This is the month that we have to say good bye to everyone. Although the relationship between me and Adam hasn't made any progress.
The day of our graduation is getting closer at tuluyan na kaming tatawid papunta sa college life.
"Limang araw nalang. Gradation day nyo na mga anak. Nakasama ko kayo ng dalawang semestre at masasabi kong kahit puro kalokohan ang ginagawa ng section nyo ay mamimiss ko kayong lahat. Kahit na sa dalawang section na hawak ko sainyo ako pinakanastress eh masaya naman ako dahil nakasama ko kayo sa loob ng sampong buwan. Galingan nyo sa kolehiyo ah! Hindi porket nasa class E kayo ay mapapanghinaan kayo ng loob sa kolehiyo. Matatalino kayo at masisipag naniniwala ako riyan. Maaaring isip bata pa kayo sa ngayon ngunit darating rin ang araw ng inyong pagiging matured." Mahabang sabi ng aming homeroom teacher na nakasama namin ng sampung buwan na nastress saamin tuwing napapatawag sya sa guidance dahil sa kalokohan ng section namin. Ang Class A and E ang hawak na section nya at aminado talaga akong isang malaking sakit sa ulo ang section namin dahil sa section nila Adam wala syang masyadong problema doon.
Nagpapasalamat rin kami sa homeroom teacher namin dahil ipinagtatanggol nya palagi ang section namin sa mga taong nagsasabing bobo ang section namin at puros kalokohan lang ang alam.
Maaari ngang isip bata pa kami sa mga panahon na ito pero alam kong kahit paano ay may progresong mangyayari saaming lahat sa mga susunod pang mga taon.
Hindi natin alam...yung mga bagay na wala tayo noon ay magkaroon tayo sa susunod.
At dumating na nga ang araw ng graduation day namin. Narito pa ako sa bahay pero tapos naman na akong mag ayos ng sarili at ilang minuto nalang ay aalis na kami para makapunta na sa school para sa graduation ceremony.
"Smile Seriena." Sabi ni Tita saakin at itinapat ang camera na hawak nya. Ngumiti naman ako kaagad.
"Last day na natin silang makikitang nakasuot ng high school uniform." rinig kong sabi ni Papa kay Tito Arnold na katabi nito. Nakaupo sila dito sa sala habang kami naman ni Tita Cathy ay nagkukuhanan ng picture.
Nakaayos ako ngayon naka light make up, nakakulot ang laylayan ng hindi gaanong mahaba kong buhok at naka school uniform. Yung toga ko naman ay nakay Papa hawak hawak nya.
"Tutal graduation day nyo naman magpicture kayo ni Seriena tutal once in a lifetime moment naman ito." Sabi ni Tita Cathy ng dumating na rito sa sala si Adam. Tumingin ako kay Adam hoping na pumayag sya pero Adam is Adam wala syang sinabi at dumiretso na sa may pinto palabas ng bahay.
"As usual ayaw ni Adam." Sabi ko kay Tita at pilit nalang na tumawa.
"Akala ko ba magpipicture?" Tanong ni Adam mula sa pinto kaya napatingin kami sakanya.
"Ha?" Tanong ko. Napailing iling lang sya at lumabas na ng pinto.
"Nako! Chance mo na yan! Bilis baka magbago ang isip ni Adam." Sabi ni Tita. Tumango ako at sumunod kay Adam sa labas kasunod ko naman si Tita na dala dala ang camera nito.
"Maglapit pa kayo." Sabi ni Tita Cathy habang hawak ang camera.
May space kasi sa pagitan namin ni Adam. Nakatayo kami sa labas ng bahay at parehong nakausot ng school uniform.
"Seriena, lumapit ka pang kaunti kay Adam." Sabi ni Tita Cathy kaya umusog ako ng kaunti kay Adam ngunit may pagitan pa rin saamin.
"Nako malalate kayo nyan. Usog pa." Sabi ni Tita Cathy. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Adam at hinila ang balikat ko dahilan para magkadikit kaming dalawa. Kasabay ng paghila saakin ni Adam ay ang pagpicture naman ni Tita.
Nakailang kuha kami ng picture at nagyaya na si Adam na pumasok na. Sabay sabay kaming pupunta sa school kasama ang mga magulang namin. Alam ko labag sa loob ni Adam na kasabay ako dahil ayaw nyang maissue sya at mapag usapan pero wala syang magagawa dahil iyon ang sabi ng mga magulang nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/121729038-288-k683952.jpg)
BINABASA MO ANG
Who Would have Known (COMPLETED)
Teen Fiction"Hi I'm Seriena. Please...read this." nakayukong sabi ko sakanya habang inaabot ang liham na ginawa ko. "No thank's." at nilagpasan nya ako. Naiwan sa ere ang kamay ko at literal na napaawang ang labi ko sa ginawa nya. Kahit na expected ko na ang m...