Kasalukuyan kaming nag aayos ng christimas decoration sa bahay para talagang ramdam na malapit na ang christmas. Inilabas pa ni Tita ang mga noon pa nyang pang decoration kanina kaya nagtulong tulong kami ni Cyrus at Tita na magdecor.Pagkatapos namin sa ginagawa namin pinagmiryenda kami ni Cyrus. Nandito kami sa sala at kumakain habang nanunuod ng noon time show na madalas pinapanuod ni Tita Cathy.
"Oo nga pala sa 25 mag oout of town tayo...." sabi ni Tita saamin ni Cyrus.
Natigilan ako sa pag nguya ng marinig ko ang date na sinabi ni Tita. Iyon yung araw na kasama ko ang mga kaibigan ko.
"...Pupunta tayo sa isang probinsya. Kasama rin doon ang Papa mo Seriena. Isang araw lang tayo doon dahil kinabukasan ako ay may importanteng lakad. Nako! Ngayon palang excited na ako!" Sabi ni Tita. Sa pagkagalak nito hindi mawala ang tuwa sa mukha nya. Halatang excited.
"Kasama si Kuya?" Tanong ni Cyrus sa Mama nya. Doon ako biglang nastress! Kasi december 25 yon! Christmas at first time ko lang syang makakasama sa occasion na iyon pero may lakad ako kasama ng mga kaibigan ko sa araw na iyon!
"Baka hindi...ang sabi nya saakin kanina sa cellphone may trabaho daw sya pero susubukan daw nyang sumunod nalang." Sabi ni Tita. So may possibility na sumama si Adam!?
"Tita, baka hindi rin po ako makasama." Sabi ko kay Tita na kaagad namang bumaling ang atensyon saakin dahil sa sinabi ko.
"Ha! Bakit?"
"May lakad po kasi kami ng mga kaibigan ko..."
"Hindi mo ba pwedeng ipagpaliban iyon?"
"Hindi po eh. Nauna po kasi yung lakad namin na iyon at nakapagpromise na po ako sa mga kaibigan ko." Sabi ko. Kahit na gusto kong kasama si Adam sa mga moment na ganon hindi ko pwedeng basagin ang lakad namin ng mga kaibigan ko dahil nakaplano na iyon.
Syempre nalungkot si Tita sa sinabi ko pero hindi na sya namilit.
Kinabukasan inanyayahan ako ni Terrence na pumunta sa bahay nila dahil napakalapit ko lang. Birthday kasi ng Mama nya ngayon kaya inimbitahan nila ako. Actually ininvite rin nila sila Tita Cathy kaya lang si Tita may pinuntahan kasama si Cyrus kaya hindi na sila nakapunta dito kila Terrence.
Nakakahiya nga eh! Wala naman akong dalang regalo sa Mama nya! Ang biglaan naman kasing magyaya ni Terrence. Ni hindi man lang ako prepared! Hindi tuloy ako nakabili ng regalo. Pagdating ko tuloy dito kila Terrence hiyang hiya ako. Nagsorry pa ako sa Mama nya dahil wala akong dalang regalo. Bumati lang ako kanina at nakipagbeso. Mabuti nalang mabait ang Mama nya!
"Alam mo ikaw lang ang kilala kong babaeng kaibigan ni Terrence. Nagulat nga ako ng malaman kong may kaibigan syang babae akala ko nga girlfriend ka nitong anak ko. Wala na kasi sila ni Angela." Sabi ng Mama ni Terrence habang kumakain kami dito sa sala nila. May mga ibang bisita sila at kumakain naman sa dining.
"Mom..." sabi ni Terrence at pinagbawalan ang Mama nito.
"Oo na anak. Sige na. Hindi na ako magkukwento. Pupunta muna ako sa mga bisita natin. Kumain ka lang ng madami ijah." Sabi ng Mama ni Terrence at saka tumayo sa pagkakaupo. Katabi ko kasi si Tita sa kaliwa habang si Terrence naman nasa kanan ko.
"Pasensya kana kay Mama. Madaldal rin sya katulad ko." Sabi ni Terrence saakin na ikinatawa ko naman. Halata naman na nagmana sya sa Mama nya.
Naikwento na saakin ni Terrence noon na simula nung nagbreak sila ni Angela hindi na sya gaanong nakikipag kaibigan sa babae. Actually ex bestfriend nya rin yun si Angela. Shocking right? Bestfriend nya na naging ex girlfriend. Sayang naman ang friendship nila. Kaya simula nung nagbreak sila ni Angela nung high school nag end na rin lahat sakanila.
Niligawan nya daw si Angela nung grade 10 at naging sila ni Angela ng isang taon kaya lang nagloko daw si Angela kaya nagbreak sila. Okay naman na daw si Terrence sabi nya nakapag move on na sya sa mga pinagsamahan nila ni Angela.
