabagal na ang lakad namin dahil mukhang huminahon naman na si Adam.

"Pasensya na hindi ko naman talaga sinasadya na makinig. Magdadala lang sana ako ng kape dahil nagsabi si Tita Cathy." Mahinang sabi ko. Nakakatakot si Adam kausap ngayon yung parang anytime baka bigla syang magpalit ng mood at masigawan ka nya. Kaya dapat mapili ako sa salita ko alam nyo naman si Adam mabilis rin mainis.

"Siguro kaya nagawa ni Tita yon dahil nagulat lang sya na nagsalita ka tungkol sa opinyon mo. Kasi madalas diba hindi ka naman nagsasabi ng mga ganong bagay sa mga magulang mo. Sinasarili mo lang yung mga bagay na gusto mong gawin at sinusunod mo lang sila."

Naiintindihan ko naman silang pare pareho. Dahil minsan na rin akong inanyayahan ni Papa na magtake over ng restaurant kapag tumanda na daw sya. Kasi ako lang naman daw ang magmamana ng restaurant namin kaya lang hindi naman ako ipinagpala na maging magaling sa pagluluto kaya inayawan ko iyon dati pero ngayon sinusubukan ko naman ng matuto.

"Saka yung tungkol saakin...huwag mo nalang sigurong sundin ang sinasabi ng Mama mo. Mas mahalaga pa rin na duon ka mapupunta sa taong gusto mo. Okay naman na ako. Hindi naman ako umaasa na...iyon nga yung ikakasal ka saakin." Sabi ko sakanya. Narinig ko ang pagbuntong hininga nya. Alam kong nakikinig naman sya sa mga sinasabi ko at alam kong alam nya rin na sincere ako doon. Kahit paano kilala narin naman siguro ni Adam kung anong ugali ang mayroon ako. Tatlong taon na kaming magkakilala mag aapat na taon na nga eh.

"Pag iisipan ko pa kung magtatake ako ng special class para sa business management. Huwag mong ipagsasabi yan kahit kanino. Ikaw lang ang sinabihan ko." Sabi ni Adam. Bigla naman akong kinabahan dahil parang nagbabanta sya.

"Bakit mo sinasabi saakin yung importanteng bagay na yan?" Tanong ko sakanya dahil talagang pinagkakatiwalaan na nya ako.

"I don't know either."

Napanguso nalang ako sa sinabi nya.

Hindi ko namalayan nakalabas na kami ng subdivision. Huminto sya sa paglalakad kaya ganon rin ako.

"Bumalik kana. Baka hanapin ka sa bahay. Uuwi na ako." Sabi naman ni Adam. Tumango ako.

"Sige. Mag ingat ka." Sabi ko sakanya. Tumango lang sya at naglakad na paalis.

Ako naman naglakad na pabalik sa bahay.
Sana magkaayos na sila Tita at Adam. Ang hirap pa naman ng sitwasyon nila paano sila magkakaayos eh ang layo nila sa isa't isa? Madalang pang pumunta si Adam dito? Lalong hindi muna yun magpapakita dahil sa nangyari kanina.
Hinilot ko ang sintido ko dahil sumasakit ang ulo ko kaiisip!

"Ang problemado mo? Napano ka ba?" Tanong ni Hennesy saakin. Umiling ako bilang sagot. Hindi ko sakanila pwedeng sabihin yung iniisip ko ngayon dahil masyado iyong personal.

Nandito kami ngayon sa school canteen at kumakain ng tanghalian. Kasama namin si Kiko, Jilliana at Terrence na kahit magkakaiba kami ng course eh sabay sabay kaming naglulunch.

Nandito rin sa school canteen si Adam, Angela at ang dalawa pa nitong kaklase na lalaki pero malayo sila saamin.

"Baka naman nagseselos? Ano susugudin ko na ba si Adam?" Sabi ni Terrence na nasa tapat ko nagbiro pa ito na kunwari eh tatayo at susugod. Natawa nalang ang mga kasama ko sakanya. Palabiro pa rin sya hanggang ngayon.

"Kumain kana. Huwag kang masyadong mamroblema. Cheer up! Kasi kung wala kang energy bahala ka tatalunin ka ng problema maapektuhan pa yung ibang bagay dyan." Sabi naman ni Kiko na katabi ko. Nasa gitna namin sya ni Jilliana.

Malalim akong bumuntong hininga at saka kumain. Tama naman kasi sya sa sinabi nya.

Magkakabati rin silang mag ina! Hindi rin matitiis ni Adam yung mga magulang nya naniniwala ako doon.

Who Would have Known (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon