"Huwag kang---"
Natigil kami ni Tita sa pag uusap ng marinig namin ang pagbagsak ng gamit sa sahig. Sabay namin tinignan si Adam na kababa lang ng dala kong bag na naglalaman ng mga damit ko at yung isa ay school bag ko.
"This was Cyrus' room, you know." sabi ni Adam. "He had to move his things to my room because of you."
Kaya pala ayaw saakin ni Cyrus dahil inagawan ko pala sya ng kwarto. Naguilty naman ako sa sinabi ni Adam iyong anak pa ni Tita ang nakikishare ng kwarto ngayon. Kaya rin pala kahapon masama ang tingin nya saakin! Siguro alam na nyang kami ang darating sa bahay nila ngayon.
"Adam..." sabi ni tita sa anak nyang matalas ang dila.
"Huwag ka ng mag alala kay Cyrus ayos lang sakanya iyon. Think of this as your own home. All right?" sabi ni Cathy saakin. Tumingin muna ako kay Adam na nakasandal sa pader at nakahalukipkip.
"Okay po." sabi ko kay Tita. Pumalakpak sya sa sinabi ko. "Adam, please help Seriena arrange her things. Magluluto lang ako ng hapunan." sabi ni Tita bago lumabas ng kwarto.
Nang umalis si Tita naging awkward na ang paligid. Hindi naman kami close ni Adam para kausapin ko sya. Nadala na ako sa unang beses kong kausapin sya iyong nagconfess ako ng nararamdam ko sakanya at ikinahihiya ko na yon ngayon! Ni ayaw ko na nga syang makita dahil sa kahihiyan pero ito ngayon nasa iisang bahay kami at kaharap ko pa sya.
Kung siguro manhid lang akong tao kililigin ako dahil magkasama kami sa iisang bahay kaya lang hindi eh. Sa ginawa nya saaking pagreject at pagpapahiya mas nangingibabaw ang inis ko sa ugali nya.
"Well, then. Where should I start with your things?" sabi ni Adam at saka nya kinuha ang mga gamit ko.
"Wag na. Ako nalang ang mag aayos." sabi ko at hinablot sakanya ang school bag ko dahilan para matapon ang nasa loob.
Pareho kaming nakatingin sa gamit ko na nahulog sa sahig. Lumuhod ako at saka isa isang ibinalik ang mga gamit ko sa loob.
"I remember. You don't gave any reason whatsoever to want my support." sabi ni Adam. Tiningala ko sya at sinamaan ng tingin.
"It makes no difference to me if you're here or not." sabi nya at saka ako dinaanan para lumabas. Nakita kong nalaglag din ang letter ko na ibibigay ko dapat sakanya ipinasok ko iyon kaagad sa loob ng bag ko. "But don't get in my way."
Napabuntong hininga ako sa sinabi nya. Ganyan na ba nya ako kaayaw para sabihan nya ako ng hindi maganda? Nakakatuwa tong sitwasyon na to. Nakatira ako sa bahay ng lalaking tinanggihan ako.
Nasa hapagkainan kaming lahat. Si Tita Cathy,Tito Arnold, Papa, Cyrus at Adam. Sabay sabay kaming nagbreakfast. Naka school uniform na kaming tatlo nila Cyrus at Adam habang si Papa at Tito ay nakaayos narin para pumasok sa trabaho.
Kumuha ako ng slice ng tinapay at nilagyan ng palaman. Kumagat ako sa tinapay at napatingin sa lalaking katapat ko ng upuan. Abala sya sa pagbabasa ng newspaper. Kinuha ko ang hot choco na itimpla ni Tita Cathy saakin at ininom hindi kasi ako nagkakape kaya ito ang ibinigay nya saakin.
Here I am, eating breakfast with Adam Charles Buenaventura. Nakakainis talaga ang kagwapuhan nya ang pangit na nga ng ugali nya nagustuhan ko pa sya.
"Aray!" ibinaba ko kaagad sa lamesa ang tasa ng mapaso ako sa iniinom kong chocolate. Paano ba naman kasi nagulat ako ng biglang tumingin si Adam saakin eh nakatingin ako sakanya. Kainis ang sakit non ah.
"Clumsy." rinig kong sabi ni Cyrus pero hinayaan ko nalang. Masakit ang labi ko.
"Shh. Cyrus." suway ni Tita sa anak. " Ito ang tissue Seriena." kinuha ko naman ang binigay nyang tissue saakin pinunasan ko ang palda ng uniform ko mabuti nalang kaunti lang ang natapon.
BINABASA MO ANG
Who Would have Known (COMPLETED)
Teen Fiction"Hi I'm Seriena. Please...read this." nakayukong sabi ko sakanya habang inaabot ang liham na ginawa ko. "No thank's." at nilagpasan nya ako. Naiwan sa ere ang kamay ko at literal na napaawang ang labi ko sa ginawa nya. Kahit na expected ko na ang m...