Pag uwi ko kanina sa bahay wala pa rin sila Tita Cathy kaya mag isa lang ako dito. Narito ako ngayon sa sala at nagcecellphone. Nagstalk sa social media account ni Adam na walang bagong update. Kung ano yung nakita ko sa timeline nya last week yun pa rin hanggang ngayon.
Alas siete na ng gabi ng makarating sila Tita Cathy at Cyrus. May dala dala itong maraming paper bags. Mukhang namili sila ni Cyrus kanina.
Tatlo lang kaming kumain ng hapunan ngayon dahil si Tito Arnold masyado daw gagabihin ng uwi ngayon at ganon rin si Papa dahil maraming kumakain sa restaurant namin ngayon.
"Tulungan mo akong magbalot ng regalo mamaya Seriena ha? May regalo rin ako para sayo pero syempre surprise kung ano iyon! Sigurado akong magugustuhan mo iyon. Doon tayo mamaya sa kwarto ko ha?" Sabi ni Tita saakin habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain. Nakangiti akong tumango bilang sagot.
Bakit ganon si Tita Cathy no? Akala mo palagi syang walang problema. Ang cheerful nya masyado.
"Kuya!"
Muntik na akong mabilaukan ng makita si Adam na pumasok dito sa bahay at narito sya ngayon sa kusina.
Lumapit si Cyrus sa Kuya nya at nakipag high five.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ng hindi ko naman sinasadyang masabi. Nakakagulat lang kasi dahil hindi ko naman alam na pupunta sya dito ngayon!
"What? I'm not allowed to come and visit my own home?" Tanong ni Adam at saka naupo sa pwesto nya dito sa dining.
"Adam anak mabuti naman at bumisita ka." Sabi ni Tita Cathy. Tumayo sya at yumakap kay Adam kahit na nakaupo na ito.
Mukhang walang may alam na pupunta si Adam ngayon dito. Ano kayang meron at nagpunta sya dito sa bahay nila? Napaka dalang pumunta ni Adam dito kaya nakakagulat.
"Kukuha lang ako ng gamit." Sabi ni Adam at sumandal sa upuan. Nakahalukipkip sya habang nakikipag usap.
"Para saan anak?" Tanong ni Tita Cathy.
"Akala ko ba mag oout of town?" Sabi ni Adam na ikinalaki ng mata ko sa gulat. Nagkatinginan kami sandali ni Tita Cathy. SASAMA SI ADAM?!
"Sasama ka Kuya?" Tanong ni Cyrus sa Kuya nya na katabi nya lang sa kaliwa nya. Tumango naman ito bilang sagot.
"Mabuti naman anak at makakasama ka. Akala ko hindi ko makakasama ang panganay ko na magsaya." Sabi ni Tita Cathy at umakto pa itong parang naiiyak. Inilingan lang sya ng dalawa nyang anak.
"I heard you can't go?" Tanong ni Adam saakin. Oo saakin dahil saakin sya nakatingin.
"Oo. May lakad kami ng mga kaibigan ko." Sabi ko dahil hindi magbabago ang isip ko kahit na kasama pa nila si Adam. Mas mahalaga saakin ang friendship namin ng mga kaibigan ko.
"Sayang. Mukhang mas masaya pa naman kung nandoon ka." Sabi ni Adam. Napairap ako sa sinabi nyang iyon. Alam kong nang iingit lang sya!
"Tama! Sige nga anak tulungan mo akong mapapayag si Seriena na sumama saatin." Sabi naman ni Tita Cathy. Umiling iling naman si Adam.
"Huwag na Ma. Nakapagdecide na sya." Sabi ni Adam saka sya tumayo at naglakad paalis.
"Bleh!" Sabi ni Cyrus saakin at sinundan nya ang Kuya nya paakyat ng kwarto nila. Aba't!
Napabuntong hininga nalang ako. Mukha ngang masaya talaga sa pupuntahan nila lalo na't magkakasama pa sila at pupunta si Adam.
Bakit Seriena?! Bakit ka nagyaya?! Edi sana makakasama rin ako sa pupuntahan nila! Pero paninindigan ko ang napagdesisyunan ko.
I will choose my friends dahil second time palang namin magsasama sama sa Christmas day. Marami pa naman sigurong susunod na pagkakataon na makakasama ako sa out of town nila?
At isa pa kung sasama ako sakanila baka isipin nila dahil nalaman kong sasama si Adam kaya sasama rin ako at isa pa ayokong isipin ng mga kaibigan ko na ipinagpapalit ko si Adam kaysa sakanila. Kaya itutuloy pa rin namin ng mga kaibigan ko yung napag usapan namin.
Tama yan Seriena. Good job!
BINABASA MO ANG
Who Would have Known (COMPLETED)
Teen Fiction"Hi I'm Seriena. Please...read this." nakayukong sabi ko sakanya habang inaabot ang liham na ginawa ko. "No thank's." at nilagpasan nya ako. Naiwan sa ere ang kamay ko at literal na napaawang ang labi ko sa ginawa nya. Kahit na expected ko na ang m...