Kinabukasan tumulong ako kay Tita Cathy na maglinis ng bahay after namin manggaling sa church kasama sila Adam at Cyrus.
Buong oras ng umaga naglinis kami ni Tita Cathy ng bahay. Nung hapon naman sumama ako kay Tita na maggrocery dahil nauubos na ang stock nila sa bahay.
At ito ako ngayon nasa sala at nanunuod habang si Tita eh natutulog na kahit alas nuebe palang ng gabi. Napagod sya ngayong araw sa mga ginawa namin.
"Alam kong sinundan nyo kami kahapon." Sabi ni Adam pagkaupo nya sa maliit na sofa na katabi lamang ng inuupuan ko.
Kalalabas nya lang ng kitchen at may dala syang kape na inilapag nya sa center table.
Bahagya akong nagulat sa sinabi nyang iyon dahil alam nyang sinusundan namin sila. Pero hindi naman na dapat nakakapagtaka na nahuli nya na sinusundan namin sila dahil kahit paano mahahalata naman kami talaga. Isang kahihiyan na naman for me.
"Sorry..." sabi ko nalang.
Dala siguro ng pagod kaya parang wala akong inerhiyang makipag usap. Pero sumasagot pa rin ako sa sinasabi ni Adam hindi nga lang ako nakatingin sakanya kundi sa pinapanuod ko na hindi ko na maintindihan dahil nawala bigla ang atensyon ko.
"Kung may gusto ka kay Angela hindi kita pipigilan. Wala naman na akong magagawa kung hindi mo magawang magustuhan ako. Promise this time titigilan na kita." Sabi ko kay Adam. Tinignan ko sya para malaman nya na sincere ako sa sinasabi ko. Kung para sa ikasasaya naman ni Adam sige susuportahan ko sya kasi kung ipipilit ko ang nararamdaman ko kay Adam hindi rin ako magiging masaya.
"Do you want to go somewhere?" Sabi ni Adam na ipinagtaka ko. Change topic? Ang layo ng sinabi nya sa sinabi ko. Bakit bigla syang nagyaya sa moment na to? Seryoso na ako eh.
"Kung ayaw mo aakyat na ko." Sabi pa ni Adam akmang tatayo na sya ng magsalita ako.
"Sige na tara na." Sabi ko nalang. Napakasungit ng lalaking to.
Lumabas kami ng bahay at naglakad lakad. Sumusunod lang kay Adam. Hindi ko naman kabisado ang mga pasikot sikot dito sa subdivision nila dahil hindi naman ako lumilibot rito. Hanggang sa pumasok kami sa isang maliit na shop na may nagtitinda ng ice cream.
Pagkatapos namin bumili ng ice cream lumabas na rin kami sa shop na iyon at nagsimula ng kainin ang ice cream na binili namin.
Himala. Nagyaya syang mag ice cream sa ganitong oras mabuti nalang bukas pa yung shop na yon. Nakakapanibago si Adam bigla bigla nalang syang magiging ganyan. Yung akala mo close talaga kayo, yung sanay syang ikaw yung kasama. Knowing Adam! Ayaw akong kasama nyan!
Tahimik lang kaming mabagal na naglalakad at kumakain ng ice cream.
Tahimik na rin sa subdivision dahil halos nasa loob na ng bahay ang mga tao at natutulog na.
I wish time could stop right now. Gusto ko iyong ganito. Iyong nakakasama ko si Adam ng alam kong sya mismo ang gumawa ng paraan para makasama ako. Syempre no special feelings dahil isa lang naman akong kasakasama sa bahay ni Adam at wala lang syang makasamang kumain ng ice cream sa mga oras na ito kundi ako lang.
Kapag nagsasabi ako kay Adam na titigilan ko na sya palagi nalang nagbabago yung mga pangyayari at ang ending hindi ko pa rin magagawa yung bagay na dapat ko naman gawin. Kapag umiiwas naman ako kay Adam bigla namang sya yung nagpapakita. Kapag sinasabihan ko syang kakalimutan at titigilan ko na sya bigla magsasalita sya ng mga bagay na makakapagpabago na naman sa isip ko. Hindi sya maintindihan. Hindi ko alam kung ganyan ba talaga sya.
"I'd never had something was a big deal until recently...." sabi ni Adam kaya napatigil ako sa pagkain ng ice cream ko at napatingin sakanya habang naglalakad kami.
BINABASA MO ANG
Who Would have Known (COMPLETED)
Roman pour Adolescents"Hi I'm Seriena. Please...read this." nakayukong sabi ko sakanya habang inaabot ang liham na ginawa ko. "No thank's." at nilagpasan nya ako. Naiwan sa ere ang kamay ko at literal na napaawang ang labi ko sa ginawa nya. Kahit na expected ko na ang m...