Isang buwan na ang nakalipas nung nagsimulang ligawan ako ni Adam. Wala naman palya si Adam sa effort nya para saakin kaya sinagot ko sya last week kasabay ng birthday ni Tita Cathy. Umuwi na rin sa bahay si Adam.
Masaya ako everyday kahit na stress ako sa academics ko dahil ang hirap ng ginagawa namin ngayong sem pero minomotivate naman ako ni Adam kaya nakakagaan sa pakiramdam.
Tuwing na y stress ako sa dami kong rereviewhin at gagawin tutulungan ako ni Adam at sasabayan rin sa pagpupuyat. May times talaga na nagsasabay kaming magreview. Binabantayan nya talaga ako kapag nagrereview ako dahil minsan inuuna ko talaga ang matulog kaysa magreview lalo na kapag hindi ko na kayang magpuyat. Si Adam kasi sanay na yun magpuyat kaya wala nalang sakanya kapag reviewhan ang usapan.
Kahit na kami na ni Adam wala pa ring nagbago sa ugali nya! Masungit pa rin sya saakin! Pero kahit paano ipinapakita nya naman saakin yung side nyang mapanglambing pero napakadalang lang! Wala talaga sa katawan ni Adam na sweet sya! Ayaw rin nya ng sweet kami sa harap ng mga magulang namin! Hmmp! Nahihiya yata sya.
Magkasama kami ni Adam ngayon at papunta na kami sa field para sa training nila ng volleyball ngayong hapon. Sinamahan ko syang magpalit ng jersey and rubber shoes sa CR na malapit dito sa field pero syempre nasa labas lang ako kanina habang naghihintay na magpalit sya.
"Huwag ka ng maglagay ng ganyan." Sabi ni Adam saakin habang naglalakad kami at balak ko sanang maglagay ng liptint sa labi dahil hindi ako nakapaglagay kanina. Mukha na akong may sakit ngayon dahil maputla talaga ang kulay ng labi ko kapag walang liptint or lip balm.
"Ha? Bakit?" Tanong ko kay Adam. Ang tagal ko ng naglalagay ng ganito tapos bigla nya akong pagbabawalan kaya nagtataka ako.
"Basta huwag ka ng maglagay ng ganyan." Sabi ni Adam at saka kinuha ang hawak kong lip tint at saka nya inilagay sa bag nya.
Laglag ang panga ko sa ginawa nya. Hindi na ako nakapagreklamo pa dahil nakarating na kami sa court. Hinatid muna ako ni Adam sa uupuan ko dito sa bleachers bago sya pumunta sa court para makapag warm up. Iniwan na rin nya ang gamit nya saakin.
Kinabukasan nagpunta ako sa may building nila Adam pagkatapos ng klase ko ngayong hapon. Patapos na rin naman ang klase ni Adam kaya pinuntahan ko na sya. Saktong pagdating ko sa harap ng classroom nila Adam naglalabasan na ang mga kaklase nya.
"Hi Seriena!"
Nabigla ako ng bumati saakin yung isang lalaki na kalalabas lang ng classroom nila kasabay nya ang tatlo pang kaklase nya na lalaki. Nagulat ako dahil kilala nya ako at ang energetic nyang bumati.
"Ha?" nahihiyang sabi ko dahil hindi ko naman sya kilala pero kilala nya ako. Medyo naweirduhan lang ako.
"Tara na. Girlfriend ni Adam yan." Sabi ng isa mga kasama nya at inakay na ang kasama nilang lalaki na bumati saakin.
Siguro kilala na rin talaga ako ng mga kaklase ni Adam dahil madalas rin nila kaming makita ni Adam na kaming lang dalawa ang magkasama. Wala naman na kay Adam yung kapag napag uusapan sya. Sanay naman na siguro sya.
Paglabas ni Adam sa pinto kaagad nyang hinawakan ang kamay ko at saka kami sabay na maglakad. Nilagpasan namin yung lalaking tumawag saakin kanina at ang mga kasama nya.
"Nako. May bakod na talaga." Rinig kong sabi ng isa sakanila.
Nilingon sila ni Adam at sinamaan ng tingin. Natawa ako sa ginawa nya dahil pakiramdam ko naasar sya sa mga kaklase nya dahil pinag uusapan ako ng mga ito. Hay nako may ganitong side pala si Adam.
Kinabukasan kasabay kong kumain ng lunch si Terrence at si Adam.
Nasa counter si Adam at nag oorder ng pagkain namin kaya naiwan kami ni Terrence dito sa table dahil nakapag order na sya ng pagkain nya. Katapat ko sya ngayon.
BINABASA MO ANG
Who Would have Known (COMPLETED)
Teen Fiction"Hi I'm Seriena. Please...read this." nakayukong sabi ko sakanya habang inaabot ang liham na ginawa ko. "No thank's." at nilagpasan nya ako. Naiwan sa ere ang kamay ko at literal na napaawang ang labi ko sa ginawa nya. Kahit na expected ko na ang m...