Akala ko kanina nung nakapag usap kami ng maayos ni Adam uuwi na kami sa bahay pero dinala nya ako dito sa apartment nya. Pinahiram nya rin ako ng damit. Isang jogging pants at isang oversized white t-shirt.
Nawala na kanina sila Chesca at Kiko sa plaza. Hindi ko alam kung saan na sila nagpunta.
Nasabi na rin saakin ni Adam lahat as in lahat.
Kaya lang naman daw nya niligawan si Chesca dahil sa naging agreement ni Tito Arnold at ng Mama ni Chesca na ipagkasundo sila para mas lumakas ang business nila dahil mayaman sila Chesca at matutulungan na mas umangat ang business nila Tito Arnold kung magkakatuluyan si Chesca at Adam. Pumayag si Adam sa agreement na yun matagal rin daw pinag isipan ni Adam yon at nagawa rin nya daw yon dahil baka sakali daw na makalimutan nya ang nararamdaman nya para saakin.
Pero nalaman ni Adam na bago pa man magkaroon ng agreement nagkakamabutihan na sila Chesca at Kiko. Yung mga araw at oras daw na magkasama si Adam at Chesca si Kiko daw ang pinag uusapan nila may mga times pa nagig third wheel sya para pagbigyan si Chesca na makasama si Kiko. Hindi daw kasi pinapayagan umalis si Chesca ng bahay kapag hindi si Adam ang susundo kaya parang ang nangyari tinutulungan ni Adam si Chesca na makipagkita kay Kiko kahit palihim lang.
Kaya doon ko rin nalaman na si Chesca pala ang babaeng binabanggit nya saakin noon. Pumayag lang rin daw si Chesca sa kagustuhan ng Mama nya na magpaligaw kay Adam dahil wala rin itong magagawa.
Yung kanina naman nagtapat si Chesca sa Mama nya na hindi si Adam ang gusto nya at si Kiko daw kaya ayun nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan. Umalis daw ito sa bahay nila at ayun na daw yun tinawagan ni Chesca si Kiko kanina at yung nakita ko ang continuation.
Yung tungkol naman sa nararamdaman ni Adam saakin ayaw nyang sabihin saakin ng buo! Nahihiya yata sya! Sabi nya lang saakin basta daw gusto nya daw ako. Yun lang!
Gusto kong malaman kung paano at kailan sya nagkagusto saakin pero ayaw nya naman sabihin! Nakakaasar paano ako kikiligin lalo kung yung mga bagay na ganon ayaw nyang sabihin!
Kaya pala madalas badtrip saakin si Adam siguro dahil nagseselos sya kay Terrence pati kay Kiko pero hindi na dapat sya magselos kay Kiko dahil may Chesca na yun pero kay Terrence hindi ko alam kung paano yung gagawin namin para hindi sya magselos. Ayoko naman iwasan ko yung kaibigan ko no! Dahil isa si Terrence sa palaging nandyan para saakin nung mga panahon na malungkot ako at kailangan ko ng tulong.
Kanina habang pauwi kami ni Adam dito sa apartment nya tinanong nya ako kung bakit hindi ko na daw sinusuot ang bracelet na binigay nya saakin. Sinabi ko naman na tinago ko iyon. Napapansin nya pala na hindi ko suot ang bracelet na binigay nya saakin dati. Akala ko kasi wala lang sakanya kung suot ko man yun o hindi yun pala minomonitor nya pala kung suot ko o hindi.
"Yung cellphone ko pala?" Tanong ko kay Adam na nakaupo sa tabi ko.
Nandito kami sa sala nya at nanunuod ng movie. Hindi naman kami makatulog pareho. Alas dyes na ng gabi pero dilat na dilat pa rin kami.
"Nasaakin. Lowbatt." Sabi ni Adam habang nakatingin lang sa screen ng TV.
"Akin na. Ichacharge ko." Sabi ko sakanya at sumide ako ng upo para makausap ko sya ng maayos.
"Ako na." Sabi ni Adam at saka sya tumayo. Inilabas nya mula sa bulsa nya ang cellphone ko at nagpunta sa gilid ng tv para icharge ang cellphone ko pagkatapos bumalik na sya sa pagkakaupo sa tabi ko.
"Bakit ba ayaw mong ibigay saakin?" Tanong ko sakanya. Kanina pa nasakanya yung cellphone ko ni hindi nya binalik saakin. Kung hindi ko pa naalala hindi nya ilalabas yung phone ko.
"Siguro kasi nagseselos ka no?" Biro ko kay Adam at tinusok sya sa tagiliran. Sinamaan nya naman ako ng tingin.
"Why would I be?" Sabi ni Adam saakin. Napabuntong hininga nalang ako. Hindi showy si Adam what do I expect? Ni hindi nga yata marunong manlambing si Adam ng babae. Hay nako hindi ko yata mararamasan yung mga ginagawa ng mga cute couple na napapanuod ko sa palabas! Masyadong seryoso sa buhay tong si Adam!
BINABASA MO ANG
Who Would have Known (COMPLETED)
Teen Fiction"Hi I'm Seriena. Please...read this." nakayukong sabi ko sakanya habang inaabot ang liham na ginawa ko. "No thank's." at nilagpasan nya ako. Naiwan sa ere ang kamay ko at literal na napaawang ang labi ko sa ginawa nya. Kahit na expected ko na ang m...