Kabanata 23

165 8 0
                                    


Kinausap ako ni Papa tungkol sa nararamdaman ko para kay Adam. Pinapunta nya ako sa restaurant namin kaninang tanghali para doon maglunch. Malapit lang sa school walking distance lang kaya nilakad ko nalang talaga kanina papunta doon.

Kinausap nya ako tungkol kay Adam dahil alam nyang apektado ako sa pag alis ni Adam sa bahay. Sinabi ko rin kay Papa na may gusto pa rin ako kay Adam at hindi ko magawang magmove on dahil gusto kong ipagpatuloy ang kung anong nararamdaman ko dahil ayokong sumuko kaagad hangga't hind ako napapagod. Hindi rin naman natin malalaman kung worth it ba ang isang bagay kung hindi susubok.

Kung masasaktan man ako at least sumubok ako kaysa magsisi na hindi ko ginawa ang bagay na gusto kong gawin. Kung masasaktan man ako kasalanan ko na iyon dahil ipinush ko ang sarili ko kay Adam. Maggogo with the flow nalang ako.

Nagpasama saakin si Tita Cathy na pumunta sa kung saan na hindi ko alam kung saan ba kami pupunta. Basta nakipagkita sya saakin sa tapat ng school kanina pagkatapos ng klase ko at ito kami ngayon bumaba sa tapat ng isang cafe na medyo malayo sa school. Siguro mga 30 minutes ang ibinyahe namin ni Tita.

"May kikitain po kayo?" Tanong ko kay Tita pagkababa namin ng jeep.

"Dito nagtatrabaho si Adam." Sabi ni Tita ng hindi nakatingin saakin. Abala sya sa pagsilip sa loob ng cafe dahil glass window ito. Nakisilip narin ako.

Ang galing ni Tita ha. Nahanap nya kaagad si Adam sabagay gagawin lahat ni Tita para sa anak nya kahit na labag sa loob nya ang pag alis ni Adam.

"Hindi po ba tayo papasok?"

"Hindi na. Gusto ko lang makita si Adam para mapanatag ang loob ko. Kapag nakita nyang nagpunta tayo dito nako magagalit yon. Ayaw na ayaw pa naman ng pinakikiealaman sya sa mga bagay na gusto nyang gawin." sabi ni Tita saakin. Tumango tango naman ako. Sabagay umiiwas nga pala sya. Hindi ko magets bakit pati kay Tita ayaw nyang nagpapakita? Kasi masyado rin itong makulit kagaya ko?

Nagstay kami sandali ni Tita doon sa labas ng cafe at nagyaya na sya na umuwi. Doon nga talaga nagtatrabaho si Adam sa cafe na iyon isa syang waiter doon. Hindi ko akalain na nakuha nya pang magtrabaho gayong may academics and sports na syang pinagkakaabalahan. Iba talaga ang isang Adam Charles.

"Napakasipag naman." 

Hindi ko na tinignan pa ang nagsalita dahil alam kong si Kiko iyon. Naupo sya sa bakanteng lamesa sa harap ko.

Nandito ako sa school canteen at nagsusulat habang kumakain ng miryenda.

"Tapos na ang klase mo?" Tanong ko kay Kiko habang nagsusulat pa rin.

"Oo. Hinihintay ko nalang yung kapatid ko sabay na kami sa pag uwi." Sabi ni Kiko. Tinanguan ko naman sya sa sinabi ko.

"Balita ko lumipat daw si Adam ng apartment? Anong ginagawa sa buhay ng lalaking yon eh may sarili naman silang bahay." Sabi ni Kiko. Mukhang nasabi ng dalawa sakanya ang tungkol kay Adam.

"Hindi ko nga rin alam bakit sya lumipat. Gusto mo?" Sabi ko at saka inalok si Kiko ng pagkain. Umiling naman sya sa alok ko.

Naunang umuwi si Kiko saakin dahil dumating na ang kapatid nya. Nagpaiwan na ako sa school canteen kanina dahil may ginagawa pa ako pero ngayon ito ako nakasakay sa jeep at papunta sa lugar ng pinagtatrabaho-an ni Adam kahit na alas sais na ng gabi. Syempre hindi naman ako magpapakita no.

Yung schedule ni Adam dito sa trabaho nya sa Cafe base sa sinabi ni Tita saakin depende sa available schedule ni Adam. Kagaya ngayong araw half day lang ang klase ni Adam kaya yung oras ng shift nya simula alas dos ng hapon hanggang alas siete ng gabi.

Who Would have Known (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon