Kabanata 16

165 6 0
                                    

Pagkatapos ng klase ko ay dumiretso ako kaagad dito sa restaurant namin. Tumawag kasi si Papa kanina na pumunta ako dito pagkatapos ng klase ko dahil may pag uusapan kami kaya ito ako ngayon nakaupo sa pang dalawahan na lamesa at kasalukuyang kumakain ng hapunan. Nasa harap ko naman si Papa.

"May gusto ka ba kay Adam?" Tanong ni Papa na ikangulat ko. Literal na nasamid ako sa tanong ni Papa na iyon.

Kaagd kong binitawan ang spoon and fork na hawak ko at uminom ng tubig.

Out of the blue nagtanong si Papa ng ganong bagay! Nakakabigla talaga. Akala ko kasi walang pakielam si Papa sa mga ganong bagay tungkol saakin dahil hindi naman na nya ako kinokompronta kapag gumagawa ako ng way para mapalapit kay Adam.

"Po?" Tanong ko kahit na narinig ko naman.

"Anak alam kong iba na ang pagkagusto mo kay Adam. Napapansin ko." Sabi ni Papa saakin. Tinamaan ako ng hiya dahil hindi ako sanay na pag usapan ang ganitong bagay. Isa pa ang seryoso ni Papa ngayon nakakapanibago.

"Huwag mo sanang mamasaamin ang sasabihin ko pero sa tingin ko anak...walang interest si Adam sa'yo. Gusto ko sana si Adam para sayo pero matagal na kayong nagkakasama sa bahay pero ni isang beses wala akong nakitang interest si Adam. Sinasabi ko to dahil ayokong masaktan ka." Sabi ni Papa. Bumuntong hininga ako at tumango. Naiintindihan ko naman si Papa. Pinapangaralan nya ako ulit dahil syempre nag iisang anak nya lang ako.

Masakit man ang sinabi ni Papa pero iyon ang totoo kaya kailangan kong tanggapin ang katotohanan na hindi kailan man magkakagusto si Adam saakin.

"Napagpasyahan ko rin na lumipat na tayo ng bahay. Nakapag ipon ipon na rin naman ako kaya pwede na tayong magkaroon ulit ng sarili natin bahay." Sabi ni Papa na ikinagulat ko. Hindi ko pa naisip na darating kami sa puntong lilipat kami ng bahay. Ngayon palang nalulungkot na ako dahil mawawalan na ako ng connection kay Adam. Hindi ko na sya makikita ng madalas.

Tumango nalang ako bilang pag sang ayon. Alam namin na welcome kami sa bahay nila Tita Cathy at wala naman silang problema na doon kami nakatira pero syempre bilang isang pamilya kami ni Papa napagpasyahan na nya na lumipat na kami ng bahay. Iba pa rin kasi na mayroong sariling bahay at isa pa hindi naman pwedeng pang habang buhay eh nakatira kami sa mga Buenaventura.

Para rin naman saamin at saakin ang gagawin namin paglipat para narin makalimutan ko si Adam. Wala rin naman kasi talagang patutunguhan ang nararamdaman ko kay Adam dahil wala talaga syang interest saakin mas mabuti na nga talagang lumipat kami ng bahay.

Pagkatapos namin mag usap ni Papa ay pinauwi na nya ako kaagad dahil ayaw nyang masyado akong gabihin sa daan.

Pagdating ko sa bahay nadatnan ko ang magkapatid na nanood ng movie sa sala. Wala sila Tito at Tita sabi ni Cyrus umalis daw ang mga ito kanina. Hindi na ako nakipagkwentuhan pa sa dalawa dahil mukha naman silang abala sa pinapanuod nila kaya umakyat na ako sa itaas para makapagpahinga.

Para akong nanghina sa pinag usapan namin ni Papa kanina. Masyadong nakakalungkot yung sitwasyon na lilipat na kami ng bahay at titigilan ko na ang nararamdaman ko para kay Adam. Nakakalungkot na hindi namin nagawa ni Tita Cathy na lumabas at magpunta sa mall kasama sila Adam at Cyrus.

Pero maganda na rin siguro ang ganon makakapagfocus ako sa pag aaral ko. Kailangan ko ng magseryoso dahil college na ako.

Kinabukasan abala kami ng mga kagrupo ko sa paggawa ng powerpoint presentation para sa isang subject namin. Nagpaalam na ako kila Papa na gagabihin ako ng uwi ngayon dahil may ginagawa pa akong school works.

Who Would have Known (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon