Kabanata 24

156 7 0
                                    

"Gusto mo bang ihatid na kita?" Tanong ni Tita Cathy saakin ng akmang papalabas na ako ng pinto ng bahay.

"Hindi na po Tita. Okay naman na po ako. Kaya ko na po." Sabi ko at tuluyan ng lumabas ng bahay.

Okay naman na ako ngayon hindi naman na ako nilalagnat. Siguro dala ng panahon at pagod kaya ako nagkasakit pero kaya ko naman na ngayon.

Nalaman rin kasi ni Tita na nilalagnat ako dahil halatang matamlay ako kagabi. Inasikaso naman ako ni Tita Cathy kagabi nung wala pa si Papa. Isinabay rin pala ako pauwi ni Terrence kahapon.

I can't be like this anymore...I have to be strong. I can't give people around me anymore trouble. Alright self! Cheer up, okay!

Bumagal ang paglalakad ko ng mapansin ko si Adam na nakatayo sa gilid ng gate ng school. Anong ginagawa nya doon? Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad. Nilagpasan ko si Adam at pumasok na sa loob ng gate. Huwag kayong mag alala good mood naman ako ngayong araw.

"Wait."

Napahinto ako sa paglalakad ng may magsalita sa likod ko na alam kong si Adam. Huminto ako at nilingon sya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Let's talk." Sabi ni Adam at saka nya ako nilagpasan para mauna sa paglalakad.

Napa "ha" nalang ako ng mahina at napakamot sa ulo pero sinundan ko pa rin sya. Ano kayang pag uusapan namin? Don't tell me...hinintay nya ako?!

"How is your new home?" Tanong ko kay Adam habang naglalakad kami. Let's talk daw eh hindi naman sya nagsasalita.

Nakapamulsa lang syang naglalakad habang nakasabit ang bag nya sa kanang balikat. In fairness wala ata syang pake sa mga taong makakakita saamin?

"Great. It's very quiet and clean." Sabi ni Adam ng hindi ako tinitignan. Magkasabay lang kami sa paglalakad.

"I think mas okay talaga no...Yung mainlove ka sa ibang babae. Hehe." Sabi ko sakanya kaya napahinto sya sa paglalakad at tinignan ako.

"What is this all of a sudden?" Tanong nya. Huminga ako ng malalim dahil marami akong gustong sabihin sakanya.

"Syempre one sided love lang yung meron ako sayo at alam ko naman na wala ka talagang interest saakin. Natatanggap ko naman na sa ngayon. What i'm trying to say is that if you fall in love with someone gusto ko lang na malaman mong magiging masaya naman ako para sayo. Well, it would be a lie if I said I wasn't frustrated but if you love each other and kung nagsasama na kayo ni Angela sa iisang bahay magiging masaya naman ako basta masaya ka." Mahabang sabi ko sakanya. Nakatingin lang sya saakin habang nagsasalita ako.

Pinag isipan ko rin yan kagabi no kahit may sakit ako sya pa rin ang naiisip ko. Bukal naman sa loob ko yung fact na magiging masaya ako para kay Adam kung may nagugustuhan na syang iba. Alam naman ng lahat at maski ako alam na alam kong walang patutunguhan ang feelings ko kay Adam. I'm now looking at the positive side kaya ganito ako makapagsalita sakanya na parang okay lang saakin at hindi masakit sa part ko.

"Uy! Kuya Adam!"

Sabay kaming napatingin sa isang babae na mabilis lumalakad papunta ngyon dito sa pwesto namin.

"Sino naman to?" Tanong ko.

Ngayon ko lang nakita itong babae. Naka school uniform sya pero yung uniform namin ng high school. Dito rin sya nag aaral.

"Oh...ikaw ba si Seriena?" Tanong nya saakin ng makalapit sya. Napawow ako dahil kilala nya ako.

"Bakit mo ako kilala?"

"Well...I could tell because you look like exactly how I was told. You look dumb." Napanganga ako sa sinabi ng batang babae na to. Aba! Ang talas ng tabas ng dila nito ah! Ni hindi manlang ako tawagin ng Ate! Mas matanda ako sakanya no!

Who Would have Known (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon