Kabanata 7

203 11 11
                                    

"A-Ano bang sinasabi mo?" tanong ko kay Kiko.

"Nakita ng dalawang mata ko nandoon ka sa bahay nila." sabi ni Kiko. "Witness ko tong dalawang to." itinuro nya iyong dalawa naming kaklase na lalaki.

Aatakihin na yata ako sa ginagawa ni Kiko eh! Sinisikreto ko nga na doon ako nakitara pero ibinubulgar naman ni Kiko na doon ako kila Adam nakatira. Kapag nalaman nya to malamang magagalit yon saakin. Ngayon halos lahat ng mga kakalse ko interesado na sa sinasabi ni Francis. Sino ba naman kasi ang hindi magiging interesado. Ako lang naman yung babaeng nireject ni Adam tapos doon pala ako nakatira malamang magtataka talaga sila.

"Bakit naman ako ano...impossible yon ano ba kayo....ano baka nagkamali lang kayo...HAHA. Hindi ako yon..." sabi ko sakanila. Natataranta na ako! Puro ano tuloy ang sinasagot ko.

"Ikaw na ikaw yon Seriena hindi ako nagkakamali." sabi ni Kiko. Gustong gusto ko ng takpan ang bibig nya ng tape ng hindi na sya magsalita. Napakadaldal!

"Ay ano ba yan!" sa pagkataranta ko bumagsak tuloy ang bag ko sa sahig natapon iyong mga gamit ko dahil nakabukas ang zipper ng bag ko. Tinulungan ako nila Hennesy at Jilliana sa pagkuha ng mga gamit ko sa sahig.

"Ano to?!" sabi ni Hennesy kaya napatingin ako sakanya. Hawak nya yung enevelope na ibinigay ni Tita Cathy saakin. Nakabukas na iyon at may hawak syang litrato.

"What the..." sabi ni Hen habang nakatingin sa picture nanlalaki pa ang mata nya.

"Ano ba yan?" tanong ko. Ipinakita nya ang laman ng envelope. Literal na napanganga at lumaki ang mata ko ng makita ang laman ng envelope!

Picture namin dalawa ni Adam na nasa kwarto ko at natutulog sa centertable!

Kaagad kong inagaw ang picture kay Hennesy pero kinuha iyon saakin ni Jilliana at pinagpasahan!

"May picture kayo ni Adam?!" sabi ni Jilliana saakin.

"What's the meaning of that?" tanong ni Hennesy saakin.

Halos lahat na ng mga kaklase ko pinag uusapan na yung picture namin ni Adam! Kinakabahan tuloy ako! Ayokong magalit si Adam saakin.

"So nakatira ka nga talaga sakanila?" tanong ni Kiko saakin. Tinitigan ko sya sandali. Seryoso ang mukha nya.

Naguilty naman ako dahil nagsinungaling pa ako at nagmaang maangan sakanya kaya lang kasi nataranta ako ipinagsigawan nya pa kasi!

"Uhm...our fathers are best friends kaya nakitira muna kami sakanila alam nyo naman ang nangyari sa bahay namin diba? Diba?" sabi ko sakanila. Tumango tango naman sila Hen at Jill sa sinasabi ko

"So...ibig sabihin sabay lang kayong nag aaral ni Adam?" tanong saakin ni Francis.

"Oo, yun lang period." sabi ko. Ano bang iniisip nila? As if naman may something saamin ni Adam? Nireject nga ako ni Adam remember?

"Ah! Kaya naman pala napasama ka sa Top 100 eh nahawa kana kay Adam!" sabi naman ni Jilliana saakin.

"Pero ang swerte nya kasama nya si Adam sa iisang bahay!" rinig kong sabi ng kaklase kong babae.

"Iniiwasan nya ako. Hate kaya ako non." sabi ko sakanila. Nasa iisang bubong nga kami pero parang multo lang ako sakanya dahil nilalapagpasan nya lang ako pagdadaan sya.

"Wag sana kayong maingay ha? Saatin lang to." sabi ko sakanilang lahat sana naman sumunod sila. Ayokong magalit si Adam!

Nakadapa ako sa kama ko habang nakatitig sa picture namin ni Adam. Kinikilig ako! Ang sweet kasi namin sa picture kahit na natutulog lang naman kami. Ang galing talaga ni Tita Cathy! Siguro pinicture-an nya kami kagabi nung nagdala sya ng makakain namin. Natutuwa ako kay Tita dahil nag effort pa syang gawin ito.

Who Would have Known (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon