Kabanata 25

172 5 0
                                    


Kaagad kong tinawagan si Terrence sa messenger para magpatulong. Sya lang ang unang taong naisip ko na mabilis makakatulong saakin dahil kapitbahay ko lang sya.

Dahil sa pagkataranta ko kanina nung tinawagan ko sya nataranta rin sya kaya ito sya ngayon kasama ko at papunta na kami sa ospital ngayon. Nakapambahay pa sya at mukhang ready na sya sa pagtulog pero hindi na sya nag abala pa na magpalit dahil pumunta sya kaagad kanina sa bahay nung sinabi kong tulungan nya ako. Mabuti nalang palagi syang online.

Sya ang nagbuhat kay Cyrus at nagdala sa sasakyan nito. Mabuti nalang talaga kapit bahay at may sasakyan si Terrence kundi hindi ko alam ang gagawin ko umuulan pa naman!

Nagmadali pa ako sa pagsara ng bahay kanina naipit pa ako sa pinto sa kaba ko!

Naloloka na ako sa mga pangyayari. Hindi ko naman matatawagan si Adam or matetext dahil wala akong number non! Hindi rin kami friend sa facebook ni Adam hindi naman ako inaaccept non! Sila Tito at Tita naman pati si Papa hindi ko rin macontact.

Tinawagan ko na rin si Kiko nagpatulong ako na masabihan si Adam na yung kapatid nya eh dadalhin namin sa ospital. Syempre kailangan ko ng makakasama sa ospital na related kay Cyrus. Malamang sa malamang hahanapin ang parents or family ni Cyrus para sa mga kakailanganin doon. Kung pera lang may dala naman ako pero syempre studyante lamang ako hindi ito sapat.

"Malapit na tayo." Sabi ni Terrence saakin habang nagdradrive sya. Umuulan pa din at madilim na talaga sa daan.

Nandito kami sa back seat ni Cyrus nakahiga sya sa hita ko. Wala syang malay! Kinakabahan ako feeling ko aatakihin ako sa puso sa mga nangyayari ngayon! Nanlalamig na ang kamay ko sa kaba!

Pagkarating namin sa ospital si Terrence ulit ang nagbuhat kag Cyrus at ipinasok sa loob ng ospital. Tinulungan naman kami ng staff doon at pinadala sa isang kwarto.

"Halatang stress na stress kana. Ang putla mo." Sabi ni Terrence saakin habang nakaupo kami dito sa gilid ng kama na hinihigaan ni Cyrus.

Alam kong ang worst ng itsura ko ngayon. Walang kahit ano sa mukha ko at maputla pa daw ako sabi ni Terrence. Alam ko rin magulo na ngayon ang pagkakatali ng buhok ko. Nakapambahay lang din ako kagaya nya.

Ang sabi ng doktor maatas daw ang lagnat nito kaya hindi nakayanan ni Cyrus kaya nawalan ito ng malay pero magiging okay naman na daw sya ngayon. Mabuti nalang talaga malakas akong makaramdam kaya nakita ko kaagad si Cyrus na wala ng malay.

"Thank you sa pagtulong mo ah. Napaka one call away mo lang." sabi ko kay Terrence habang nakatingin kay Cyrus na mahimbing na ang tulog.

"No problem basta kailangan mo ng tulong just call me in the messenger and I'l be there." Sabi ni Terrence na ikinangiti ko naman. Nakahinga ako ng maluwag dahil kahit paano gumagaan naman na ang pakiramdam ko. Mabuti nalang nandyan sya.

Sabay kaming napatingin ni Terrence sa pinto ng kwarto na to ng bigla itong bumukas.

Si Adam at si Kiko magkasunod na dumating. Kaagad na lumapit si Adam sa kapatid nya habang si Kiko naman dumiretso sa tabi ko. Umusog ako ng kaunti para makaupo si Kiko sa sofa.

Basa silang dalawa sa ulan. Sinabi ko kay Kiko kanina sa text na hanapin si Adam sa cafe na pinagtatrabahoa-an nito kaya siguro doon nya nakita si Adam dahil nakasuot pa ito ng uniform nila a cafe. 

"Anong nangyari?" Tanong ni Adam at kinwento ko sakanya ang nangyari.

Nagpaalam na sila Terrence at Kiko na uuwi na sila dahil hindi sila pwedeng abutin ng madaling araw dahil mag aalauna na ng hating gabi. Nakakahiya dahil nakaistorbo pa ako sakanila at sa mga magulang nila na nag aalala sa mga anak nila. Umuulan pa man din at hating gabi na.

Who Would have Known (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon